Chapter 7

103 27 1
                                    

Our love story was far from perfect. Minsan nag-aaway kami pero nagkakabati rin agad bago matapos ang araw. Kadalasan siya ang sumusuyo sa akin kahit alam kong ako ang may mali. That's how gentleman he is. Feeling ko nga he’s too good to be true.

“Love, kausapin mo naman ako...”

Hindi ko siya pinansin, diretso lang ako sa pag-aayos ng gamit. Lunch break na no’n at lumabas na ang ibang mga kaklase namin

“Love naman, kung may nagawa man ako na hindi mo nagustuhan, sabihin mo sa akin. Hindi ‘yung ganito, bigla-bigla mo na lang akong hindi kinakausap. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.”

Hindi ko pa rin siya pinansin, kinuha ko ang bag ko at naglakad na palabas ng classroom, sumunod naman siya sa akin.

“Love, please? Talk to me.” hinigit niya ang braso ko, agad ko naman itong hinawi at doon na siya hinarap.

Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmates namin, ‘yung iba humihinto na para panoorin kami. Nahuli ng paningin ko ang babaeng puno’t dulo ng lahat ng ito, huminto na rin siya sa paglalakad at nakangising nakatingin sa amin. Kaya muling umahon ang galit sa dibdib ko.

“Magsama nga kayo diyan!” inis kong saad at muling iniwan si Jp.

Dumiretso ako sa canteen at nagtake out ng pagkain at saka ako pumunta sa pinakadulo ng bleachers, kung saan walang tao. Inis kong nilantakan ang pagkain. Tahimik na umupo sa tabi ko si Jp, hindi ko napansing sinundan niya pala ako dito.

“Kung ayaw mo talaga akong kausapin ngayon, sige, hindi kita pipilitin. Pero hayaan mong samahan kita dito, isipin mo na lang wala ako dito... kasi medyo hindi safe sa parteng ito. Kung mapapansin mo, konti lang ang tao dito kasi iniiwasan talaga nilang magawi dito, minsan kasi may mga bulakbol na nagpupunta dito.”

Napatingin ako sa kaniya. Alam kong bihira lang na pumupunta ang mga estudyante rito, pero hindi ko alam na ‘yon pala ang dahilan. Hindi ko alam na may ganoong kwento pala sa school na ito.

Bumuntong hininga siya at saka tahimik na nagsimulang kumain. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi na muli siya nagsalita, ang tanging narinig ko na lang ay ang pagbuntong hininga niya sa bawat pagpitik ng oras, parang ang lalim ng iniisip niya. Kung hindi lang ako galit baka natanong ko na kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ‘yon.

Wasn't it weird? Sa kabila ng galit ko sa kaniya, natagpuan ko pa rin ang peace of mind sa pamamagitan ng pakikinig sa mga buntong hininga niya at panonood sa seryoso niyang mukha na halatang may malalim na iniisip. Damn, malala na talaga ang tama ko sa kaniya.

Natapos ang lunch break at bumalik kami sa classroom. Hindi na niya ako muling kinulit na kausapin siya, hinayaan niya lang ako na palipasin ang galit ko. Sa katunayan, pinauna pa niya ako sa paglalakad thinking that I was still mad at him.

“Okay ka na? Hindi ka na galit?” tanong niya nang mapansing huminto ako sa paglalakad para magkasabay kami.

“If you tell me the truth.” saad ko.

He looked at me with the sweetest smile.

“Okay, what do you want to know?”

Kinuha ko ang cellphone ko para ipakita sa kaniya ang mga chats ni Denise. Pero saglit akong natigilan nang makita ang message sa pinakaitaas, it was minutes ago. Wala pa ito no’ng binuksan ko ang account niya kanina.

“11:11 Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito nang hindi kami nagkaayos. Damn! Hindi ko kaya ‘to... hindi ko kayang makita siya nang hindi ako pinapansin. I love her that much.” tahimik kong pagbasa sa pinakalatest na message. Doon ko lang napansin na ang dami niya palang messages para sa sarili niya. It was all about 11:11 things.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon