CHAPTER 3 HIS GIRL

15 0 0
                                    

POV ARES

"D'yan na lang po ako sa may kanto." tinuro ko pa ang madilim na gilid ng kalsada.

"Dito daw sya." tapik ni ma'am Yasmin sa anak na nagmamaneho.

Bumusina muna si Jackson sa daraang motor saka niya iginilid ang sasakyan.

"Thank you po sa paghatid ma'am."

"Bukas, aantayin ka namin. Sumabay ka ha." hindi iyon mukhang sinabi lang kundi para iyong utos sa akin.

"O-opo, salamat po." nautal pa ako sa pagsagot at bago pa ako makalabas ay nagkatinginan pa kami sa rear view mirror ni Jackson saka ako bumaba ng sasakyan.

Binaba pa ni Ma'am Yasmin ang bintana saka ako dinungaw.

"Don't forget bukas ha, sabay ka sa amin umuwi."

"Sige po ma'am Ingat po."

Ngumiti sa akin ang ginang saka nito sinara ang bintana at umandar na paalis ang sasakyan nila.

Nang mawala na ito sa paningin ko saka ako naglakad pauwi.

Madilim na at ilang nakatabinging poste ng ilaw na lang ang nadaanan ko. Pero pagdating sa subdivision sa amin ay marami ng ilaw at marami na ring tao.

Nadaanan ko pa sa gilid ng kalsada ang ilang mga tatay na nag-iinuman.

May mga bata rin na nag lalaro ng turompo kahit gabi na, ang iba nakatambay sa labas dahil nag i-ML.

Nadaanan ko din ang ilang tindahan at barbecue-han. Gumilid pa nga ako ng dumaan ang isang tricycle dahil baka matalsikan ako ng kulay itim na tubig sa kalsada.

Bako-bako na rin kasi ang daan kaya gigiwang-giwang na ang mga tricycle dito. Bahain din sa lugar namin kapag maulan at matagal matuyo ang lupa kaya kapag nagkabagyo talagang evacuate kami.

Dumating ako sa tapat ng lumang bahay namin at mukhang nakauwi na rin si mama.

Nakabukas ng pinto ng bahay pagpasok ko kaya kita ko ang maingay na TV sa sala na nakabukas.

Tinanggal ko ang sapatos ko saka nag-iwas ng tingin ng lumingon sa akin ang maputi at matangkad na lalaking nanonood ng TV.

"Kumain ka na Ares pagkabihis mo." Lumitaw ang 42 years old na maputing babae mula sa pinto ng kusina na may tabing na kurtina.

"Opo ma." Pagkaayos ko ng sapatos ay agad akong umakyat ng hagdanan at nagbihis sa kwarto. Bumababa din ako kaagad at sinabayan si Mama kumain sa kusina. Hindi na namin pinansin pa ang kaninang lalaking nanonood sa sala.

Tahimik lang kaming kumakain ng tinolang manok na niluto niya. Mukhang maaga siya nakauwi ngayong gabi dahil nagawa pa niyang magluto.

"Nanalo daw sa sayaw 'yung kaklase mo dati, si Bea. Nagpacontest pala si Kapitan ng sayaw nanalo daw 'yung grupo nila sabi nila Yolly."

Napalunok na lang ako sa binuksang topic ni mama.

"Sana pala sinabi ko naisali ka doon para nagkapera ka din."

Alam ni mama na sumasayaw ako dati at nagkakapera ako dahil sa mga contest, pero hindi ko na tinuloy iyon ngayon dahil nga sa nawalan na rin ako ng gana.

Kilala ni mama si Bea at isa rin siya sa mga naging dahilan kung bakit ayaw ko ng sumayaw pa. Kaklase at kaibigan ko si Bea noong grade 8 ako, nagtry ako nun sumali sa dance trop sa school at nung nag grade 9 ako ay nakapasok naman. Masasabi kong magaling ako sumayaw kasi ganun lagi ang papuring natatanggap ko sa mga naging kamember ko.

Madalas akong ilagay sa unahan dahil bukod sa maliit ako ay alam kong magagaling lang ang ginagawang front.

Pero kahit gaano ako kagaling at talented pagmaganda na ang kalaban ko naoover power na 'yung talent ko. Mabait naman si Bea, nung una nagpapaturo siya sa akin sumayaw kahit hindi siya member ng dance trop, nagsimula ko lang siya iwasan nung time na ako dapat 'yung gagawing performer sa barangay namin kaya lang nakilala ng anak ni kapitan si Bea tapos nalaman na sumasayaw si Bea kaya siya 'yung nakakuha ng raket na halos ilang araw kong hiniling na ibigay sa akin.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon