Chapter 16

102 24 1
                                    

“Tara na, naghihintay na silang lahat sa atin.”

As my heart pounded on my chest, my eyes automatically surveyed him. He looked so neat in his white polo shirt and gray shorts. Napakurap ako at napaiwas ng tingin. I should stop praising him, kaya hindi ko na dapat pang isa-isahin ang mga magagandang bagay sa kaniya.

Mula sa kaniya, dinala ko ang paningin ko kay Denise, hoping na makita ko ang pagdisgusto niya sa ina-asta ngayon ng kaniyang asawa... Pero mukhang hindi niya ito napansin dahil naging busy na siya sa mga costumers.

“Ako ang nasa harapan mo, pero iba ang tinitingnan mo? Ouch!” saad ni Jp.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya, nakatayo pa rin siya sa harapan ko.

“What are you doing?” tanong ko.

“Sinusundo ka.” nakangising sagot niya.

“I mean... Bakit mo ba ginagawa ito? Hindi ba't may asawa ka na? Paano kung magselos siya?” naguguluhan na talaga ako sa kaniya.

“You mean si Denise?” saglit niya pang sinulyapan ito pero agad ding binalik sa akin ang paningin at nakangisi na siya ulit. “Hindi naman magseselos 'yan.”

Bahagyang akong natawa sa sinabi niya.

“Hindi magselos? That's impossible. Lahat ng nagmamahal, nagseselos. Baka hindi niya lang sinasabi sa'yo.”

Nagkibit balikat lang siya at iniba na ang topic.

“Let's not talk about her.”Ginulo niya ang buhok ko at saka inabot sa akin ang kape. “Hinihintay na tayo ng mga kasamahan natin. Kanina pa sila do'n, baka naiinip na ang mga 'yon.” and with that, nauna na siyang maglakad sa akin.

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Mabuti na lang at mabagal ang paglakad niya kaya hindi ako nahirapan. I even followed every footsteps of him. Kaya tuloy nang bigla siyang tumigil ay nabangga ang noo ko sa likod niya. Ramdam ko ang hapdi, kaya hinawakan ko ito.

“I'm sorry... Ba't kasi nakasunod ka lang sa akin at hindi sumasabay?” may bahid ng pag-alala sa boses niya. “Wait... Masakit ba?” tinanggal niya ang nakahawak kong kamay doon at tiningnan ang noo ko, bahagya niya pang hinipan ito. Para akong nakuryente sa ginawa niyang 'yon, kaya napa-atras ako.

“I'm sorry.” He said awkwardly.

“Ano bang ginagawa niyo diyan? Kanina pa kami naghihintay dito, oh” Mula sa malayo, rinig ko ang matinis na boses ni Stacy.

“We're coming.” balik-sigaw ni Jp at muli akong tiningnan. “Okay ka na?”

Tumango ako. “Tara na.”

Hiyawan at kantyawan ang sumalubong sa amin pagkalapit namin sa kanila.

“Ay dumadamubs agad ang lolo niyo!” si Stacy.

“True, bakit mo kasi ginulo agad?” si Aia.

“Ibang klase ka, Jp... Alam mo namang kanina pa kami naghihintay dito, sinolo mo na agad siya.” si Shezreen.

“Hindi ba obvious, babe?” sabat ni Sevi. “Na-miss niya si Ally, e.”

Nagtawanan silang lahat, pati si Jp ay nakangiti na rin. This scene is somehow reminds me of our highschool days. Mga kantiyawan at tawanan nila pati na rin ang reaction ni Jp. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako makasabay sa kanila.

Nilingon ko ang paligid namin, nagpapasalamat ako dahil medyo malayo sa amin ang ibang mga tao, kaya for sure hindi nila masyadong narinig ang kantyawan namin dito.

“Stop it guys... Baka may magalit.” Hindi ko na napigilan at sinuway ko na sila.

“Sino naman ang magagalit, aber?” si Shez.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon