CHAPTER 18 JOIN

7 0 0
                                    


POV ARES

NAKABUSANGOT ang mukha ko habang pababa ng building namin. Kakatapos lang ng klase kanina at cleaners ako kaya late at madilim na ako lumabas, nauna na rin ang iba kong kaklase kaya iilan na lang ang dumaraan.

Hindi talaga ako makapaniwalang naka 6 over 10 lang ang score ko sa Entrep namin samantalang magdamag akong nag review.

Pakiramdam ko dinaya ako ni Ma'am, halos lahat kasi ng tanong ay identification at karamihan puro sentence pa ang ilalagay. Sige nga paano ko makakabisado 'yung buong business plan format pati 'yung iba't ibang items nun?

Mautak talaga ang mga teacher ngayon, siguro hindi masarap ulam niya kaya ganun ang quiz kanina.

Samantalang si Thana naka perfect score, grabe na talagang nangyayari sa akin. Kung kailan nag-aaral ako nang nag-aaral pakiramdam ko lalong bumababa ang score ko.

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Wala naman akong ibang ginawa buong magdamag kundi ang magbasa at isipin siâ€"

"Are you okay?"

Umangat ang paningin ko sa lalaking matangkad na sumalubong sa akin pagbaba ko ng hagdanan.

Biglang nalukot ang mukha ko at dinuro ko siya.

"Ikaw!"

Halos mapaatras ang mukha ni Jackson sa pagkakaturo ko sa kanya at takang taka siya sa ginawa ko.

Wala gaanong tao dahil madilim na rin kaya lakas loob ko siyang nasigawan.

"Why?" nalilitong tanong niya dahil matalim ang tingin ko.

"Ikaw ang dahilan kaya hindi ako makapag focus!" humakbang ako at bahagya siyang umatras dahil hindi ko inaalis ang pagkakaturo ko sa kanya.

"What?"

"Kasalanan mo!" pagdidiin ko dahil naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.

Kung bakit ba kasi pumapasok siya sa isip ko gabi-gabi at araw-araw. Hindi ba talaga niya tatantanan ang utak ko?

Saka bakit kasi ang gwapo niya lagi sa harap ko at kahit malayo siya ay amoy baby siya tignan at anong meron sa kanya bakit hindi ako makapagfocus.

"Hey, baby can you stop pointing at me."

Hinawakan niya ang hintuturo kong daliri na nakaturo sa kanya at inilayo iyon at itinuro sa iba na akala mo ay ispadang matalim kung iiwas niya sa sarili niya.

Napabuntong hininga na lang ako at binaba na ang kamay samantalang clueless naman ang gwapong si Jackson na nakatingin sa akin.

"Are you okay? What happened?" lumapit na siya sa akin dahil hindi na niya alam ang gagawin sa sitwasyon ko.

"Wala nireregla lang." naiinis kong paliwanag saka ko siya sinungitan.

Wala naman talaga akong period, pero baka malapit na ako magkaroon kasi medyo iritable na ako.

"Hey." nang aalis na ako ay hinawakan niya ang braso ko at tumingin sa akin.

"Oh?" nag cross arms na ako.

"Bakit nga? May problem ba? Did i do something?" nasa mata na niya ang kaba at pakiramdam ko anytime ay ihihele na niya ako sa malambing niyang boses.

Sige na nga suko na ako, paano ko ba naman kasi hindi siya iisipin eh ganyan siya umakto sa akin bukod sa pogi siya.

Kahit sino siguro mababaliw.

Huminga ako ng malalim saka ko hinampas ng mahina ang braso niya pero parang ako lang ang nasaktan kasi matigas.

IF WE'RE ONLY SCHOOLMATESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon