CHAPTER 5 NEW CRUSH

6 0 0
                                    

POV ARES

NAKITA ko na lahat ng mga kaibigan ko ay nakatingin na sa lalaking katabi ko.

Si Thana ay napakunot pa ng noo ng mapansin niyang nag-uusap kami ni Jackson.

"Why do you look like that?" hindi pa rin ako tinatantanan ng tanong ni Jackson kahit kumukuha na kami ng kanya kanyang pagkain at inilalagay sa plato na siya namang usad lang ng pila.

Napatingin din siya sa mga kasama ko at mukhang takang taka siya.

Kahit ako din ay nagtataka kung bakit nagstay pa kami na ganito ang mga itsura namin.

"Hindi kasi kami na-inform na bongga pala ang party." pilit ang ngiti kong bulong sa kanya habang hawak ang tong saka ako kumuha ng shanghai.

Tumango naman siya at hindi talaga nakawala sa paningin ko ang pagtingin tingin niya sa binti ko na nakalantad dahil nga maiksi lang short ko.

Bahala siya sa buhay niya basta mairaos lang naming magkakaibigan ang party na 'to ay baka maging okay na ako.

Nang matapos na kami sa pagkuha ng pagkain ay bumalik na kami sa table at hindi ko na rin nakita pa sa paligid si Jackson, hindi ko alam kung saan ang table niya kaya hindi ko na hinanap at kumain na ako dahil gutom na talaga ang tao.

Natapos ang pagkain namin na puro music lang ang tumutugtog at iba't ibang kulay ang nagliliwanag sa paligid.

Nang matapos na kami ay siya namang lapitan ng mga waitress at ligpit sa table.

Umakyat ang MC sa stage at ipinakilala ang mag piperform at nagulat naman kami ng umakyat mula sa likod ng stage si Haru at ang ibang member ng dance trop sa school.

Mga nakasuot ito ang mga jeans at mga naka long sleeve white polo at coat with necktie na maluwag. Samantalang si Haru ay naka all white pants, at long sleeves polo.

"T*angina may pa change outfit pa ang tar*ntado." napacross arm si Bella at halata sa boses niya ang gigil.

At dahil nasa unahan kami ay kitang kita namin ang naggwagwapohang mukha ng mga kasama ni Haru.

"Hala, si Xander!" napatili at inuga pa ni Thana ang braso ko habang kinikilig sa lalaking katabi ni Haru sa blockings nila.

Naghiyawan mga bisita sa mga binatang nagtayuan sa stage at kahit ako na excite lalo na ng nagsimula ng tumugtog ang Ko Ko Bop na kanta ng EXO, isang Kpop Boy group. Sikat na sikat ang kanta nila ngayon kaya naman pala nakikita ko si Haru na nanonood ng dance practice ng sayaw nito sa likod ng room gamit ang cellphone niya. Kaya pala, sasayawin pala nila ngayon.

Todo ang hiyaw ni Thana sa tabi ko dahil ang Xander na tinutukoy niya ay siyang nag portrait kay D.O ng EXO, in fairness magaling pala ito. Malakas din ang karisma at gwapo nga. Si Haru naman ang siyang nag portrait kay Kai, syempre 'yan naman lagi ang ginagaya niya kahit noon pa basta ba kanta ng EXO ang sasayawin si Kai ang kanya, which is bagay naman dahil matangkad siya at takaw pansin ang itsura niya.

Kinikilig akong isipin na ang gwapo na lalo ni Haru kumpara noong Junior High School. Talagang nagbinata na ang Haru.

Sa sobrang saya ko ay nakitili na lang din ako katulad ni Thana lalo na ng mag chorus na ang sinasayaw nila, lahat ng mga bisita ay nag-ingay na at dumagundong na ang malakas na music at hiyawan. Sobrang saya at kinikilig talaga ako kay Haru. Talagang killed niya ang mga dance step at sobrang astig niya tignan, maging ang facial expression niya ay sobrang angas, nakakakilig.

Nawala lang ang kilig ko ng sa gitna ng kabilang table ay narinig namin ang mga naghihiyawan at nakita ko doon na nakaupo si Dalia at ibang mga kaibigan niya at lahat sila ay tinutukso si Dalia kay Haru na nasa stage.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon