*Joyce's POV*
"Oh my goodness! That is sooo sweet!" Joanne said
Nang makarecover ko sa state of shock. Napangiti na lang ako.
"You are so lucky, girl." Sabi ni Celina
"I know. Akala ko nga nung una hindi niya ko seseryosohin pero he really loves me" Sabay hawak ko pa ng marahan sa pisngi ni Timothy.
I'm such a good actress.
"I told you I'm not going to hurt you gaya ng ginawa sayo ng iba." Sabi niya sabay tingin ng matalim kay JC
Natahimik naman silang lahat. They know what he means. Alam na alam nilang lahat kung anong nangyari noon.
Uh-oh. I can feel the tension.
Nagsusukatan ng tingin yung dalawa. Para bang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng mga mata nila.
Hinawakan ko yung mukha ni Timothy at ihinarap ko sakin. To lessen the tension.
Lumiwanag na yung mukha niya pero ramdam na ramdam ko pa rin na galit siya.
"Can we join you, guys?" Biglang singit ni Mina.
With that, bumalik na sa normal. Salamat talaga kay Mina!
"Sure." Si Kier ang sumagot.
*Mina's POV*
Napagod ako kakachika. Haha. Pabalik na sana ko sa table namin nila Bes pero wala sila.
Saan kaya nagsuot yun.
"Ayun sila oh" Sabay turo ni Miko sa table nila JC.
Tama ba itong nakikita ko??
Agad kong hinila si Miko papunta doon.
Mukhang may tensyon na nangyayari. Parang hindi na rin alam ni Bes kung anong gagawin niya.
"Can we join you, guys?" Pagbabasag ko ng katahimikan at ng dark aura na bumabalot.
"Sure." Kier answered. The nerve of this guy!
"Kayo naman ang iho-hot seat ko." Sabay tawa pa ni Joanne
"Let me handle this." Sabat ni Kier
Mukhang susubukan ako ng lalaking to.
"So, how are you?" Tanong ni Kier
"Never better." Sagot ko
"Last time I checked on you, you are broken hearted." He said then he laughed
Ang h*yop na to! Talagang sinusubukan ako. Eto namang si Miko, ayaw man lang akong tulungan.
"Oh really? Last time I checked on you are a jerk. Until now you're still jerk." I said sarcastically
"You really changed huh? Hindi ganyan ang kilala kong Mina noon. Hindi ka na isang maamo at masunuring tuta." Sagot naman niya.
Napatahimik lahat. Halatang pinapanood lang nila kung anong susunod na mangyayari. Tiningnan naman ako ni Bes ng kalma-ka-lang-dyan-look.
"Sorry but I'm not the good girl anymore. Hindi na ko isang maamong tuta. Isa na kong dragon ngayon." Mataray kong sabi.
I can smell victory.
"Pare, nakalimutan kong sabihin na ex ako ni Mina." Pagbaling ng atensyon ni Kier kay Miko
Nginitian lang siya ni Miko.
Siniko ko naman si Miko. Aba. Hindi pwedeng ganun nalang yun. Kaya ko nga siya sinama eh.
"Alam mo pare, nung kami pa napakamasunurin niyan. Kung anong gusto ko, yun ang masusunod." Pang-iinis pa ni Kier
"Hindi na eh. Ginawa ko kasi siyang reyna at hindi isang maamong tuta. Siya ang boss eh. Kung anong gusto niya, yun ang masusunod. Batas ang salita niya." Nakangiting sagot lang ni Miko
;"'>
"Salamat pala, Dude." Proud na sabi ni Miko kay Kier
"For what?"
"Salamat dahil niloko mo siya noon. Kung hindi mo ginawa yun, baka hindi kami ngayon."
OMG. Kinikilig ako. :") Kahit joke lang, kinikilig pa din ako.
And by the way, alam kong ex ka niya. Gusto ko nga palang mag-sorry about what happened two years ago pero gusto ko ring magpasalamat" Proud na sabi ni Miko
O ano ka ngayon ha Kier?
"Two years ago?" Nagtatakang tanong ni Kier
"Oo. Dahil sakin kaya ka niya nakitang may kahalikang babae. I accidentally saw you at naisip ko ng chance ko yun para maagaw si Mina kaya tinuro kita." Alam kong di totoo lahat ng yun pero nakakatouch lang. ;')
Nashock si Kier sa naman. Hahahahaha. Ang itsura niya? Parang batang inagawan ng candy.
"Salamat dahil niloko mo siya at napunta sakin yung babaeng mahal na mahal ko ngayon." He said as if he really meant it.
---
*Joyce's POV*
"Babe, may kukunin lang ako sa kotse." Paalam ni Timothy sakin
"Sige. Pero dalian mo ha." Ewan ko ba parang kinakabahan ako
"Sure."
"Excuse me lang ha." Magalang na sabi niya sa mga kasama namin.
Nagpaalam din si JC na titingnan lang daw niya yung iba naming mga kaklase.
*After 20 minutes.*
Ang tagal naman ni Timothy! Ano ba naman yan. Kinakabahan na talaga ko.
Pati si JC hindi pa rin bumabalik.
"Bes, di ka mapakali diyan." Nag-aalang tanong ni Mina
"Ang tagal kasi ni Timothy. Baka kung ano ng nangyari dun."
"Ano ka ba. Paranoid mo talaga."
Di ko na talaga kinaya kaya lumabas ako para hanapin si Timothy...
Isang eksenang punong-puno ng tensyon ang inabutan ko.
---
AN: Pasensya na sa late update. Dapat kahapon to. Kaya lang masyado akong masaya kahapon. Hahaha.
Take two! Binura ko yung nauna. Nagkagulo eh. Haha
Enjoy Reading! :)
~ Shanelle Lee
BINABASA MO ANG
I'll marry my BESTFRIEND?!
RomanceA story of love and friendship. And there is only one question she should answer... Will it be her past or her bestfriend?