Chapter 8

13 0 0
                                    

Maliah’s POV

“So ayun ang nang—”

“Wait, I think you’re the girl I’ve met before..” Pagputol niya sa’kin, I confusedly look at her. Paanong siya si Gian? Lalaki naman yun as far as I remember.

“Huh? Paanong ikaw? Lalaki si Gian!” Sabi ko pa sakanya pero hindi siya umimik, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

“No, I really think it was me. I’ll show you some photos of me when I was a kid later after nating kumain.” She said, tumango nalang ako at tahimik na kumain.

It’s possible naman that she and Gian are iisa. Come to think of it, they have the same features pa at magkatunog din ang second name ni Marley at ang name ni Gian.

Jiann and Gian.

I was in the middle of thinking about Gian and her when she called me.

“Nasa hapag kainan ka, Ali. Stop thinking muna and eat.” She said, hindi ko naman kasi napansin na nakatunganga na pala ako ng mga ilang minuto.

Sumunod ako sa sinabi niya,

“Mabubulunan ka sa lagay na ‘yan.” She stood up and went to the kitchen, bumalik din agad ito na may dalang dalawang baso na may lamang tubig.

“Thank you.” Pasasalamat ko matapos niyang ilagay sa tabi ng plate ko ang basong may lamang tubig.

Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos na kami ay hinugasan niya agad ang lahat ng mga pinagkainan namin at ako naman ngayon ang nakaupo sa inupuan niya kanina habang nagluluto ako.

I patiently waited for her to finish, gusto ko na kasi makita yung mga pictures niya noong bata pa siya! Malay ko, baka siya nga talaga yung childhood friend kong si Gian. Crush ko pa naman yun before kaso umalis din sila kaagad at lumipat sa ibang parte ng Cebu. Hindi ko nga alam kung saan.

Nang matapos na siya ay umakyat na kami papuntang kwarto ko, she immediately sat on the floor kaya tinabihan ko siya. She’s now browsing in her gallery, finding her childhood photos.

“Here oh, is this the kid you met?” She showed me a picture, it was her with her father. She’s wearing her cap backwards and she’s also wearing the same clothes that Gian was wearing that day.

She’s Gian nga!

I looked at her, eyes slightly winded.

“Gian? OMG!” Due to my overflowing emotions, niyakap ko siya. Kumalas agad ako sa yakap ko at nakahawak nalang ako sa mga balikat niya.

I started shaking her, ang saya ko kasi! All this time, siya pala ‘yong childhood crush ko!

“Wait.. Ali, teka.. Stop‚”

Huminto ako sa pagyugyog sakanya kasi nasasaktan na yata siya. Huhu, sorry, bff!

“In a span of two weeks, hindi mo talaga napansin that I am a girl?” Tanong niya, umiling ako.

“I mean, you were wearing your cap backwards tapos short haired ka pa! Sa 2 weeks na ‘yon, I never saw you wearing a dress! Noong birthday ko pa nga, hindi dress suot mo!” Sagot ko.

Totoo naman kasi! She never wore a dress, a heels or any girly stuffs! Ang sinusuot niya lang lagi before ay plain white t-shirts, sando, short pants. When I told her to play my dolls with me, she declined and she told me that she likes cars. Oh, diba?

“You never asked me if I was a boy or a girl. Hindi ba obvious sa boses ko?” She asked once more.

“I already assumed that you were a boy kaya I didn’t bother to ask, and no, hindi obvious sa boses mo.” I rolled my eyes at her.

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now