Chapter 2

30 1 0
                                    

Maliah’s POV

“Napadaan sa sabungan‚ may nagsisigawan..” Maeve sang the song I requested kaya humalakhak ako. We’re currently at our house dahil napagdesisyunan nilang dito magpractice. We have a studio sa bahay na enough lang ang space para magkasya kaming walo.

We’re at our living room‚ they’re taking a break muna at timing naman na nagkakaraoken kami nila Stafany dito. Nandito rin sila kasi pinapunta ko‚ ayaw kong ma-op sa mga pinsan ko’t mga kabanda niya no! Buti nalang at wala kaming class lahat dahil Sunday.

“Nang aking tignan manok na pula‚ mukhang matapang..”

Tumingin ako kay Marley nang kantahin ni Maeve ang linyang iyon. Nakaupo siya sa tabi ni Charlie at George habang naka krus ang mga kamay niya at masamang nakatingin sa’kin. Nakaramdam ako ng satisfaction dahil sa reaction niya. Hindi maipinta ang itsura niya dahil para siyang natatae na ewan!

My friends knew about the context of this song kaya they also laugh along with me that only made Marley furious. She stood up from her seat and was about to take the mic away from Maeve’s hands pero biglang dumating si Mom.

“Mommy!”

“My‚ my‚ my‚ you and Charlie have some visitors pala‚” Bungad nito sa’min‚ I immediately went to her at nagmano. My friends and Charlie’s bandmates followed me para magmano rin.

“Kaawaan kayo ng diyos.” Charlie went out of the kitchen para makapagmano rin kay Mom. Kanina pa siya nandoon dahil she insisted that she’ll make us meriyenda.

“Who are these beautiful ladies ba‚ Charlie?” Tanong niya sa pinsan ko.

“Tita‚ ako lang po ‘to‚ Si Stefany. Masiyado po bang nakakasilaw ang ganda ko para hindi niyo ‘ko makilala?” Sambat pa ni Stefany na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang nakatingin sa direksyon nila Mom at Charlie.

“Ang fee mo naman‚ Stefany!” Banat ni Sophie sakaniya‚

“Pakialam mo? Inggetera!” Sagot ni Stefany‚ ayan nanaman sila!

“Baliw ka talagang bata ka‚ you’re beautiful but you’re not the person I’m pertaining to‚ kilalang kilala ko na kayo. Yung dalawang naka beanie ang tinutukoy ko.” Mom explained that made Stefany giggle.

“Oh‚ sino ka ngayon‚ Sophie? Maganda raw ako.” Pagyayabang niya kay Sophie pero hindi na ito sumagot para hindi na humaba ang bangayan nila.

“Ah‚ they’re my bandmates po. The red haired one is Marley and the short haired one is George. Hali kayo dito!” Agad namang lumapit ang dalawa para bumeso sa nanay ko. She smiled at them before leaving us alone.

“Oh‚ kain na.” Natakam ako sa nakita kong inihain ni Charlie sa dining table‚ she told us to gather here dahil mas maganda kapag nasa iisang lamesa kami kumain.

She cooked us carbonara kaya sobrang natakam ako because it’s my favorite!

We prayed first before eating‚ kaharap ko ngayon si Marley na tahimik na kumakain sa upuan niya. Nasa pinaka dulo kami ng table kaya hindi nila kami napapansin. Napuno ng ingay ang kusina namin dahil sa mga kaibigan ko. Habang ang manok nasa harapan ko‚ si Charlie at George ay tahimik lang at tumatawa paminsan-minsan. Minsan lang sila nagsasalita kapag tinatanong namin ng mga kung anu-anong bagay.

Napatitig ako sa mga mushrooms na itinabi ni Marley and that made her raise her left eyebrow‚

“Ano?”

“You won’t eat those?” I asked‚ pertaining the mushrooms. She subly shook her head‚ mouthing a ‘no’.

“Akin na.” I said‚ tumango ito at pasimpleng itinulak ang kanyang plato sa’kin. Kinuha ko lahat ng mushrooms sa plate niya before pushing it back to her para makakain na siya.

“Thanks.” I thanked her‚ binigyan ako nito ng maliit na ngiti at nagpatuloy sa pagkain.

“Uy‚ mushroom theory!” Damn‚ they saw us? I looked at Sophie‚ she’s wiggling her eyebrows‚ maloko rin itong nakatingin sa’min.

I looked at Marley and was shock because she’s also looking at me‚ umiwas din naman ito agad. Ramdam kong nag-init ang pisnge ko.

Woo! Kabag lang ‘to‚ tama.

“Bakit ka nagb-blush‚ Maliah? Kaya naman pala hindi sumasali sa’min dito kasi may sarili naman pala silang mundo!” Panggagatong pa ni Charlie‚ ayan na siya sa sakit niyang mang-aasar. Tamo kapag inasar ko ‘to‚ pikon ‘to agad.

“Stop nga! Kinuha ko lang naman yung mushrooms kasi sayang! Hindi dapat tayo nagsasayang ng food.” I reasoned out. Maeve suspiciously look at us.

“Kilala kita‚ Maliah.” Sabi pa nito. Tinignan ko muli ang isa pang sangkot sa sitwasyon na ‘to‚ payapa siyang kumakain‚ walang pake sa nangyayari.

“Sino?”

“Ikaw!” Tinuro ako nito‚

“May pake.” Pambabara ko‚ kumuha ito ng tissue at itinapon sa’kin. Grabe naman!

“Pulutin mo ‘yon‚ Maeve!” Saway ni Charlie sakaniya kaya muli na namang umingay ang dining area.

I mentally thanked the heavens because my friend’s attentions are no longer directed to us.

“Next song naman‚ Le.” Rinig kong sabi ni Charlie. Nasa loob kami ng studio dito sa bahay‚ bumalik na ulit sila sa pagpapractice kaya napagdesisyunan naming apat na manood.

“Which one?” Marley asked.

They’re practicing para sa upcoming event sa school‚ event for the freshmen daw. The school asked them to perform kaya heto sila. Sophie’s one of the performers din pero sasayaw siya along with her troupe members. Jade will also be there but as one of the emcees kaya nagtataka ako kung bakit nandito itong dalawa. Understandable pa si Jade‚ but Sophie?

“Sophie‚ I forgot to ask you earlier‚ wala akang practice? You’re also performing‚ ‘di ba?”

“Oo nga‚ bakit ka nandito?” Tanong ni Jade.

“Duh‚ wala kaming practice!” Sagot niya kaya tumango nalang kami at ibinalik ang atensyon sa bandang kasalukuyan pa ring tumutugtog.

Kami lang pala ni Stefany ang walang ganap‚ mas mabuti na rin ‘yon! Kapagod kaya ng gagawin ng mga ‘to.

“Next one‚ ‘yong Museo‚ Le.” Sambit ulit ni Charlie nang matapos sila sa pangalawang kanta.

“Maeve‚ palit na tayo.” Nang maayos na nila ang kanilang puwesto ay agad na silang nagsimula.

Si Charlie na ang kumakanta ngayon‚ pansin kong nakatingin ito kay Jade habang kumakanta. Sophie and Stefany seemed to notice as well kaya they’re shaking Jade’s shoulders. I chuckled at them dahil para silang mga baliw.

“Tinatawag ako ng ‘yong anino..” Napatingin ulit ako sa banda nang biglang mag-iba ang boses ng kumakanta‚ my eyes met Marley’s. Her eyes were full of sincerity‚ she’s singing the song while locking her gaze with mine‚ like she’s singing it for me.

That moment‚ the people around us disappeared. Hindi ko na naririnig ang boses ng mga kaibigan ko‚ wala na akong naririnig bukod sa mga instrumento at bukod sa boses niya. Her voice calmed my system down yet at the same time it didn’t.

:)

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now