Chapter 14

105 25 0
                                    

"Ma'am? Ma'am? Ayos lang po kayo?"

Parang bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig 'yon. I looked at the girl standing in front of me na parang naghihintay ng kasagutan. Siya din 'yong babaeng nakausap ko kanina... And she resembles someone. Wait, bakit nga ba hindi ko naisip 'to kanina?

"Ayos lang po kayo? Masama po ba ang pakiramdam niyo? Parang kanina pa po kayo nag-space out?" I can hear the concern in her voice.

So, ibig sabihin kanina pa siya nakabalik dito? Bakit hindi ko man lang napansin?

"Ah... Ano nga ulit ang pangalan ng pinsan mong may-ari nito?"

"Si Kuya Pierre po, gusto niyo po siyang makita?"

Muli akong natigilan.

Pierre.

Yes, Patrick Joppiere nga pala ang pangalan niya at Pierre ang tawag sa kaniya ng daddy niya noon. So, siya nga talaga 'yon.

"Ah... Next time na lang siguro." halos hindi na ako makangiti sa babae.

"Sigurado po kayo, ma'am? Andiyan lang po sa kusina si kuya, pwede ko siyang tawagin para sa inyo."

Agad akong umiling. "Huwag! Huwag mo na siyang tawagan. Nakakahiya. Baka busy 'yon... At baka ano pang sabihin ng asawa niya."

Bahagyang kumunot ang noo ng babae. "Asawa po? Nino? Ni kuya?"

Sunod-sunod ang tanong niya pero hindi ko pinansin.

"Ahm... Pakisabi na lang salamat sa imbitasyon. Pero kailangan ko ng umalis." Saad ko at agad na siyang tinalikuran.

"Pero hindi pa po kayo nakaupo man lang. Sandali lang po, ate!"

Marami pa siyang pahabol na sinabi pero wala na akong naintindihan. Dali-dali na akong umalis papuntang kotse at saka pinaharurot ito.

Paano nangyari ang lahat ng ito? Pagkatapos ng lahat, nagawa pa niyang ipatayo ang resto café na 'yon? At ginamit pa talaga niya ang pangalang 'yon para sa business niya? Paano niya nagagawang tuparin ang mga pangarap namin noon kasama ang ibang babae? Hindi ba niya naisip ang mararamdaman ko? Hindi man lang niya nirespeto ang mga ala-ala namin... Ang mga pangarap na binuo namin? Anong nangyari? Saan na napunta ang Jp na minahal ko? Bakit parang hindi ko na siya kilala ngayon?

Mapait akong napangiti sa sarili. Ano bang in-expect ko? Na sa loob ng anim na taon, hindi siya magbabago? Na ako pa rin ang mahal niya? Kahibangan!

Nakatulala lang ako sa harapan ng puntod ni papa, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pati si papa, hindi ko na kayang harapin dahil sa guilt na nararamdaman ko.

"I-I'm sorry, papa." Unang bukas pa lang ng bibig ko, nagsiunahan na sa pagpatak ang mga luha ko. Kasabay noon ay ang unti-unti ring pagpatak ng ulan, para bang nandoon si papa at sinasabayan ako sa pag-iyak.

"I'm sorry papa, ngayon lang ako nakadalaw sa'yo after so many years. Hindi ko kasi kayang harapin ka ng hindi nagi-guilty, e. Alam ko naman, pa, alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito... Kung hindi dahil sa akin, buhay ka pa sana ngayon." Pinunasan ko ang luha ko, ngunit may panibago namang pumatak. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala ni papa. "Kung nandito ka lang, pa, may mapagsasabihan sana ako ng nararamdaman ko... Hindi sana ako mag-iisa. May magbibigay sana sa akin ng advice. Kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, pa. Miss na miss na talaga kita."

Ang dami kong gustong ikwento kay papa, mga hinanakit ko sa buhay, mga pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon, kung paano ako nakaahon sa dilim, kung ano ang nararamdaman ko ngayon... Lahat ng 'yon, gusto kong ikwento sa kaniya. At alam kong kulang ang isang buong araw para maikwento ko 'yon lahat sa kaniya.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon