CHAPTER 11 MOVE

6 0 0
                                    

POV ARES

SIGURO NANG umulan ng kagandahan at katangkaran tulog ako at hindi man lang ginising para sumalo ng biyaya.

Pero 'yung lalaki na nasa harap ko parang nasalo na ata lahat. Malamang nagbabad pa 'to sa labas habang nauulanan ng biyaya. Sa sobrang dami niyang sinalo sana ako din saluhin niya kasi hulog na hulog na ako.

"Do you want to buy anything?"

Napakurap ako ng lumingon na sa akin si Jackson.

Kanina pagkatapos namin kumain sa mang-inasal ay talagang hindi nakatakas sa paningin ko ang mga pasulyap sulyap na customer at employee doon sa resto.

Takaw pansin kasi ang matangkad na lalaking kasama ko at idagdag mo pa na panay ang ingles doon sa babae sa cashier, kaya si ateng parang may asawa at anak na ay napastop ng mga 2 seconds pagkatingala sa manliligaw ko.

Yes, claiming manliligaw ko po si Jackson Jacinto.

Hindi man pinagpala ni lord sa kagandahan pinagpala naman sa gwapong manliligaw.

Ewan ko ba, naulol na ata ako after niya sabihing liligawan na niya ako simula ng lumabas kami ng sasakyan.

"Ha?" tiningala ko siya dahil nakahinto na pala kami.

"Gusto mo ba tumingin tayo sa loob?"

Ngayon ko lang napansin na nakahinto pala kami sa tapat ng department store at nakatingin ako sa pink na mini dress.

"Ah, 'wag na wala akong dalang pera." saka ko tinapik ang braso niya.

Nakakahiya pumasok doon mukhang mga mahal yung damit, ngayon na lang kasi ako nakapag mall kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nakadisplay na damit.

Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling bumili ng damit.

"Okay if that's what you want." nakangiting sabi niya.

Ngumiti na lang ako saka niya ako inaya sa supermarket.

May bibilhin daw kasi siya kaya sinamahan ko na.

Pagdating namin doon ay may binili siyang mga groceries.

Mga shampoo at ilang delata para sa kanila.

"Samantalahin ko na paglabas natin ha, bilhin ko na rin 'tong inutos ni mommy. Sorry." hinahawakan pa niya ang suot kong blouse saka inayos dahil nakikita na pala ang strap ng bra ko.

Nagmadali akong hawakan yun at inangat.

"O-okay lang, para hindi rin sayang sa gas pagpunta mo dito." bigla tuloy akong nailang dahil nakatingin siya sa balikat ko.

"Anyway next time i'll bring you anywhere you want." ngumiti siya saka na niya tinulak ang cart.

Sinabihan pa niya ako nakumuha ng ice cream at kahit umayaw ako ay pinilit talaga niya ako kaya naman pagdating naman sa sasakyan ay may kinakain akong clédor na espresso flavor.

Nag-ingat talaga ako na 'wag madumihan ang inuupuan ko dahil nakakahiya sa sasakyan nila. Nang maubos ko nga ang ice cream ay talagang nasa buong kamay ko ang ebidensya.

"Do you need tissues?"

Kaagad kong pinunasan gamit ang hintuturo ko ang gilid ng labi ko dahil tumutulo na talaga ang ice cream sa kamay ko.

"Umm." tumango pa ako at saka naman may kinuhang tissue si Jackson at siya na ang nagpunas ng labi ko at pagkatapos ay nagpunas ng kamay ko.

Napangisi pa siya habang ginagawa iyon.

"You look like a child." natatawa niyang bigkas. "So precious." dugtong pa niya sa mahinang boses.

Nahiya ako bigla at the same time kinilig.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon