Enjoy Reading! :)
~~~
*Mina's POV*
Nakatutok ako ngayon dito sa laptop ko, tinitingnan ko yung FB account ng mga Highschool classmates ko.
Stalker Mode. Hahaha
Ang gwapo pa rin ni Kier. Siya yung first love ko. I wonder kung pupunta siya sa reunion namin. There's a part of me na nagsasabing sana magkita kami pero meron ding sana wag na lang. He's my first in everything. First love, first boyfriend, first kiss and my first heartbreak. Sa totoo lang, ayoko na siyang makita pa. Masyadong masakit yung ginawa niya sakin noon.
*flashback*
Katatapos lang ng finals namin. Andito kami sa classroom at masayang nakatambay
"Two weeks nalang graduation na! Nakakalungkot pero okay lang. Isa pa, iisa lang naman tayo ng papasukan na college Bes!" Masayang sabi ko kay Joyce.
"Oo naman. Teka nga bes, si Kier san papasok?" Tanong ni Joyce
"Baka daw dun din siya sa papasukan natin pero di pa sure" Usapan kasi talaga namin na parehas kami ng papasukan para lagi pa rin kaming magkikita
"Naku. Dapat lang. Baka mambabae lang yun pag nalayo sa'yo."
"Hindi yun mambabae kahit pa magkalayo kami. Tiwala akong hindi niya sisirain yung promise niya." I said confidently
"Sana nga. Kung hindi, ipapa-bugbog ko yun"
We both laughed.
Magdadalawang taon na kami ni Kier bukas. Napaka special ng araw na yun kaya naman naisip ko siyang i-surprise.
"Bes! 2nd Anniversary namin bukas. Ano kayang magandang surprise sakanya?" I excitedly asked
"Uhmm... Nabalitaan kong may laro sila bukas ng basketball. Bakit di mo siya sorpresahin after ng game. "
May laro sila? Ba't parang di niya nabanggit yun sakin.
"Di niya ata nabanggit yun sakin, Bes. Anyway, kailangan ko ng maghanda ng surprise"
"Sa ibang school yung laro nila. Sa dati ata nilang school. Teka nga, bakit hindi mo alam? Balita na yun ah saka diba niya sinabi sa'yo? Haha" Sabi ni Joyce
"Baka nakalimutan lang niya. Anyway, punta ako bukas sa game tapos pagkatapos ng game, yayain ko siya mag dinner." I excitedly said
"Sama na ko. Wala naman akong gagawin sa bahay eh. " Sabi ni Bes habang abala sa pagbabasa
"Magpagawa kaya ako ng couple shirt? Ano sa tingin mo?"
"Maganda yun. Punta tayong mall mamaya."
After ng klase namin, nagpunta agad kami sa Mall. Napansin ko kaagad yung kulay pink na stall. Pagawaan siya ng personalized items.
"Bes, ito ang ganda oh." Sabay turo ko sa isang design ng couple shirt
Bale V-neck shirt siya na black. Tig-kalahating heart yung design niya sa likod. Mabubuo yun pag nagtabi yung dalawang shirt. Sa harap naman, may nakalagay na "Boyfriend" sa panglalaking shirt at "Girlfriend" naman ang nakalagay sa pambabaeng shirt
"Oo nga. Ang cute. Pero bes, susuotin kaya niya yan?" Sabi ni Bes
"Isusuot niya yan. Ang cute kaya." Sabi ko
Binili ko yung couple shirt at excited na ibinalot.
---
Mga 6 pm magsisimula yung game. Maaga kaming nagpunta sa venue para makahanap ng medyo tagong pwesto para hindi ako makita ni Kier para naman ma-surprise ko siya.
BINABASA MO ANG
I'll marry my BESTFRIEND?!
RomansaA story of love and friendship. And there is only one question she should answer... Will it be her past or her bestfriend?