Chapter 9

113 27 1
                                    

Nakaupo ako sa sala habang iniisip ang mga nangyari sa araw ko. Una, pinakilala ko si Jp sa pamilya ko at tinanggap naman nila ito. Pangalawa, pinakilala ako ni Jp sa pamilya niya. Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng mommy niya pero kabaligtaran no'n ang pagtanggap sa akin ng lola niya.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya nang malaman niyang anak ako ng Valmore group. Para bang may hinanakit siya sa mga ito at ganoon na lang ang pagka-ayaw niya sa akin.

"At ayoko na muling makita ang pagmumukha ng babaeng 'yan dito sa pamamahay ko."

Tila naestatwa ako sa kinauupuan ko. Maging si tita ay nagulat din, mukhang wala din siyang ideya kung bakit ganoon ang reaksyon ni lola. Ang daddy ni Jp naman ay napatayo at nilapitan ang kaniyang ina.

"Ma, kumalma ka. Masama sa'yo ang magalit, baka kung mapa'no ka." kung pagmamasdan ko si tito, wala akong mababakas na gulat sa mukha niya. Mukhang inexpect na niyang mangyari ito.

"Mamita, she's my girlfriend. Please, respect her." Napatayo na rin si Jp.

"Patrick Joppiere, H'wag mong taasan ng boses ang mamita mo. Respect her." Matigas na saad ng kaniyang daddy. Tinapunan siya nito ng matalim na titig. Habang ang kaniyang mamita ay masama pa rin ang tingin sa akin.

"She should respect my girlfriend too, dad." katwiran ni Jp.

"For pete's sake, Piere! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit sumasagot-sagot ka na sa nakakatanda sa'yo? And really? Pati mamita mo, tinataasan mo ng boses? Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan!" his daddy said.

"Tumigil nga kayo!" Hindi na napigilan ni tita at nakisali na rin siya. "Ano bang nangyayari? Bakit bigla kayong nagsisigawan? At saka mama, ano bang problema? Bakit bigla kang nagalit? Pwede bang linawin niyo naman sa akin?" tanong ni tita, naguguluhan na

Hindi nagsalita si lola. Masama lang itong nakatingin sa akin na tila hinihingal dahil sa pinipigilang emosyon. Makalipas ang ilang segundo ay nagwalk-out siya. Agad naman itong sinundan ng anak upang alalayan.

Tita looked at me, apologetically. Still clueless as I am.

Nagkagulo na ang pamilya nila't lahat-lahat, nakatayo pa rin ako doon at tila hindi makagalaw. Parang bigla akong nanliit sa sarili ko. Nagkagulo ang pamilya ng taong mahal ko, dahil sa akin. Hindi ko yata matatanggap 'yon.

Matapos ang pangyayaring 'yon, inuwi na ako ni Jp sa amin. Tahimik lang ako habang nasa daan. Paminsan-minsan ay kinakausap ako ni Jp... Pero wala ako mood na makipag-usapan. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga kaganapan sa bahay nila. I felt guilty for that.

Naramdaman kong pinilisil ni Jp ang kamay ko, and somehow, napapakalma ako nito kahit konti.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang pagtikhim ni papa mula sa likuran ko.

"Malulunod na yata ako."

Napatingin ako sa kaniya.

Ngumiti siya.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon