Prologue

127 3 0
                                    

“Leaving already?”

Tumingin ako sa likod ko’t nakita ang pinsan kong si Charlie‚ may hawak itong tsokolate sa kaniyang kaliwang kamay at sa kanan naman ay mayroong softdrink.

“Obvious ba?” Sarkastikong sagot ko‚ nakita kong inirapan ako nito kaya napangiti ako.

Ang bilis niya talagang mapikon! Pinaglihi yata ‘to ni tita sa galit.

“Piskit‚ layas na bi. (Lumayas ka na.)” Sabi nito bago umalis sa kwarto ko kaya humalakhak lang ako habang tinatapos na ligpitin ang mga gamit ko.

Nasa iisang bahay lang kami ni Charlie‚ sa’min siya nakatira dahil ang pamilya niya ay nasa Bohol. They have a house naman here kaso ayaw niya raw tumira doon‚ ayaw niyang mapag-isa sa malaking bahay.

Nang matapos na akong ayusin ang mga gamit ko ay agad na akong bumaba‚ I went to the kitchen to grab my tumbler.

“I’ll get going na‚ Charlie!” Sigaw ko before going outside and drove my way to school.

Nang makarating na ako’t naiparada ko na ang sasakyan ko ay agad na akong pumunta sa first class ko. Parehas kami ni Charlie na Grade 12 pero magkaiba kami ng track at schedule. I took STEM and she took HUMSS.

Today’s our first day of school kaya nagaganahan akong gumalaw. Dapat good day today and good mood ako!

“Jade‚ Maeve!”

Lumingon sa direksyon ko ang mga kaibigan ko’t kumaway sa’kin‚ dumiretso ako sa bakanteng upuan sa tabi nila at doon umupo. Our class will start at exactly 9AM kaya nag-usap muna kami.

“How was your summer? Balita ko kay tita‚ you know how to drive na!” Bungad ni Jade sa’kin.

She’s one of my best friends along with Maeve‚ actually‚ lima kami sa friend group namin. We’ve known each other since elementary pa lang kami. Ang dalawa naming mga kaibigan ay ibang track ang kinuha‚ Sophie chose ABM while Stefany chose HUMSS. Yung course kasi na kukunin nila sa college iba sa’min.

“Well‚ it was good! We went to Bohol to visit Charlie’s family tapos after that‚ we went to Cebu to visit my grandparents naman. They taught me to drive there‚ kaya right after naming bumalik dito sa Manila‚ kumuha na agad ako ng drivers license!” I enthusiastically said.

“Sa inyo ba?”

I looked at them curiously‚ hindi naman kasi kami nag-uusap sa gc the whole break! Hindi rin kami naka gala pero kahit naman magkakasama kami‚ kung anu-ano ang topic namin‚ hindi mapermi.

“Ayos lang sa’kin! Boring nga lang‚ nasa bahay lang ako‚ naghihintay na may mag-aya sa’kin na gumala pero ni isa sa inyo‚ walang gumawa! Mga feeling.” We giggled at Maeve’s expressions while talking.

“Ayos lang din sa’kin‚ umuwi ako sa Laguna. I met your pinsan doon‚ napaka sungit talaga ni Charlie!”

Luh‚ nagkita sila?

“Huh? Kailan ‘yan?” Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil biglang dumating ang adviser namin. Jade mouthed ‘later nalang’ dahil magsisimula na ang klase.

“Okay‚ I will dismissed you early since tapos na rin naman tayong pag-usapan ang mga patakaran natin dito sa classroom. Class dismissed.”

Agad naming niligpit ang mga gamit namin since tapos na ang klase at wala na rin kaming gagawin. Ang sabi sa amin ni Sir Tiu kanina ay bukas pa raw magsisimulang pumasok ang mga subject teachers namin kaya p’wede na kaming umuwi or umalis ng campus.

“Uy‚ balita ko may newly opened coffee shop near hear‚ punta tayo? Ang ganda raw ng ambiance there e!” Pag-aaya pa ni Stefany.

We’re currently walking out way to my car because we decided to hang out muna since we haven’t seen each other for a month and a half.

“Sure‚ I’m G. Kayo ba?” I asked the others and they agreed kaya we immediately went there.

I dropped them off near the entrance para makapag order na agad sila dahil hahanap pa ako ng parking space. When I finally found one ay agad kong pinarada ang sasakyan ko at agad na bumaba.

When I was about to enter the coffee shop‚ I bumped into a woman.

“What the..”

“OMG.”

Nagulat ako dahil tumilapon ang dala niyang kape sa white pants niya. Nagulat din siya sa nangyari‚ hindi ito nakatingin sa’kin dahil ang atensyon nito ay nakatuon sa pantalon niyang may dumi.

“Oh my God‚ I sincerely apologize for ruining your outfit and for bumping into you. I’ll buy you a new one nalang‚ I’m really sorry!” Paghihingi ko pa ng paumanhin but she’s still not looking at me. Seems like she’s still processing what happened.

The people inside the establishment are already looking at us‚ my friends are just looking at us in shock.

“P’wede ba watch where you’re.. going..” Bigla itong huminto sa pagsasalita nang magtama ang mga mata namin. Her flaring eyes softened right after my eyes met them‚ parang apoy na nabuhusan ng tubig.

I decided to break our eye contact dahil mag i-ilang minuto na kaming nandito. Nakakahiya na sa mga costumers!

“I’m really sorry talaga‚ do you have a spare clothes? Kung wala‚ I’ll buy you nalang! I have my car with me‚ pambawi ko man lang sa outfit mo..” Nang mabanggit kong muli ang tungkol sa outfit niya ay biglang bumalik ang apoy sa kaniyang mga mata. Huhu‚ save me my friends.

“Miss‚ I didn’t bring any spare clothes because I didn’t expect that this will happen to me. I’m already having a bad day na nga tapos nangyari pa ‘to! Ugh!” Medyo tumataas na ang boses nito kaya tumingin ako sa mga kaibigan ko‚ they’re trying so hard to stop themselves for laughing. Nakakainis sila‚ mga walang dulot!

“Edi let’s go to the mall! I’ll buy you a new one nga.” May halong inis ang tono ng boses ko dahil naiinis ako sa mga kaibigan ko. Hindi man lang ako tinulungan!

“No‚ I can’t. May class ako ngayon‚ Miss!” Randam ko ang frustration sa boses niya kaya mas lalo akong nag-guilty.

Huhu‚ paano na ‘to?

She’s staring at me‚ obviously waiting for me to find another solution pero hindi gumagana ang utak ko kung kailan kailangan na kailangan ko siya!

I was panicking when she pulled me away from the shop. Huminto lang kami nang makarating kami sa parking lot.

“Fuck‚ bahala na. Hanapan mo ako ng bago tapos ipa-laundry mo ‘tong suot ko. Where’s your car?” Tanong nito‚ para lang akong asong sumusunod sa amo niya kanina.

“There.” Turo ko pa kaya hinila niya ulit ako para puntahan ang sasakyan ko.

“Open it.” Mahinahong sabi niya.

I obliged what she had told me‚ agad akong pumasok sa sasakyan at ganoon din siya. Agad ko na itong pinaandar para pumunta sa pinaka malapit na mall.

While driving‚ palihim akong sumusulyap sakaniya. She’s looking at the window‚ refusing to look at my side.

“Marley.” Huh? Sinong Marley? I’m Maliah not Marley!

“I’m sorry‚ what?” I asked‚ confusion is evident on my face as my eyes focuses on the road.

Ramdam kong nakatingin na ito sa’kin ngayon‚

“My name is Marley Lim‚ in case you wanted to know.”

Disclaimer‚ please take your time to read this. Make reading as a hobby!

All of the character’s names‚ some of the places and the events are purely created from the author’s imagination. Please separate fiction from reality.

Enjoy reading :)

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now