Chapter 3

20 0 0
                                    

Maliah’s POV

Is it weird to feel a thing to a person you just met? Hindi ko alam kung kabag lang ba yung naramdaman ko noong isang araw o butterflies na. Litong-lito na ako‚ I had a hard time sleeping after that, because I kept thinking about it.

Sana naman ganoon din ang nangyari kay Marley kasi ang unfair naman kung hindi! Kapal ng mukha niyang makipagtitigan sa’kin habang kumakanta siya. Akala niya siguro kikiligin ako?

Slight lang.

“What are you thinking?”

“Oo na‚ kinilig na!” I blurted out kaya I immediately covered my mouth. Nakakahiya‚ I was shocked!

“Kinikilig? Kanino?” Tumingin ako kay Marley‚ she seem curious. Obvious naman sa face niya.

I mentally scolded myself before answering‚

“Huh? Pinagsasabi mo d’yan?” Patay malisya kong sagot. Kumunot ang noo nito at tinitignan ako ng maigi na para bang inoobserbahan niya ang ekspresyon ko.

“Tinitingin mo sa mukha ko?”

“Wala‚ nagandahan lang.” I got caught of guard dahil sa sinabi nito‚ ramdam ko nanamang nag-iinit ang pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin sakaniya.

Hindi niya p’wedeng malaman na kinikilig na ako sakaniya. Baka lumaki lang ulo niya. No‚ never!

“Edi..Edi wow!” Nakakainis‚ bakit pa ako nabulol?

Tumingin ako sakaniya’t napansin kong she’s trying so hard not to laugh. Tuwang tuwa nanaman siguro ang demonyo nito sa katawan sa nakikita.

“Nahiya ka pang ngumiti’t tumawa‚ demonyo mo nanaman ba kumukontrol sa katawan mo ngayon?” Pagtataray ko‚ tumingin ito sa’kin bago sumimangot.

“Unbelievable.” Bulong niya sa sarili pero narinig ko pa rin.

Malapit na silang maging magkaugali ni Charlie‚ ayan napapala niya sa kakasama sa carbon copy ni anger na ‘yon.

“Simangot nanaman‚ ayan napapala mo kakasama sa pinsan kong pinaglihi sa galit!”

“Oh‚ talaga?” Tumingin ako sa nagsalita at nakita si Charlie na nakasimangot kaya maloko akong ngumiti sakaniya.

Kanina pa ba ‘to dito? Is she dora ba? Kasi she’s everywhere e.

“Sa galit at cuteness! Yes‚ totoo.” Palusot ko kasi baka mapindot nanaman nito si Anger e. I heard Marley laughed kaya masama kong tinignan ito.

“Tawa ka d’yan? Angal ka sa cuteness ni Charlie?” Tanong ko pero she ignored me. Kapal talaga ng mukha.

Pagkatapos mo akong pakiligin noong nakaraang araw at kanina‚ susungitan mo ako ngayon? Ulol.

Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil oras na rin para pumunta sa next class ko. Wednesday ngayon‚ may klase ang HUMSS‚ STEM at TVL. Unfortunately‚ TVL ang choosen track ni manok kaya siya nandito.

“Hoy‚ saan punta mo?” Tawag nito sa’kin‚ lumingon ako sakanila. Naghihintay ito sa sagot ko habang nakaupo sa upuan while Charlie’s busy writing something on her notebook.

“Sa next class ko, Duh!” Pagsusungit ko at naglakad na paalis.

“Maliah‚ wait!” Huminto ulit ako at inis na lumingon sakaniya. I still have 15 minutes pa naman bago magstart ang klase‚ malapit lang din yung room dito.

May kinuha siya sa bag niya at kumaripas ng takbo papunta sa’kin. She handed me a small container and an orange juice. Tinignan ko lang siya‚ hinihintay ang sasabihin niya.

“Uhm‚ ano.. Uh‚ Sophie told me to give this to you kasi you haven’t eaten anything since this morning pa raw. Okay‚ bye.” Kinuha niya ang kamay ko para ilagay ang container na may lamang sandwich at ang orange juice bago umalis pabalik sa gazebo.

Huh? Wala namang pasok sila Sophie today?

Malabo namang galing sakaniya talaga ‘to‚ pero it can be. Kung siya talaga gumawa nito for me, edi thank you. Pero weird niya talaga, bahala siya.

I shrugged my thoughts off when I arrived at my designated classroom and saw my two friends talking. I went to them at umupo sa vacant seat katabi ni Maeve.

20 minutes na ang lumipas pero hindi pa rin dumadating ang subject teacher namin for BasCal. Almost 20 minutes na rin akong nakatunganga at iniisip ang mga nangyari sa’min these past few days.

“Maliah‚ kanina ka pa nakatunganga d’yan. Mukha kang disney princess na problemado.” Komento pa ni Maeve na naging dahilan ng pagtawa ni Jade.

Tumingin ako sakanila‚

“Marami akong problema‚ share tayo‚ Maeve?”

“Pass‚ marami na rin akin. Si Jade baka gusto niya hehe..” Sagot nito sabay nag peace sign.

“Pass‚ ayaw ko rin niyan. Madami na rin sa’kin‚ benta mo nalang online. Mag live selling ka.” Tumawa kaming tatlo dahil para kaming mga siraulo dito.

“Pero seryoso nga‚ Maliah‚ anong problema?” Tanong ni Maeve‚ nakatingin lang si Jade sa’kin‚ naghihintay rin ng sagot.

Sasabihin ko ba sakanila? Aasarin lang ako ng mga babaeng ‘to e.

“It’s about Marley.” Nagkatinginan kaagad ang dalawa nang marinig ang sinabi ko.

“Oh‚ what about her?” Curious na tanong ni Jade. I sighed‚ sige na nga.

“Para kasi siyang may saltik‚ binigyan ako ng sandwich tapos orange juice.”

“Tapos? Wala namang mali dun ah.” Sabi ni Maeve‚ umiling ako bago magsalita ulit.

“Eh‚ sabi niya after nun na kay Sophie daw ‘yon galing kasi wala pa raw akong kain simula kaninang umaga.” Dagdag ko pero parang hindi pa rin nila maunawaan kaya dinagdagan ko pa ang sinabi ko.

“Pero ‘di ba wala namang pasok si Sophie ngayon at hindi niya branding ang mamigay ng pagkain?” Nang masabi ko iyon ay agad nilang naintindihan ang point ko‚ buti naman!

“So? Problema mo ngayon ay kung sakanya ba talaga galing yun?” Tanong ni Maeve‚ tumango ako.

Agad na nakatinginan ang dalawa at mahinang tumili dahil nasa classroom pa rin kami at baka makuha namin ang atensyon ng iba pa naming kaklase.

“Crush ka niya‚ wala nang duda.” Sagot ni Maeve na tinutulan agad ni Jade.

“That’s possible‚ Maeve. Pero baka it’s an act of kindness lang‚ basic human decency‚ ganoon.” Sagot nito na nakapagpatango sa’kin.

Tama‚ tama‚ kabag lang ‘to. Tangina mo talaga‚ Marley‚ last mo na ‘to sa’kin.

“Totoo‚ baka act of kindness lang talaga ‘yon kasi napansin niyang gutom ako.” Kinuha ko sa bag ko ang pagkain at orange juice at tinitignan ito.

“Pero what if may lason ‘to?” Tanong ko na naging dahilan ng pagbatok ni Maeve sa’kin.

“Bakit ba? I’m just being careful lang naman!” Pagrereklamo ko pa.

Maeve sighed while Jade is just watching us.

“You’re so OA ha!” Dagdag ko pa.

“Ikaw OA, bare minimum enjoyer pa!” Ganti niya habang tumatawa lang sa gilid si Jade.

Ang saya nitong engot na ‘to ah.

“Jade‚ you’re also OA!” Tumingin ito sa’kin at tinaasan ako ng kilay‚

“So?” Pagtataray niya‚ nagkatinginan kami ni Maeve at nagtawanan. Hindi bagay kay Jade magtaray kasi.

“Tangina ah‚ tumatawa lang naman ako dito tapos nadamay pa. OA tayong lahat‚ mga siraulo!”


:)

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now