Chapter 1

36 0 0
                                    

Maliah’s POV

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng ‘yon. My friends would still laugh at me because of what happened‚ they would tease me pa nga about it when they have the chance. Nakakairita.

“Tulala ka nanaman.”

Napatingin ako sa nagsalita‚ it was Charlie. Nakapamulsa ito and she’s wearing her signature frown.

“Tapos na class niyo?” I asked‚ ayaw kong sagutin ang tanong niya baka kasi malaman niya pa yung nangyari sa’kin at pagtawanan din ako! Mapangasar din kasi ‘to pero kapag siya yung inaasar‚ grabe kung mapikon. How ironic!

Parehas kaming may pasok ngayon dahil Friday. It’s already 1PM in the afternoon‚ tirik na tirik ang araw kaya pinagpapawisan na ako.

“Yeah‚ sa’yo ba?” Uminom muna ako ng tubig bago sumagot‚

“Yes‚ last class ko na yun for today‚ actually. Bukas pa ako whole day.” Tumango lang siya at inabot ang panyo niya sa’kin.

Yes‚ may Saturday classes kami at whole day ‘yon. Hindi ko alam kung anong trip ng school namin‚ okay lang din naman sa’kin kasi wala akong pasok every Tuesday‚ Thursday at Sunday.

“Are you going home na ba?” Tanong ko sakaniya dahil tahimik na ito.

“Mamaya pa‚ may practice pa kami ng banda.” Oh right‚ she has a band nga pala. Nakalimutan ko.

“I heard may new drummer kayo‚ sino?” Tanong ko pa. I got curious kasi when Maeve told me about it‚ alam niya because she’s the vocalist of the band.

“Yes‚ meron. Kaibigan ko.” Matipid na sagot nito kaya tumango nalang ako.

“What’s her name?”

“Tanungin mo nalang siya‚ ayun oh‚ papalapit dito.” Tumingin ako sa taong itinuro niya‚ and there I saw a red haired woman wearing an all black outfit.

What the fuck‚ si Marley?

“Your mouth‚ Maliah.” Rinig kong suway ni Charlie pero sa sinabi ni Marley umigting ang tainga ko.

“Oh‚ do you have a problem with me?” I covered my mouth using my left hand‚ I said it out loud pala. Nakakaasar naman! Bakit ba kasi nandito ‘to? She’s our schoolmate pala?

“Ikaw yata ang may problema sa’kin!” Sagot ko sakaniya‚ she scoffed before drifting her attention to my cousin. Ang kapal ng mukha talaga ng taong ‘to. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya nong first encounter namin‚ pinahirapan niya ako! I mean‚ deserve ko naman dahil may kasalanan ako sakaniya pero kahit na!

“Tinitingin mo d’yan?” Tanong nito ulit sakin‚ umirap lang ako sakaniya. Gusto ko nang umuwi kasi ayaw ko na dito pero I have to wait for Charlie pa kasi I didn’t bring my car with me at sumabay lang ako sakaniya kanina.

“Charlie‚ inaaway ako niyang friend mo oh!” Pagsusumbong ko sa pinsan ko na parang walang pake sa’ming dalawa.

Marley sarcastically laughed right after she heard me.

“Sumbongera.”

“Demanding.”

“Arte.”

“Nakakapikon.”

“Pikon.”

“Ugh! I am not pikon‚ nakakailan ka na!” Nakakailan na ‘to sa’kin‚ ganito rin siya noong nakarating kami sa mall. Ilang minuto kaming nasa kotse ko dahil sa hindi matapos na bangayan na kasalanan niya.

“Sige‚ magsabunutan na kayo sa harap ko nang ma-entertain naman ako.” Biglang sumbat ni Charlie‚ nakasimangot ito sa’min at halatang hindi natutuwa sa inaasta naming dalawa ni Marley.

“Ano? Sige na‚ bakit kayo tumigil d’yan?”

“Maliah‚ hindi talaga kita isasabay mamaya kapag hindi kami natapos ni Marley sa pinag-uusapan namin.” Saway ni Charlie sa’kin‚ I was about to complain kasi I have the rights to complain‚ ako yung inagrabyado ng kaibigan niya tapos ako yung biglang naging masama? Mga tao talaga ngayon.

Charot‚ ang sad girl ng dating.

“Subukan mong magreklamo‚ Maliah.” I saw how Marley was trying so hard to stop herself from laughing. I rolled my eyes at her‚ napaka ano ng taong ‘to.

“Edi hindi na!” I patiently waited for them to finish discussing things na band related. Hindi ko maiintindihan ang ibang pinagsasabi nila kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pag p-phone.

Marley Lim wants to sent you a message.

Tumingin ako sa gawi ni Marley and saw her intently listening to my cousin while holding her phone. Bahala siya d’yan‚ bakit ako magrereply o tignan man lang ang message niya? I’m not curious kaya!

Marley: Claim your FREEBIE of unli allnet texts, unli calls to Globe/TM and 50MB for surfing, valid for 3 days now! Simply load a total of P50 before 06/22/2024.

Okay‚ fine. Curious ako pero kunti lang. Pinagsisihan ko rin agad ang ginawa ko kasi walang kwenta pala yung message niya.

Tumingin ulit ako sa gawi niya at nakita siyang malokong nakangiti ngayon sa’kin. She’s not talking to my cousin anymore since my cousin’s already talking to Maeve‚ hindi ko napansin na nandito na rin pala siya.

Pinandilatan ko lang ng mata yung manok na namimikon.

Maliah: I don’t talk to chickens‚ I’m sorry.

Her eyebrows furrowed kaya humalakhak ako.

Napatingin naman sa’kin si Charlie at Maeve‚ takang taka ang kanilang mukha dahil tumatawa akong mag-isa. Habang si Marley naman ay masamang nakatingin sa’kin.

“Naboang ka na ba‚ Maliah?” Tanong sa’kin ni Maeve kaya I shrugged‚

“Bakit ka ba tumatawa d’yan? Kausap mo ba jowa mo?” Iritang tanong ni Charlie kasi nahinto nanaman pag-uusap nila.

“Ew? Study first ako!” Sagot ko sakaniya‚ tumingin muna ako sa katabi niyang manok bago dugtungan ang mga sinabi ko.

“May nakita lang kasi akong meme ng manok na magkasalubong ang kilay.”

:)

Songs and its Lyrics | MikhaiahWhere stories live. Discover now