CHAPTER 2 HIS FAULT

16 0 0
                                    

POV ARES

Rinig na rinig sa pwesto namin ang pagtutuno ng gitara ni Randy, nakaupo ang lalaki sa may table ng teacher at hawak ang brown niyang gitara, ang iba ay nakikisabay na sa kanya.

"Tininiw ti-tininiw, tininiw ti-tininiw, tininiwtininiw~" parang nauulol naman si Vincent na sinabayan ang pag-intro ni Randy sa gitara, omaarte pa ito na may hawak na bass guitar. Pareho sila ngayong nasa unahan.

"Wala nang dating pagtingin…" at nagsabayan na ang iba kong kaklase sa kanta na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sawa na ba sa aking lambing, wala ka namang dahilan bakit bigla na lang nang iwan~" ang ganda talaga ng boses ni Randy, bagay na bagay sa kanya ganyang mga kanta.

Kaya naman aliw na aliw kami kapag ganitong wala pang teacher dahil may mga entertainer kaming kaklase.

Sa likod naman ng room ay nandoon sila Bella. Tumutugtog doon ang isang maliit na speaker, at sumasayaw ng Boombayah ang mga ito, korean song na pinasikat ng Kpop Girl Group na Blackpink.

"Yayayayayayaya oppa!" sigaw ni Thana na nakikisabay sa sayawan nila.

Kasama si Thana at Bella saka iba naming kaklase ay nagsasasayaw sila doon sa likod. Aliw na aliw naman ako sa upuan ko kasi kahit saan ako lumingon ay talagang may nagaganap.

Ang iba naman naming kaklase ay may kanya kanya ring mundo, 'yung iba nandoon sa gilid at mga nagkukwentuhan, 'yung iba kagaya nila Peter nandoon nag lalaro ng ML. Samantalang ibang girls sa likod nag mimake-up.

"Hindi ka sasali sa kanila?" nagulat ako ng biglang umupo sa upuan ni Thana si Haru.

Hindi ko alam kung kailan siya nagising, tulog kasi siya kanina matapos ang unang subject namin.

Nakatingin siya ngayon sa mga nagsasayaw na sila Bella.

"Ayuko. Ang init na sasayaw pa."

"Sus, parang dati panay sayaw ka ah."

Sumasayaw ako dati nung Junior High, ewan ko ba nawala na lang ako ng gana. Nakasali pa nga ako sa dance trop dito sa school. Itong si Haru kasi ay member din ng dance trop hanggang ngayon, siya na lang ang nagbubulong sa akin na sumayaw ulit pero hindi na talaga ako sumasayaw.

"Kita mong napakainit na, saka madali akong pagpawisan. Ayuko!" binaling ko na lang ang tingin ko sa unahan kung saan kumakanta pa rin sila Randy.

"Paamoy na lang ng kili-kili mo pag napawisan." tumawa ito kaya naman nilayo ko ang mukha niya sa akin.

Hindi ba niya alam na nakakahiya ang mga sinasabi niya? Bakit ba siya ganyan?

Sa totoo lang kaibigan lang talaga si Haru sa akin, pero hindi ko talaga maiwasang mag kacrush sa kanya kasi bukod sa maitsura siya at kahit minsan hindi siya complete uniform ay napakalambing naman niyang tao.

Walang na lileft behind sa kanya at 'yun ang gusto ko. Katulad ngayon, ako lang mag-isa sa upuan pero nilapitan pa niya ako para hindi ko maramdaman na may sari sariling mundo ang iba kong mga kaibigan. Iyon ang dahilan kung bakit ako nag kacrush sa kanya.

Kahit nga tag-init napaka presko niya, maputi kasi at maganda ang kutis. Matangkad din kagaya ni Jackson kaya talagang ma attrack ka.

Teka bakit nadamay 'yung Jacinto na 'yun?

Natigil sa pagtugtog sila Randy sa harap at natigil din ang music nila Bella ng may pumasok na SSG officer.

"Hindi makakaattend ng lecture sa inyo si Ma'am Maila. Pero pinapasabi niya na punta daw kayo sa Science garden, mag lilinis at magdadamo daw kayo. 'Yun daw activity ninyo sa kanya." sabi ng payat na nakasalamin na lalaki.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon