Chapter 6

18 0 0
                                    

Maliah’s POV

Napatingin ako sa gawi ng nagsalita, it was Marley. Kanina pa ba ‘to nandito?

“Kanina ka pa dito?” Tanong ko sakaniya.

“Maybe?” Lecheng sagot ‘yan, anong ‘maybe’? Inirapan ko ito at nagpatuloy sa pagluluto.

Nawala agad kilig ko e, saka, sino bang nagsabi sa taong ‘to na lalaki aasawahin ko? I don’t need a husband, I need a wife!

“Paano mo nasabi na swerte magiging husband ko?” Tanong ko sakaniya nang makaupo na ito sa isa sa mga upuan sa kitchen counter. She’s now facing me, head’s resting on the palm of her right hand.

“Well, ayaw ko mang palakihin ang ulo mo pero it’s hard to deny the fact that you look really good while cooking. Very wife material.” Ayan nanaman siya sa mga salita niya. Very sweet talker ang atake, alam na alam kung paano kunin ang words of affirmation girlies like me.

“Napaka sweet talker mo, ano? Ganito ka ba sa lahat ng babae?” Tumawa lang ito sa’kin.

Anong nakakatawa? Sayang saya niya.

“No, hindi ako ganito sa iba, Maliah.” Tanggi niya.

Hindi ako naniniwala.

“Weh? Maging lumpia ka man?” Binigyan nanaman ulit ako nito ng ‘the heck’ look. Ayan nanaman po siya.

“Maging lumpia man ako.” Wow, marunong naman pala sumabay. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto.

“So, kailan ka natutong magluto?” She asked,

“When I was 12 yata? I really don’t remember, basta Mom taught me how to cook and it eventually became a hobby of mine.” I said, smiling.

“Ilang beses akong napaso before, gosh. Mom scolded me pa nga for being so clumsy sa kitchen, she said na I should give up learning kasi I’ll end up hurting myself lang din naman. Though, I never gave up kasi sobrang nakaramdam ako ng eagerness to learn cooking. I want to pursue culinary arts nga sa college pero nangibabaw ang love ko for animals.” Daldal ko sakanya habang busy sa pagluluto. Pansin kong tahimik ito kaya lumingon ako sakanya.

She’s staring at me, smiling.

“Why did you stop? I was listening, magsalita ka pa, I love hearing you talk.” She said, nailang tuloy ako! Wala bang preno ang bibig niya?

“Uhm.. So, ano.. Ayun nga, nangibabaw love ko for animals. I still love cooking ha, pero love na love ko ang mga animals talaga. When I was a kid kasi, my family loves to go to zoo, that was our thing during Sundays. Ang cute rin kasi ng mga animals and naaawa rin ako sakanila lalo na yung mga stray cats and dogs, I want to help them. I’m planning to build a shelter pa nga for them sa future‚” I paused para kumuha ng plates and utensils at agad na nilagay iyon sa counter top.

Nilagyan ko rin iyon agad ng pasta para makakain na kami. It’s already 1PM in the afternoon nang matapos akong magluto.

I sat beside her, “Kain na.”

Sumunod siya sa sinabi ko at kumain, hindi muna ako sumubo ng pagkain dahil hinihintay ko ang reaction niya. Baka hindi kasi siya masarapan e!

“Ano? Is it good?” I asked, tumingin sa sa’kin at tumango.

I smiled.

“Okay, so I was saying, I’m planning to build a shelter for them. I hope nga na hindi na tatagal ang plano ko na yun, gusto ko na agad kasi magpagawa pero I don’t have the budget pa. May ipon naman ako for that kaso it’s not enough pa, pero okay lang, kakayanin.” Pagpapatuloy ko sa kwento ko at nagsimula nang kumain.

“I can help you‚ Ali.” Nagulat ako sa tinawag niya sa’kin pero nangibabaw ang saya ko sa offer niya.

“OMG, really?!” Tumawa siya ng bahagya dahil sa reaction ko.

“Yeah, I can help you. I love animals din, you know? They are close to my heart kaya ang saya malaman na may taong kagaya ko na mahal na mahal din sila.” Paliwanag niya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos kami ay niligpit niya ang mga pinagkainan namin, she offered to wash the dishes din since I cooked for her. I told her it’s alright pa nga pero she insisted kaya hindi ko na siya pinigilan.

We’re currently at my room, watching White Chicks. Tawa kami nang tawa nung may kasagutan ang dalawang bida.

“Your mother is so old that her breastmilk is powdered you breastfeed like this!” We laughed through out the movie, it was so hilarious naman kasi talaga.

“What are we going to watch after this?” She asked me,

“The Notebook, I told you earlier about it nga, ‘di ba?” She frowned right after she heard my answer.

“That’s a stupid movie nga, ‘wag yun.” She said pero I didn’t listen, instead, I played the said movie.

“Welp, wala ka nang magagawa.” I stick out my tongue and laugh when she rolled her eyes at me.

“Fine.” Binaling niya ang tingin niya sa screen para manood. I smirked at nanood na rin while eating pizza.

Ha! 1 point for Arceta, no points for Lim.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie, my tears are already falling from my eyes pero I was taken aback when I heard the person beside me sniffling. What the heck, she’s crying?

“Hoy! Why are you crying? Haha!” I asked, she look away, to hide her face. Pansin ko ring pinupunasan niya ang kanyang mga luha.

Mas nakakatawa pa ‘to kaysa sa pinanood naming movie kanina haha!

“You said the movie is stupid pero look at you right now!” Mahina niya akong pinalo kaya mas lalo akong natawa.

“Stupid pala ha,” Patuloy pa rin ako sa pagtawa habang siya ay nagpupunas ng luha.

“Shut up ka nalang, magfocus ka na sa movie.” She said, still sniffling. Pinunasan ko ang mga luhang namumuo sa mata ko, I don’t know kung dahil ba ‘to sa movie or sa pagtawa ko.

“Tuwang tuwa kang nakikita akong ganito, ano?” She suddenly ask kaya lumingon ako sakaniya.

“Oo, you look funny kasi. Kinain mo salita mo.” Sagot ko bago itinuon ulit ang atensyon sa palabas.

Ilang oras din kaming nakahiga lang sa sahig ng kwarto ko, kumakain at nanonood ng movies. We finished watching The Notebook and now, The Fast and The Furious naman ang pinapanood namin dahil nag request siya. Dapat daw fair, panonoorin niya ang gusto kong panoorin and vice versa. I agreed kaya nandito kami ngayon, watching the first part of the Fast and Furious saga.

“Anong oras na?” Tanong niya, inabot ko ang phone ko na nasa kama, it’s already 4:36 PM pala.

“4:36, uuwi ka na?” I asked, nag enjoy ako sa company niya e. Bakit ba?

“Maya maya, I’ll wait for Charlie nalang.” She answered. Mamaya pang 7PM uuwi si Charlie, ayain ko nalang na dito siya mag dinner, wala rin kasi akong kasama bukod sa mga helpers. My Dad’s out for a business trip, ang kapatid ko ay nasa Cebu, while my Mom, may dinner with our business partners.

“Okay, dito ka nalang din mag dinner. I’ll ask manang to cook something for us.” Pag-aaya ko pa,

“You won‘t cook?” Tanong niyang muli sa’kin. Abusado na siya oh!

Patapos na ang movie kaya nakatuon ang atensyon ko sa screen, ganoon rin siya.

“Bakit? Nasarapan ka sa luto ko?” Tanong ko, eyes are glued sa TV in front of us.

“If I’ll answer ‘yes’, will you cook something for me ba?”

Sana all.

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now