Chapter 8

107 27 0
                                    

I was so invested in reading his 11:11 messages that night, hanggang sa nakatulugan ko na ito. At sa mga sumunod na gabi, gano'n pa rin ang ginawa ko, binubuksan ko ang account niya para mabasa ang mga 11:11 messages niya. Para bang hindi na kumpleto ang gabi ko kapag hindi ko ito nabasa... at ang nakakatuwa pa , araw-araw ay may nadadagdag doon na bagong mensahe.

"Today at 11:11 pm

Ano ba itong nararamdaman ko? Kinakabahan na medyo excited. Hindi ko maipaliwanag. Dapat matutulog na ako ngayon, pero ewan. Hindi ako mapakali. Iniisip ko kasi ang mangyayari bukas. I know that mama will like her, pero sana magustuhan din ako ng mama niya."

Bigla kong naalala ang usapan namin. Oo nga pala, napagkasunduan naming ipakilala namin ang isa't-isa sa magulang namin sa mismong araw ng graduation... At bukas na 'yon. Dahil sa isiping 'yon, umahon ang kaba sa aking dibdib at unti-unti akong nilunod ng mga what ifs.

What if hindi sang-ayon ang mga magulang namin sa relsyon namin? What would I do then? Ifever na hindi siya magustuhan ng magulang ko, alam kong ipaglalaban ko pa rin siya... Pero hindi ko pa alam kung paano. Kaya ko kayang kalabanin ang mga magulang ko para sa kaniya? Paano kung itakwil nila ako pag ginawa ko 'yon? Saan ako pupunta? Ang bata pa namin, hindi ko pa sigurado kung kaya ko ng buhayin ang sarili ko. Eh siya? Ano kayang gagawin niya kung hindi ako magustuhan ng magulang niya? Kaya ba niya akong ipaglaban? Kaya ba niyang manindigan para sa pag-iibigan namin?

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko no'ng gabing 'yon. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Kaya ramdam na ramdam ko ang antok no'ng ginising ako ni mama kinaumagahan.

"Ally, bumangon ka na nga diyan at baka ma-late ka pa sa baccalaureate niyo. Nandiyan na ang baklang hinire ko para mag-aayos sa'yo."

Sa kabila ng puyat, napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sinabing 'yon ni mama. Ala-una kasi ng hapon mag-i-start ang baccalaureate party namin, after no'n diretso na sa graduation ceremony.

"Anong oras na po?" tanong ko sa inaantok na boses, kinukusot ko pa ang mata ko para mawala ang antok.

"Alas-nuebe na. Bumangon ka na at mag-almusal, para makaligo na rin. Nasa labas na si Miggy. Mabuti na lang at nandoon ang ate mo para mag-entertain sa kaniya. Nakakahiya, naghihintay na 'yung tao." Si Miggy ang baklang tinutukoy niyang mag-aayos sa akin, kaibigan 'yon ni ate.

"Ma naman, baka si ate talaga ang pinunta niya kaya siya napaaga ngayon. Ang aga pa po, oh! Magmi-melt pa ang make-up ko 'pag inayusan niya ako ngayon."

Nakapamaywang akong hinarap ni mama. "Anuman ang dahilan niya, labas na tayo do'n. Tayo ang may kailangan sa kaniya kaya tayo ang dapat na mag-adjust sa kaniya. Paano kung marami pala siyang gagawin mamaya kaya napaaga ang pagpunta niya dito ngayon? Ikaw talagang bata ka. Ang bagal mo pa naman kumilos, kaya bangon na riyan."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni mama. Nag-heavy breakfast na ako kasi alam kong wala na akong oras para maglunch mamaya. After that, naligo na ako. Siguro mga alas-onse na akong natapos sa sarili ko saka ako sinimulan ayusin ni Miggy.

Mga 12:30 na nung pumunta kami sa El Grande Hotel, kung saan gaganapin ang ceremony. Kasama ko no'n sina mama at papa, habang si ate naman ay nagpaiwan pa. May pupuntahan pa raw kasi sila ni Miggy kaya hahabol na lang siya.

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang papalapit na kami sa venue. Hindi kaba para sa ceremony kung hindi para sa gagawin ko mamaya. Tiningnan ko ang parents ko sa unahan, si papa ang nagmamaneho, habang si mama naman ay sinasabayan ang paborito niyang kanta na kasalukuyan pinatugtog ni papa sa stereo. Mukhang good mood naman sila pareho, sana lang hindi magbago ito mamaya.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon