*Joyce's POV*
"Cass.." Timothy whispered with a look of disbelief written all over his face
Oh My God!
A ghost from a painful past.
Ang dahilan kung bakit nasaktan si Timothy. Ng sobra.
"What are you doing here?" Timothy asked
"Is that your way of welcoming your guest?" Nakangiting sagot naman ni Cass
"Don't act as if we're friends because we're not." Timothy said coldly
"Easy ka lang. Para namang wala tayong pinagsamahan." She mocked
"I can't believe this." Timothy said wearily
"Papa, ano ho ba ang nangyayari?" Naguguluhang tanong na rin ni Tito Zoilo kay Lolo.
"Mukhang nahihirapan kasi kayo dito. So I decided na ako na ang umayos." Sabi ni Lolo Alejandro
"No need, Papa. We can handle this." Sabat naman ni Tita Lara
"No, you can't." Maawtoridad na sagot ni Lolo
"Anong kinalaman niya dito?" Sabay turo ni Timothy kay Cass
Lahat kami naghihintay ng sagot niya. Bakit nga ba?? Basta ang alam ko lang hindi maganda to.
"Let's say na siya ang mapapangasawa ni Timothy kung hindi papayag si Joyce." Cool na sabi niya
:O
Ano ba tong pinasukan kong gulo?
At sa dinami-dami ng babae, si Cass pa.
Bakit gumulo ng ganito ang buhay ko? Mababaliw na koooooooooooo! Sayang ang ganda ko. Kaloka
Tumabi sakin si Mina at Ate Tammy.
"Please, Joyce. Wag mong pabayaan si Timothy. Sana pagisipan mo. Ayokong mapunta sa babaeng yan ang kapatid ko." Ate Tammy pleaded
"Oo nga, Bes." Sang-ayon ni Mina
Pero hindi ba mas maganda kung ganun ang mangyari? Si Timothy at Cass.
Kung magiging sila, eto na yung chance ni Timothy para maging masaya kasama ang babaeng mahal niya... Dahil hanggang ngayon naman siya pa rin. The moment he saw her, I saw a glint of longingness from his eyes. Ang mga mata ni Timothy na punong-puno ng sakit, saya, lungkot at pagtataka ang nagpapatunay nito. It explains it all.
Pero bakit parang may maliliit na karayom na tumutusok sa
At sinasabi ng puso ko na hindi ko dapat hayaang mapunta siya sa iba...
Ahhhhhhhh!!
"Kailangan sa mismong birthday ni Timothy, may maipakilala tayo sa public."
"Bigyan niyo po ako ng tatlong araw para makapagisip." Lakas loob kong sagot. Sana maging maayos ang magiging desisyon ko... Yung hindi ko pagsisisihan sa huli.
Natahimik silang lahat.
"Lolo, tama na po. Si Joyce na ang nagdesisyon. Hayaan nalang po muna natin siya." Ate Tammy broke the ice
"Please. Kahit ngayon lang hayaan niyo muna kaming mag-usap." Sabi ni Timothy sabay hawak sa kamay ko
"Tita, pwede po ba?" Sabay tingin niya kay Mama
Tumango lang si Mama bilang pagsang-ayon.
With that, tuluyan na niya kong hinila papunta sa sasakyan niya at nagdrive papaalis.
Hindi na ko tumutol. Gusto ko rin naman munang makalayo. Masyadong napagod ang isip ko. Mula sa party hanggang ngayon.
"Sorry." Mahinang sabi ni Timothy
"You don't have to. Wala ka namang kasalanan." I gave him a reassuring smile. Hindi naman kasi talaga niya kasalanan. Alam kong hindi rin talaga niya ginusto to.
"Sorry. Sorry for putting you in this situation. Sana tumanggi ka nalang, hindi mo na sana kailangan pang mahirapan ng ganito"
Pagbalik namin??
"Wait? San nga ba tayo pupunta?" Tanong ko
"I don't know basta yung malayo muna sakanila. Tatlong araw tayong mawawala."
Ano? Tatlong araw?!!!
"Tatlong araw??! Bakit ang tagal. Pano tayo papasok. Ni wala tayong dalang damit. Are you out of your mind?" Di ko mapigilang tanong
"Damit? Madaming mabibilan dyan. About our absence, I'll call Mom. She can fix it."
"Ni wala pa nga tayong definite na pupuntahan." I sulked
"Sa resort namin sa Batangas. Doon muna siguro tayo."
"Bakit kasi kailangan pang tatlong araw eh pwede namang balik din tayo bukas."
"Your fault."
"So ako pa ngayon ang may kasalanan? Ayos ka rin eh noh?" Sarcastic kong sagot
"Kung di mo sinabing you'll decide within 3 days, eh di sana hindi ganito."
"Anong konek?" Then I rolled my eyes
"Look, I don't want you to be pressured kaya mas mabuting mag-decide ka ng....
Ako ang kasama mo."
That shut me up.
~~~
Namiss ko kayo! :")
Votes and comments ko ha? ;)
Cass on the right.
Please click the external link to see Papa Kier.
~ Shanelle Lee
BINABASA MO ANG
I'll marry my BESTFRIEND?!
RomanceA story of love and friendship. And there is only one question she should answer... Will it be her past or her bestfriend?