Chapter 12

111 25 0
                                    

Nalilito ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong paniwalaan ang sinabi niya pero parang sinasampal naman ako ng katotohan sa nakitang larawan nilang magkatabing natutulog sa kama.

Then in an instant, sari-saring pag-iisip na naman ang tumatakbo sa utak ko.

Masyado akong naging kampante sa relasyon namin... Hindi ko naisip na posibleng mangyari ito... Hindi ko naisip na posibleng lolokohin niya ako pagdating ng panahon... Hindi ko naisip na posibleng magsasawa rin siya sa set-up namin.

Wala sa sarili akong lumabas ng bahay. Ang plano kong magpahatid sa driver at makiparty kasama ang mga kaibigan ko kanina ay nawala na sa isip ko. Parang isang bangkay na naglalakad at hindi alam kung saan ang tungo. Nagpara ako ng taxi at wala sa sariling sinabi ang isang address na madalas naming puntahan dalawa.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong ng driver.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tiningnan siya.

"Kasama po ba sa trabaho niyo ang makialam?"

Parang napahiya siya sa tanong ko. "Sorry po, ma'am." at hindi na siya muling nagsalita pa hanggang sa nakarating kami.

Inabot ko sa kaniya ang bayad bago tuluyang lumabas.

"Hindi po ba kayo natatakot diyan, ma'am? Baka gusto niyong hintayin ko na lang kayo dito?" pahabol niyang tanong nang maglakad na ako palayo sa taxi niya.

Nilingon ko siya at umiling.

"Pero mukhang delikado po diyan, ma'am. Lalo na't babae po kayo. Ayos lang po sa akin kung magpahintay kayo. Hindi po ako aalis dito."

"Gusto kong mapag-isa." malamig kong sambit.

Dahan-dahang tumango ang driver at muling binuhay ang makina ng taxi niya. Pinagmasdan ko itong tumatakbo palayo sa akin. Muli akong umikot at humakbang patungo sa puting buhangin.

Nanunuot sa paa ko ang lamig na nagmula sa buhangin, ngayon ko lang napansin na nakapaa lang pala ako. Mapait akong napangiti sa sarili. Tingnan mo nga naman, parang kahapon lang abot-tanaw ko na ang magandang kinabukasan pero ngayon, parang bigla itong dumilim at hindi ko na makita ito.

Pinagmasdan ko ang madilim na kapaligiran. Tanging ang liwanag lang na nagmula sa kalahating buwan ang nagbibigay ilaw sa buong kapaligaran. Pero sapat na 'yon upang makita ko ang mga nagsasayawang dahon at naghahampasang alon sa dalampasigan. Ang kanilang tunog ay humalo sa huni ng mga ibon at tila naglikha ito ng magandang musika... Na nagbibigay kapayapaang sa buong gabi.

Muli akong napangiti ng mapait sa sarili.

Payapang gabi, ngunit kabaligtaran nito ang magulo kong pag-iisip.

How can I enjoy the peaceful night when my mind was chaotic?

Buti pa ang kalangitan, may mga bituin at ulap na magbibigay kagandahan sa kaniya pagsapit ng dilim. Buti pa ang gabi, may isang buwan na nagbibigay liwanag sa kaniya. Buti pa ang buwan, nagagawa pa rin niyang ngumingiti kahit hindi na siya buo.. Pero ako? Wasak na wasak ako. Pakiramdam ko, sobrang dilim na ng buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ngumiti... Hindi ko na alam kung saan na ako patungo... Ang maliwanag na kinabukasan ko ay parang bigla na lang dumidilim, hindi ko na makita ang daan patungo dito.

Ang sakit. Sobrang sakit. Masyado akong naging dependent sa kaniya kaya ngayong nangyari ang lahat ng ito, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa kaniya na umikot ang mundo ko simula no'ng nakilala ko siya. Kaya ngayong mawawala na sa siya akin, paano na ako?

Ang daming bumabagabag sa akin. Parang nawala na ako sa tamang pag-iisip at hindi na alam ang ginagawa. Tiningnan ko ang napakalawak na karagatan, parang may kung ano sa akin na lapitan ito. Without a second thought, I stood up and take a step closer to it. Agad na nanuot sa paa ko ang malamig na tubig-dagat, kasabay no'n ay ang pag-ihip ng pang-gabing hangin. Nanuot sa buong katawan ko ang lamig. Pero hindi 'yon sapat para huminto ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa umabot na sa bewang ko ang tubig... I took more steps again, umabot ito sa dibdib ko... At hanggang umabot na sa leeg ko.

Walk on memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon