CHAPTER 7 LOOKS

6 0 0
                                    

POV HARU

The day before the kiss

Kung hindi ko pa talaga nakita na nag-uusap sila Peter at Ares ay hindi ko pa malalaman ang nangyari sa kanya.

Kinompronta ko si Peter ng kaming dalawa na lang sa likod ng room kanina habang nagkaklase at hindi naman niya magagawang itago sa akin ang nangyari kay Ris.

Aminado ako na nasaktan ko siya dahil hindi ko sa kanya sinabi kaagad ang tungkol kay Dalia at lumalayo na ang loob niya sa akin, pero kasi parang kapatid ko na siyang babae para sa akin.

Alam ko ang sitwasyon nila ng Mama niya at walang masandalang tatay o kuya si Ris, mas lalo pa ngayon na hindi na rin siya lumalapit sa akin.

Gusto ko masigurado na ayos lang naman ang kaibigan ko, naaawa din talaga ako sa isang yun.

Pagsapit ng break time ay nawala kaagad siya sa paningin ko sa room kaya nagmadali akong lumabas para hanapin siya. Sinabihan ko si Dalia na antayin na lang muna ako sa canteen.

Alam ni Dalia na kaibigan ko si Ris, at naunawan naman niya ang bond naming dalawa ng kaibigan ko. Kinuwento ko kasi kay Dalia ang sitwasyon ng kaibigan koâ€" alam kong magagalit si Ris sa akin kapag nalaman niya na kinuwento ko sa girlfriend ko iyon pero ito lang naman ang paraan para maunawaan din ni Dalia ang pagkakaibigan naming dalawa. Walang magiging gulo kung sasabihin ko ang totoo.

Kasabayan ko ang ibang kaklase ko na bumaba ng hagdan. Nakita ko naman mula sa dulo ng hallway ang pabalik na si Jackson kaya ito agad ang nilapitan ko.

Kahit maraming estudyante ay talagang makikita mo kaagad siya, ewan ko ba pero pareho lang naman kaming gwapo kaya lang nakakalamang kasi na malaki ang katawan niya at matangkad siya ng 1 inch sa akin, idagdag mo pa na nakasimangot lagi ang lalaki na yun.

Sanay na ako, ganyan iyan palagi pero mabait 'yan.

"Jackson, nakita mo ba si Ris?"

Kumunot lalo ang noo niya sa tinanong ko.

"Why are you looking for her?" pumamulsa siya sa harap ko.

"HIndi ba kayo sabay kumain? Kakausapin ko lang siya, nalaman ko 'yung nangyari sa kanila ng mama niya." alam ko na nandoon si Jackson dahil na kwento din sa akin ni Peter at alam ko din noon pa na abogado ang papa niya at konsehala ang mama niya, at magkamag-anak sila.

Gumalaw ang panga niya at mas lalo siyang nagpakita ng nakakatakot na awra.

Sa totoo lang naninibago na ako kay Jackson nitong mga nakaraan, mas madalas na siyang ganyan sa akin kapag nakikita niya ako.

"She doesn't need you anymore."

Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi niya.

"Kaibigan ko si Ris, ano bang problema mo?" at ayan, napapansin ko din na kapag si Ris ang pinag-uusapan ay badtrip siya o kaya masyadong protective.

Noon ko pa talaga nahahalata ito eh.

"Hindi ka na niya kailangan, all she need is me. Now, back off."

Napangisi ako dahil mukhang tama nga ang hinala ko.

"What?" parang naasar siya sa ginawa kong pagngisi.

"Kilala kita, hindi ka ganyan sa ibang tao. May gusto ka kay Ris 'no?" doon ako lalong natawa kasi lalong kumunot ang noo niya at nag-iwas siya ng tingin.

Kilalang kilala ko ang kaibigan ko na 'to, never ko yan nakitang nag kainterest sa kahit na sino at higit sa lahat walang pakialam iyan sa buhay ng iba. Kahit nga buhay ko ay hindi niya pinakikialaman at kahit mag kwento ako tungkol sa girlfriend ko ay hindi niya na yun maaalala bukas.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon