Chapter 1

125 28 4
                                    

Humugot ako nang malalim na hininga matapos tingnan ang relo. Halos isang oras na yata ako nagmamaneho, pero hindi pa rin ako nakarating sa pupuntahan ko. Sobrang haba kasi ng traffic, halos hindi na umuusad ang mga sasakyan.

My phone rang. Kinuha ko ang earbud bago sagutin ang tawag.

“Nasaan ka na!”

Muntik kong matanggal ang earbud dahil sa ingay ng boses sa kabilang linya.

“Don’t you know how to greet?” I asked, irritated.

Humalaklak siya. “Sorry, excited lang.”

Napairap ako kahit alam kong hindi niya nakikita.

“Kailangan mo?”

“Gusto ko lang masiguro na pupunta ka.”

“I won’t.”

“Anong I won’t? Hoy, Ally, Malinaw ang usapan natin last time. Pupunta ka o pupunta ka?”

“I’m busy.” I reasoned out, kahit ang totoo ay nasa daan na ako papunta doon.

Ewan ko ba, kinakabahan talaga ako dito. Dapat siguro hindi na ako pupunta.  Bakit kasi sa lahat ng lugar, doon pa sa lugar na ‘yon? And A-Jace’s Resto Café, huh? Really? Sa lahat ng pangalan, ito pa ang napili ng owner? At sa lahat ng lugar, doon pa talaga sa dating favorite place ko? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

“Saan ka? Pupuntahan kita. H’wag kang umalis diyan. Kakaladkarin kita papuntang café.”

“Tsk! Oo na, pupunta na ako. Alam kong gagawin mo ‘yan kapag hindi ako pumunta.”

Muli siyang humalakhak sa kabilang linya.

“Glad you know that!” She proudly said.

“Tsk! Sige na, ibaba ko na ito. See you there.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, binaba ko na agad ang tawag. Dumiretso ako sa lugar na nakalagay sa inivitation. It took me almost half an hour bago nakarating dito, dahil bukod sa traffic medyo malayo din ang lugar... nasa may tabing-dagat ito at malayo sa bayan. Kaya nga dati, wala masyadong pumupunta dito.

Pinagmasdan ko ang buong lugar, hindi ako makapaniwalang isa na itong resort. Dati, parang pinabayaan lang siya. Wala kang ibang makikita dito, maliban sa mga dwarf coconut trees and other plants na nasa paligid, blue skies, mapuputing buhangin at malawak na karagatan. Napakatahimik ng lugar na ‘to noon, kaya isa siya sa naging favorite ko. Malayong-malayo sa kung ano siya ngayon. The coconut trees are still there pero hindi na ito kasindami noon, mukhang pinutol na yung iba para mapagtayuan ng building... At halatang well-maintained na rin ang buong lugar unlike before.

Pero kahit gaano na karami ang nagbago dito, may mga bagay pa rin na nanatiling ganon tulad ng dati. Napapikit ako nang malanghap ang simoy ng hangin na hinaluan ng alat mula sa tubig-dagat. Ah! How I miss this ambiance.

“Excuse me po, ma’am,” Napadilat ako nang marinig ‘yon mula sa likuran ko. “May I ask po kung isa kayo sa invited guest ng resto café?"

Hinarap ko siya. Just by looking at her, alam ko na kaagad na isa siya sa mga nagtatrabaho sa resto café. Nakasuot kasi siya ng isang white polo shirts na may logo, at nakalagay doon ang pangalang ng resto café

“Ah- yes, bakit?” tanong ko pero hindi agad siya sumagot, so I asked her again. “Miss?”

Agad siyang nataranta. “Ah... This way po, ma'am... Hayaan niyong samahan ko na kayo.”

Medyo nag-aalinlangan pa ako kung susunod ba ako sa kaniya o mananatili na lang doon, pero hindi umalis ang babae... Nanatili lang siya doon at parang hinihintay ako. So, I got no choice but to follow her.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon