CHAPTER 1 THAT'S HIM

28 0 0
                                    



POV ARES

Tirik na tirik ang araw ng pumasok ako sa school, pasado alas dose na kasi. Half day ang pasok naming mga senior high school dahil sa nagkulang na ang mga rooms sa sobrang daming estudyante at dahil 'yun sa mga ginawang housing project sa lugar namin dito sa Sta Maria Bulacan.

Kaya heto at kaming mga senior high ang mag susuffer sa panghapong pasok.

"Excuse! Excuse!" halos magsisigaw na ako dahil siksikan talaga ang mga estudyante dito sa may gate.

Kakaligo ko lang pero amoy mandirigma na ako bago pa makarating sa classroom.

Jusko baka hindi ako makatagal sa sobrang daming estudyante na 'to. Amoy na amoy ko ang pawisan nilang katawan, amoy putok, at amoy paa.

Mga grade 7 at grade 8 kasi ang mga nakakasalubong ko, mga pawisang maaasim. 'Yung guard nga sa gate sumuko na mag ayos ng paglabas ng mga estudyante sa dami namin, at nag halo halo na pati mga amoy.

Malapit na akong makaalis sa mga nagkukumpulan ng biglang may grupo ng mga estudyante na nagtulakan sa likuran ko at saktong bag ko pa ang naitulak ng babae sa likod ko dahilan para masubsub ako sa pader.

Pero bago pa man tuluyang mabagok ang ulo ko sa gilid na pader ay may braso na nasumalo sa ulo ko.

Nakaramdam pa ako ng hilo pagkatapos tumama ng ulo ko doon at dahil sa sobrang daming estudyante ay hindi ko na nakita kung sino ang tumulong sa akin.

At sa wakas buhay pa naman akong nakarating sa hallway ng building namin pagkatapos ng nangyari, 'yun nga lang nadumihan na ang puti kong medyas dahil sa natapakan na kanina.

Kukutusan na naman ako ni mama pag nakita niya ito pag-uwi ko.

Inayos ko ang mga hibla ng buhok sa mukha ko na dumikit na dahil sa pawis, nasa harap ko pa ang bag ko habang humihingal na umaakyat sa hagdanan.

Wala na akong pakialam sa itsura ko dahil talagang hulas na ako kakapasok palang.

"Ares!" narinig ko sa taas ang sigawan ng mga kaklase ko. Nakatambay na sila Thana doon at mukhang maaga pumasok para hindi madatnan ng mga mandirigmang grade 7 at 8 sa gate.

Sumabay sa akin si Thana papasok sa room ng makaakyat na ako. Nasa corridor pa rin tumambay ang mga kaklase namin na mga kaibigan din namin.

"Dapat inagahan mo, sabi ko sayo madadatnan ka ng maraming estudyante sa baba." umupo siya sa katabing upuan ko. Inilapag ko na ang bag ko at naupo.

Tinapat ko muna sa akin 'yung eletricfan dahil iilan palang kami ng mga kaklase ko sa loob. Nag suklay ako saka naglagay ng pulbo. Ng makaramdam ako ng ginhawa ay saka ako kumalma.

"Ang init, mamatay ata ako doon." hinarap ko si Thana.

"Sabay ka na kasi sa service namin para hindi ka na namamasahe." nagsusuklay na din ito.

"Wala pa budget si mama pangservice ko, makakatipid ako pag naglakad ako at jeep." swerte niya kasi naka service siya kaya nagiging maaga siya pumasok. Eh ako nga bente lang baon ko ngayon kaya naglakad lang ako papasok.

20 minutes lang naman ang lakaran mula sa amin kaya okay na 'yun kailangan lang agahan ko umalis ng bahay.

"Sa susunod pag may budget na mama mo."

tumango naman ako sa kanya.

"Wala pa ata sila Bella." wala kasing mga babaing panay ang sayaw sa harap ng room. Ganito kasing oras ay panay ang practice ng sayaw nun sa room kasama mga kaklase namin.

"Wala eh, inaantay nga nila Haru dun sa labas." dumungaw ako sa bintanang katabi ko at doon nga nakatambay si Haru, katropa at kaklase din namin, kasama niya sa labas na nakatambay si Vincent at Peter. Tropapips din namin.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon