Chapter 5

18 0 0
                                    

Maliha’s POV

Nakakainis.

Nakakainis ang sarili ko.

At mas lalong nakakainis si Marley.

I rolled my eyes while looking at the person who’s driving my car. It was Marley. Nakakainis, tumiklop ako sa sinabi niya earlier! We ended up in this situation tuloy!

“Stop staring, it’s distracting.” I rolled my eyes once again, nakailang irap na ba ako ngayong araw because of her? Hindi ko na alam.

“Assuming.” Sagot ko sakaniya bago itinuon ang atensyon ko sa cellphone ko.

“I’m not assuming things, Maliah. Ican feel your stare, hindi ako manhid.”

“Wala akong pake.” Kanina ko pa ito tinatarayan dahil nga sa nangyari. Naiinis ako sa lahat ngayon. Bakit pa kasi sumama siya? P’wede namang manatili siya dun sa hagdanan kasama yung shokoy na yun! Manok and Shokoy trope, cute sila!

“Why are you frowning?” Tanong nito sa’kin. Andaming sinasabi, pag kami talaga na-aksidente, sasakalin ko siya.

“Dami mong tanong, manok. Magfocus ka nga sa daan! Sasakalin kita kapag nabangga tayo.” She chuckled kaya mas lalo akong sumimangot. Ang saya niya naman‚ sabagay galing ba naman sa baby time.

Edi wow.

Ramdam kong huminto ang sasakyan indicating that we arrived at our destination, which is sa bahay ko. After niya maigarahe ang sasakyan ko ay agad na kaming pumasok sa bahay.

“Oh, anak‚ you’re here with Marley pala!” Oh, damn, I forgot about mom!

Niyakap niya ako ganun din si Marley, she looked happy to see her here.

“Ah, we’re going to watch movies lang po, mom.” I said, pilit na ngumingiti sakaniya.

“Okay, do you have some foods to eat while watching ba? May popcorn sa kitchen, magluto kayo. Pero kung gusto niyo ng ibang food, p’wede kayong magluto or magpadeliver. Use my card, anak.” Sabi pa nito, ayan nanaman siya!

“No need, mom. Charlie gave me a box of donuts naman, Marley also gave me a box of pizza. Bibili nalang kami ng drinks after we settle everything sa room ko.” I said bago kami nagpaalam sakaniya at pumasok ng room ko.

“Edi welcome dito sa room ko, feel at home. Diyan nalang muna sa floor yung mga pagkain.” Sabi ko sakaniya, tumango lang ito bago nilibot ang tingin niya sa kwarto ko.

“Your room is nice and cozy, no wonder kung bakit ka atat na atat umuwi.” Sabi niya habang bahagyang tumatawa.

“Tama na ‘yan, hali ka na nga, let’s go to the nearest convenience store dito.” Hinila ko ito para bumaba, naabutan naming may kausap si Mom sa call kaya we didn’t interrupt her at lumabas nalang kaagad ng bahay.

“Maglakad nalang tayo.” Tumango lang ito kaya lumabas na kami ng gate para maglakad patungo sa 7/11 na nasa labas lang ng subdivision.

Masyado kaming busy kanina sa pagbabangayan to stop by sa 7/11 to buy our drinks e!

Silence enveloped us as we walk our way to our destination. I don’t feel any awkwardness while walking with her. Being with her today is comfortable. Having her around is surprisingly comfortable.

“What movies are we going to watch?” She asked, breaking the comfortable silence between us.

“We’ll continue watching White Chicks, tapos next is The Notebook—”

“Badoy.” Matalim akong tumingin sakaniya, how dare she? Hindi badoy ang The Notebook!

“Kung badoy for you ang movie na ‘yon, It only means na pangit ang taste mo.” Pakikipagtalo ko pa dito, ‘di ito makapaniwalang tumingin sa’kin, it’s like I offended her pero wala akong pake, siya ang nanguna!

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now