This is a filler chapter. Haha Sorry. Writer's block, I guess?
*Joyce's POV*
*Tok tok*
Nagising ako dahil sa tunog na nanggagaling sa labas. UGH. Ano ba naman ito. Natutulog pa ang tao. Hirap na hirap kong dinilat yung mga mata ko, only to realize na wala nga pala ko sa bahay. I almost forgot. Napasarap kasi ang tulog ko dahil na rin siguro sa pagod at saka hello! 4 am na kaya ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Jusko! Tulala lang ako ng matagal bago nagsink-in sakin lahat.
"Hey! Are you okay?! Can you open the fvckin door?!"Sigaw ni Timothy sa labas.
Hay nako. Sungit talaga.
Agad kong binuksan yung pinto pano naman kasi baka magbuga na ng apoy yun.
Isang nasa mid 50's na babae ang bumungad nasa likod naman niya si Timmy na mukhang sobrang fresh pero nakakunot ang noo. Hala. Napatingin ako sa sarili ko. Para akong madusing na bata dahil hindi nga ako nakapagpalit kagabi.
"Ahhh ehhh hi po. Hehe." Yan nalang nasabi ko dahil sa sobrang hiya ko
"Ako nga pala si Manang Sonia anak. Eto dinalhan kita ng mga damit ni Tammy." Nakangiting sabi niya
"Salamat po. Hehe"
"You scared the hell out of Manang Sonia. She thought something bad happened to you. Tagal mo kasing magbukas ng pinto." Iritableng sabi ni Timothy
Ang aga aga napakasungit palibhasa ang gwapo gwapo niya ngayon. AYYYYY! ANO BA NAMAN YAN JOYCE! KALMA.
"Sorry po, Manang. Nahimbing po ang tulog ko." Sabay abot ko nung mga dala niyang damit
"Walang anuman, hija. Para sa future wife ng alaga ko." Nang-aasar pang sabi niya
Nag-iwas naman kami ng tingin ni Timothy. AWKWARD!
Nakaramdam ata si Manang Sonia na sobrang hiyang hiya na kami ni Timmy. Pano ba naman we're both blushing.
"Sige na iha. Magayos ka na muna"
"Thank you po. "
------
Nagsuot lang ako ng isang simpleng dress at nag-ayos ng kaunti pagkatapos lumabas na ko. Sayang naman ang ganda ng lugar na ito kung magkukulong lang ako sa kwarto diba?
Naglakad lakad ako sa resort. Wala naman masyadong tao, tanging ang mga trabahador lang na nagmamaintain dito.
Ang gaganda ng pool! Aayain ko nga si Timmy magswimming mamaya.May lumapit sa sakin na lalaki na sa tantsa ako eh nasa 50's na rin.
"Kayo po ba si Ma'am Joyce? Ako po pala si Mang Jess, asawa ni Sonia." Nakangiting sabi niya
"Naku. Wag niyo na po akong tawagin na Ma'am. Joyce nalang po, Mang Jess."
"Totoo nga ang sabi ni Ma'am Lara. Talagang mabait ka nga anak" ughhh naflatter naman ako dun.
"Talaga po? Naikwento po ako ni Tita Lara sainyo?"
"Ah oo. Pag bumibisita sila lagi niyang sinasabi samin ni Sonia na ikaw ang gusto niyang ang mapangasawa ni Sir Timothy." Medyo nakakapressure naman yun huhuhu
"Hehe. Ganun po ba."
"Oh hija. Andyan ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Timothy." Lumapit samin si Manang Sonia
"Asan po ba siya, Manang?"
"Halika at ihahatid kita sa garden ng makapagagahan ka na rin. Nandoon din si Timothy."
"Sige po manang. Bye po, Mang Jess." Medyo naglalambing pa si Mang Jess kay Manang Sonia bago kami umalis. Ang cute nilang dalawa. Hihi
Napangiti naman ako dahil meron pa palang mga ganong mag-asawa ngayon bukod kila mama at papa at sa parents ni Timothy.
Whoa. After ilang minutes, nakarating din kami sa garden or should I say paradise? Para itong isang hidden santuary. Ang ganda ng flowers at green na green ang paligid kaya nakakawala ng stress.
"What took you so long?" He said with an irritated look.
Ang aga aga ang sungit.
"Naglibot-libot lang." I uttered
"Eat." He commanded while drinking his coffee
Ngayon ko lang nakita si Timmy na ganito kaseryoso. I mean, he is scary at times. Playful din kung minsan but not that serious. I wonder kung gaano karaming side pa ba ni Timothy ang hindi ko pa nakikita..
"You're idling." He said
"Sorry. Madami lang iniisip" I half-smiled
Hayy. Iniisip ko rin kasi yung buhay na iniwanan namin sa Manila. Ang pamilya ko, school, mga kaibigan at higit sa lahat
..yung kasal.
"Sorry.. I promise you.. Matatapos rin to." He said. His eyes penetrating mine..
For minutes, ganun lang kami. Walang nagsasalita.
Reality strucked me hard.
Gusto ko nga bang matapos to?
---
~ Shanelle Lee
Votes and comments :)
BINABASA MO ANG
I'll marry my BESTFRIEND?!
RomanceA story of love and friendship. And there is only one question she should answer... Will it be her past or her bestfriend?