Chapter 9

29 0 0
                                    

“Another poem nanaman para sa prinsesa!” The thirteen year old Maliah looked at her friend, nakita niyang may hawak itong isang maliit na papel kaya agad siyang lumapit sakanya. Kakarating niya lang sakanilang classroom, anim pa lang silang naroroon dahil ala sais pa ng umaga.

They were at the back of their classroom when her friend handed her the small paper.

Maliah smiled after seeing the small ‘LMJ :)’ written below the paper. It has been a month since this person started to give her these kind of notes, yet she still doesn’t have any clue about his or her identity.

Kapag tinatanong niya ang bestfriend niya kung saan niya nakikita ang mga notes na iyon, ang sinasagot lamang nito ay sa table niya.

Binasa niya agad ang nakasulat sa papel noong umalis na ang kaibigan niya sa tabi niya. Ayaw niya kasing may ibang makakabasa ng mga tula para sakanya.

Magandang araw,
Sa iyong ganda’y ako’y nasisilaw,
Sa iyong mata’y ako’y naliligaw,
Nararamdaman para sa iyo’y umaapaw.

Binibini, saki’y huwag ngumiti,
baka ako’y matunaw at hindi na makauwi.

LJM :)


“Ang galing ko pala mag tagalog before?”

“Corny nga lang!” Tawa ako nang tawa dahil kitang kita ko ang pandidiri niya habang binabasa ko ang mga tulang isinulat niya dati para sa’kin.

I kept them all kasi every one of those has a sentimental value for me. Sobrang na-appreciate ko kasi talaga yung mga poems na yun, those notes never failed to made my day. Isa yun sa mga dahilan kung bakit excited ako pumasok lagi.

“Crush na crush mo pala ako dati e, ako lang ‘to.” Pagyayabang ko sakanya kaya masama akong tinignan nito.

“Uuwi nalang talaga ako, sige.” Pagbabanta niya kaya tumawa ulit ako. Cute naman nitong mapikon!

“Pikon!” It’s already 8PM in the evening, nakauwi na si Charlie kanina pa. Alam niyang nandito si Marley, nagpaalam daw kasi siya sa pinsan ko. Charlie told her to stay for the night na rin pero sa guest room siya matutulog, may balak din kasi silang mag night stroll mamaya. Gusto ko ngang sumama pero tumanggi sila kasi may pag-uusapan silang importante about sa banda.

Nakauwi na rin si Mom at isa siya sa pumilit kay Marley na magstay dito. Natuwa rin ako kasi we have plenty of time to catch up! Madami pa akong tanong sakanya.

“Nga pala, bakit hindi kita nakita sa subdivision? Palagi naman akong nasa labas, nagb-bike.” Tanong ko.

“Hindi ako lumalabas ng bahay, saka lang pag necessary.” Sagot niya.

“Alam mo ba, noong umalis kayo, lagi akong dumadaan sa bahay niyo? Saka lang ako huminto nung nalaman kong may bagong lipat na, turns out na kayo lang din pala yun. Hindi ko pa nakikita parents mo kasi kapag doon tayo naglalaro sa bahay niyo, lagi silang wala, kaya noong bumalik kayo ay hindi ko rin sila nakilala.” Pagkukwento ko.

Totoo lahat ng ‘yon, hindi ko pa talaga nakikita ang parents niya. Sa pictures lang nila sa bahay noon pero nakalimutan ko lang din kasi 2 weeks lang naman yung pagsasama namin!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now