Dedicated to: HIM.
Siya kasi yung dahilan kung bakit ko sinulat yung story na'to
Sa nakakakilala sakin at SAKANYA. Quiet ka nalang. Hahahahahaha
At kung tatanungin niyo kung nakamove on na ko? Oo naman. Haha.
*Joyce's POV*
Wala na rin kaming nagawa ni Timothy. Eto kami ngayon. Nasa magkabilang side ng kama at parehong nakaupo sa sahig.
Ang dilim dilim pa naman. Nakakatakot. Sinubukan naming buksan yung ilaw kanina pero mukhang malas talaga at pundido.
Sa totoo lang, kanina pa ko takot na takot. Waaaaaaaa! Pano kung may mumu dito. Duwag na kung duwag pero takot talaga ko sa dilim bata palang ako.
Tapos, sobrang tahimik pa naming dalawa.
Di ko na talaga matiis kaya kumibo na ko.
"Timothy" Mahina kong sabi
"What?" Iritable niyang sagot
Sungit talaga nito. Nakakainis.
"Timothy, natatakot ako." Nahihiya kong sagot
"Psh." Walang reaksyon niyang sabi
Di man lang tinanong kung okay ako. Ibang klase. Minsan, pati ako nagtataka rin kung pano ko naging kaibigan tong mokong na to eh samantalang magkaiba kami.
Waaaaaaaaa! Mukhang buong gabi akong ganito. Wala pa atang balak matulog ang isang to. Kasi ako, antok na antok na talaga ko kaso di ko alam kung pano ko matutulog dahil takot na takot nga ako.
*Silence*
"Punta ka dito sa tabi ko" Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni niya
Takot na takot na nga ako paglalakarin pa ko sa dilim. Ayoko nga baka mamaya may mumung humila sa paa ko.
"I-I-Ikaw nalang pumunta dito. Di ko kayang maglakad papunta diyan." - Ako
"Napaka matatakutin mo naman" Iritable pa rin niyang sabi
"Eh sa natatakot nga eh. >3<" - Ako
Inaantok na talaga ko. Huhuhu. Haaay.
"Fine!" - Timothy
Tumayo siya at saka naglakad papalapit sakin. Umupo siya sa harapan ko at isinandal yung likod niya sa gilid ng kama. Bale nakapatagilid siya sakin ngayon.
"Waaaaa. Kala ko talaga matiis mo ko. *sob*" Naiiyak kong sabi habang inaalog yung braso niya
Nanatili kami sa ganung posisyon ng hindi nag iimikan.
*HIKAAAAAAAAAAB*
Napipikit-pikit na rin ako sa sobrang antok. Sinandal ko yung ulo sa gilid ng kama para di ako mangawit.
"Why don't you sleep in the bed?" - Timothy
"Natatakot nga ako baka mamaya tabihan ako ng mumu" - Ako
Pano naman kasi kung pagkakita ko nalang sa tabi ko eh may mumu. Baka atakihin ako sa puso. Waaaaaaaaaaaaa!!!!!!!
"Sleep. Babantayan kita." - Timothy
Anluuuuuuuuh! Bakit parang feeling ko ampula pula ng mukha ko. Buti nalang madilim at di masyadong pansin.
"Wag na. Okay lang ako" - Sabi ko
Nakakahiya naman kasi. >/////<
*HIKAAAAAAAAAAAB*
"Okay lang daw siya =.=" - Timothy

BINABASA MO ANG
I'll marry my BESTFRIEND?!
RomansaA story of love and friendship. And there is only one question she should answer... Will it be her past or her bestfriend?