CHAPTER 15: This is soooooo not happening.

57 0 1
                                    

*Joyce's POV*

Bakas sa mukha ni Timothy ang halo-halong emosyon.

Matapos niyang makita ang ekspresyon ng mga taong nandito sa harapan namin ngayon na para bang masayang masaya pa kitang kita ko sa kanya na hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nakikita niyang okay yung daddy niya o mabbwisit dahil isang malaking prank ang nangyari samin.

"I'm sorry, Son." Sabi ng Mommy ni Timothy

"This is a nonsense crap, Ma!" Pasinghal na sabi niya

"Alam ko kasing di ka pupunta kung hindi serious matter eh." Sabi pa nito ulit

"Kasi naman sabi ko sayo, dapat ipina-kidnap nalang natin sila. Hahaha." Tito Zoilo managed to say while laughing so hard

Ay? May saltik ata lahat ng tao dito.

Magwa-walk out na sana si Timothy pero agad na humarang yung mga bodyguards ni Tito Zoilo

"Don't you dare, Son. It will be useless." Cool na sabi ni Tito Zoilo

Lumapit sakin si Mama. "Mama, anong nangyayari dito??"

Pero ngumiti lang siya..

Ang weird.

"Anak, you're turning 18 next week." Masayang sabi ni Tita Lara (Mommy ni Timothy)

Oo nga pala. Birthday na ni Timothy next week. Isa ba itong advance birthday party para sakanya??? Napakaaga ata.

"So?" Kunot-noong sabi ni Timothy

Nagpalitan silang lahat ng makahulugang tingin. May mali talaga dito. Parang may sinisikreto sila.

"Mamaya na namin sasabihin. Kumain muna kayo para may energy kayo mamaya." Sabi ni Tita Lara

Maglalaro siguro kami ng track and field mamaya kaya kailangang may energy.

Umupo ako sa table nila Mina. "Bes, alam mo ba kung anong nangyayari dito?" Bulong ko sakanya

"Of course. Pero di ko pwedeng sabihin." Saka siya ngumiti ng pagkalapad-lapad

Nakita ko sila Mama at ang parents ni Timothy sa kabilang table na masayang-masaya.

Tumabi sakin si Timothy.

Hanggang sa nagsimula nanamang mang-intriga itong si Mina.

"Bes, ano bang nangyari kanina?" Pabulong niyang tanong

"Inabutan ko nalang yung dalawa na nagsusuntukan na sa Parking."

"Haba ng hair mo, girl." Medyo kinikilig pang sabi ni Mina.

"Ano ka ba. Wag ka ngang maingay baka marinig ka nila."

"Totoo naman eh. Tingnan mo nga pinag-aawayan ka ng dalawang fafables."

Pero posible nga kayang gusto ako ni JC????

For the nth time, pinapaasa ko nanaman ang sarili ko.

"Hi Everyone!!" Masayang bati ni Ate Tammy na kadadating lang.

Hindi ko napansing wala siya kanina.

"Sorry if I'm late." Pagpapasensya niya

Bumeso siya sa amin.

"Oh. Baby bro, What happened to your face?" Sabay tinitigan niyang mabuti ang mukha ng kapatid

"Tss."

"Ah... eh... Medyo may bumastos kasi sakin kanina kaya ayan. Napa-away siya, Ate." Ako nalang ang sumagot

"Ayie. Gentleman na ang baby Timmy ko." Sabay gulo sa buhok ni Timothy

"Pano ba yan! Simulan na ang engagement na to" Excited na sabi ni Ate Tammy

Engagement?! So may ikakasal??

"Huh??? Sinong ikakasal??" Curious kong tanong. Sa pagkakaalam ko kasi may asawa na si Ate Tammy eh.

"Si Timothy!!!" Sigaw nilang lahat.

"Si Timothy?/Ako?!!" Sabay pa naming sagot ni Timothy

:O

"Ma! What's this???" Galit na tanong ni Timothy

Bakit hindi ata nabanggit ni Timothy???? Pero mukhang ngayon lang din niya nalaman base sa expression niya.

"Kanino????" Gulat na gulat kong tanong

"SAYO!!!" Sabay sabay ulit nilang sigaw

"Ah. Sakin naman pal--- Teka?!!!!! Anong sakin?!!"

---

AN: Ayan naaa. Malapit ng magsimula ang totoong kwento. :)

~ Shanelle Lee

I'll marry my BESTFRIEND?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon