Chapter 19

110 24 2
                                    

Six years...

Six years na kaming magkakilala ni Tim, pero ni minsan hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol sa kaibigan niya... I just knew na may mga kaibigan siyang naiwan dito sa Pinas, but never kong naisip na isa na doon si Jp.

Pero hindi ko rin naman siya masisi don, never ko rin namang binanggit sa kaniya ang pangalan nito. Sa kagustuhan ko kasing makalimot noon, maging sina ate at mama hindi ring mabanggit ang pangalang ito. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ni Tim ang naging buhay ko bago umalis ng Pinas, dahil kinwento ko 'yon sa kaniya. Kinwento ko sa kaniya ang lahat maliban sa pangalan ng lalaking minahal ko. Nagpapasalamat pa nga ako dahil never din niya itinanong ito.

Pero hindi ko inasahan na darating ang araw na ito... Kung saan makikita ko silang magkasama sa harapan ko at masayang nagkukwentuhan.

“Hi,” tipid akong nginitian ni Jp. Nagulat ako nang bigla siyang maglahad ng kamay sa harapan ko.

Tiningnan ko ito. “Kailangan pa ba 'yan?”

Tumawa si Tim. “Oo nga naman, bro, you already know each other... So, skip that part.”

Tumawa rin si Jp. “Ngayon mo lang pinakilala sa akin ang fiancee mo, so, it's natural na gawin ito for formality.”

Umupo ako sa tabi ni Tim, sa harapan naman namin ay nandoon si Jp. Kaya malaya kong makikita ang bawat kilos niya kung gugustuhin ko. Pero sa pagkakataong 'yon, kahit tingnan siya ay halos hindi ko rin magawa. Hindi ko alam... Pero natatakot akong makita ang reaction niya sa nalamang ito. Nung sinabi ko pa nga lang sa kaniya na ikakasal na ako, halos hindi ko na makayanan ang sakit na nabasa ko sa kaniya. Paano pa kaya ngayong nalaman niya na kaibigan niya pala ang pakakasalan ko?

At ano na lang ang magiging reaction ni Tim kapag nalaman niyang ang ex ko pala ay kaibigan niya?

Parang gusto ko na lang maiyak sa sobrang gulo ng sitwasyong pinasok ko. Bakit ko nga ba hinayaang mangyari ang lahat ng ito?

Sa dami ng mga naiisip ko, hindi ko na nasundan ang usapan nila. Basta natauhan na lang ako nung dumating sina Stacy at Luke at naki-join sa table namin. Pinakilala ko sila kay Tim. At katulad ko, nagulat din sila nang malaman na magkaibigan pala ang dalawa.

“Omg ka girl! So, paano na 'yon? Sasabihin mo ba kay Tim na si Jp yung taong iniyakan mo noon?” tanong ni Stacy sa akin, the next day nang bisitahin niya ako sa bahay namin.

“Hindi ko alam.” tipid kong sagot at saka humugot ng malalim na hininga.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam paano ko sasabihin ang lahat ng ito kay Tim... Dahil siguradong maapektuhan siya pag nalaman niya ito.

“Pero alam kong deserve din ni Tim na malaman 'yon. Hindi ko lang alam kung paano ko ito sabihin. At natatakot rin ako sa maaring maramdaman niya.” dugtong ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Stacy. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang bahid ng awa sa mata niya.

“Ang hirap ng sitwasyon mo.” Mahinang saad niya. “Gustuhin ko mang bigyan ka ng payo, pero maging ako ay nahihirapan din.”

Tipid akong ngumiti.

“Ano ka ba? Parang eto lang? Kaya ko 'to, no! Naniniwala akong maayos ko rin ito. Kailangan ko lang ng konting panahon para mag-isip-isip.” Hindi ko alam kung si Stacy pa ba ang kinakausap ko o kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko.

Pero napangiti si Stacy sa sinabi ko.

“That's my girl.” aniya at niyakap ako. “I'm proud of you.”

Nang umalis si Stacy at naiwan akong mag-isa sa bahay. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang susi ng kotse.

Bago ko isipin kung paano ito sasabihin kay Tim, may isang tao pa na mas dapat kong unahing makausap.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon