CHAPTER 12.1: Reunion

116 3 6
                                    

*Joyce's POV*

My jaw just dropped. I mean literally. Makalaglag panga yung statement ni Timothy.

>/////<

Di nalang ako sumagot baka kung ano pang masabi ko eh.

Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko.

"You're blushing?" He said with a grin on his face

"Tch. Magdrive ka na nga lang."

Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.

Pagkatapos ng mapang-asar na usapan hindi na ulit kami nagkibuan. Nakaconcentrate siya sa pagmamaneho habang ako naman nakatingin lang sa bintana at sinusubukang iimagine kung anong mangyayari mamaya.

Surprisingly,

Timothy held my hand. And said,

"Tonight, I'll make sure he'll regret what he have done to you."

Isa nanamang makalaglag panty na statement este panga pala. Nakuuuuuuu!! Ano ba to?!!

---

"I guess we're here." Sabi ni Timothy pagkatapos niyang ipark yung sasakyan niya

*Dugdug* *Dugdug*

Parang hihiwalay sakin yung puso ko sa sobrang kaba. Parang ewan! Aish.

Ganito pa rin yung bahay nila JC. Maganda pa rin. Ito pa rin yung dati bahay na madalas kong puntahan noon. Ayan!! Joyce!! Ano ba naman?? Tama na! I'm reminiscing again. For God's sake. I should be over it.

He opened the door for me. Tumingin ako sakanya ng may halong pag-aalala. He just smiled na para bang kino-comfort ako.

Nakita ko na rin sila Mina na naghihintay sa amin sa di kalayuan.

Timothy held my hand. I felt relieved.

Pumunta na kami kila Mina. Magkahawak kamay kami ni Timothy na pumasok. Nakita kong ganun din si Mina at Miko.

Nasa bungad palang kami ng garden pero kita ko na agad yung mga kaklase ko noon. Especially, JC, Kier and their clan. Marami na ring tao kung tutuusin halos kami nalang ang kulang.

"Stay by my side. I'll never let anyone hurt you" Timothy whispered.

Nagmistulang grand entrance kami. Pano ba naman? Nakatingin silang lahat samin habang naglalakad kami papasok.

Napakapit ako sa braso ni Timothy. Lalo pa at papalapit kami sa mesa nila JC.

"Don't let him see that you're still affected." Pasimpleng sabi ni Timothy

Tama siya.

Tuluyan na kaming nakalapit sakanila.

Nakita kong nagulat si Kier sa nakkikita niya ngayon.

"Hi." Mina said while smiling

"Buti nakarating kayo." Sabi naman ni JC.

"Of course. Who would afford to miss this party." Sagot ko naman. Ang galing ko naman nasabi ko yun. Oh my, gulay!

Tiningnan naman ako ni Mina ng ang-galing-mo-girl-look. Halatang gulat din sila. Hindi naman kasi ako ganito eh.

"Pakilala niyo naman yang mga cute guys na kasama niyo." Sabi ni Celina. Sabay pa-cute pa.

"Timothy, sila yung mga kaklase namin nung highschool. " Sabi ko kay Timothy tapos nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

Nginitian lang sila ni Timothy.

"Guys, siya si Timothy." Sabi ko naman sakanila

"Hi!" Sagot naman ng tropa ni Sandra. Mga harot talaga. ~.~

"I think you forgot to tell them kung sino ako." Makalaglag panty na sabi ni Timothy with his oh so dazzling smile.

Napatingin ako kay JC. Sinasabi ng mga mata niyang...

Nasasaktan siya.

Medyo nagtaka naman ako. Pakulo talaga nitong lalaking to.

"What?" Kunot noo kong tanong

He faced them and said, "I'm her boyfriend."

Pinakilala naman ni Mina si Miko.

"Miko, meet my highschool classmates." Sabi ni Mina

"Pleased to meet you." Magalang na tugon nito

"Oh. I know you. You're the great, Miko James Cruz. I'm Celina" Malanding sabi ni Celina. Sabay lapit pa nito at abot ng kamay kay Miko.

Nakita kong dumilim yung aura ni Bes.

Pero tiningnan lang ni Miko si Celina.

"Sorry but medyo possessive kasi itong girlfriend ko." Sabay akbay pa ni Miko kay Mina. Sila naaaaa. Sila na talaga ang nakakakilig. *3*

Nginitian naman ni Bes si Celina ng nakakapang-inis. Taray talaga ni Bes!

"Tara. I'll accompany you to your table." Sabi ni JC.

"Here. Please enjoy the night." JC said

"Thanks." Sagot ko nalang

Nagpaalam naman si Mina na chi-chika lang daw siya saglit sa mga classmate namin. Hindi naman kasi formal party ang ginawa nila. Walang program. Parang bonding lang at konting kwentuhan.

"He's watching you." Sabi ni Timothy

"Ha??" Nagtataka kong tanong.

"Ayun oh." Sabay tingin ni Timothy sa side nila JC

Automatic naman akong napatingin din.

Si JC. Nakatingin nga. Pero umiwas din agad nung makita niyang nakatingin ako.

Is he longing for me? *mentally slaps myself* Pinapaasa ko nanaman ang sarili ko.

"Tara." Sabi ni Timothy sabay hatak sakin

"Saan?" Bigla bigla naman tong lalaking to

Next thing I know, nasa table na kami nila JC. What the hell?!

Di na ko nakapalag. Nakita na kami eh. Pepektusan ko talaga tong si Timothy mamaya.

"Hi. Nandyan pala kayo." Sabi ni Sandra

Ngumiti nalang ako. Awkward naman.

"Have a seat." Alok ni Sandra

"Thanks." sabay upo namin.

"So, gaano na kayo katagal?" tanong ni Joanne (kaibigan ni Sandra)

"3 months pa lang." Sagot ko. Anluuuh? San ko nahagilap yung 3 months na yun.

"Actually, isang taon akong nanligaw." Timothy said then he smirked

"Whoa. Ang bagal mo naman, Dude." Sabi ni JC

"Oo nga naman." Sang-ayon pa ni Kier saka tumawa ng malakas

Nginitian lang sila ni Timothy. This one never failed to surprise me.

"Hindi kasi ako sanay manligaw ng babae eh. Sanay ako na ako yung hinahabol nila. Pero siya lang..

Ang sineryoso ko ng ganito." Sabay halik niya sa kaliwang pisngi ko.

---

AN: Sabaw po ang update na ito. Inyong pagpasensiyahan. Bukas ang part two. :)

Kung napansin niyo, bago yung book cover natin. :)

Kaway kaway sa magandang sponsor ng book cover! Maraming salamat, Youngbaeloves!! :)

~ Shanelle Lee

I'll marry my BESTFRIEND?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon