5 Letters

15 3 0
                                    

Her POV:

"Swerte mo 'no?" napalingon naman agad siya sa sinabi ko, nagtataka.

"Swerte mo dahil ang dami nagkakagusto sayo" Nasa rooftop kami ngayon ng school, dito kami nagla-lunch.

"Bakit? Sayo rin naman ah"

"Ha? Sakin? Imposible"

"Meron yan, ayaw lang umamin"

"Sinong aamin sa ganitong kapangit na estudyante? Excuse me ha!" natatawa nalang siya.

"Atsaka simula elementary pa naman wala nang nagkaka-crush sakin" mas lalo lang siyang natawa kaya nainis ako. Mas lalo ko tuloy winagayway ang paa ko sa ere.

"Hoy, mag-ingat ka nga pag nahulog ka r'yan!" suway nya.

"Edi mahulog!"

"Pero seryoso, meron ngang nagkakagusto sayo. Ang dami dami dyan."

"Asan? Magbigay ka ng pangalan!" taas kilay kong sabi.

"Yan mga yan" turo nya sa mga naglalakad na estudyante. Imposible naman.

"Asaan?"

"Sikat na sikat kaya yon, dami raw naglalagay ng 'love letter' sa locker mo" may pa-gesture pa sya.

"Eh bat di ko nakikita?"

"Eh may nagtatapon daw na isang estudyante eh" sabay tingin nga sa locker room. Ang creepy naman non. Lalagyan ko na talaga ng susi yon- ay teka paano sila makakapaglagay ng love letter kung naka lock?

"Lagi nya raw ginagawa yon, araw-araw."

"Eh? Nakakainis naman. Minsan na nga lang may magkagusto sakin pagkakaitan pa 'ko." reklamo ko bigla. Natatawa na naman sya.

His POV:

Reklamo nang reklamo itong katabi ko, kala mo may sama ng loob sa lahat ng tao.

"Meron yan, ayaw lang umamin" natotorpe kasi. Dami daming lalaking natotorpe sayo.

"Sinong aamin sa ganitong kapangit?"

Ha?! Yan pangit? Paano pa kaya mga higad na babaeng dikit nang dikit sakin? Pero naaawa ako sa kanya, simula elementary di niya naranasang may nagkakagusto sa kanya. Sa tingin ko imposible, meron yan natotorpe nga lang.

"Hoy mag-ingat ka nga pag nahulog ka r'yan" sasabay ako tamo ka.

"Pero seryoso, meron ngang nagkakagusto sayo. Ang dami dami dyan." totoo naman.

"Asaan?" taka nyang tanong habang tinuturo ko mga estudyante sa baba. Talaga naman, isa na ron ang lawn tennis player na tinuturo ko.

"Sikat na sikat kaya yon, dami raw naglalagay ng 'love letter' sa locker mo"

"Eh bat di ko nakikita?" may nagtatapon eh. Alam na alam kaya ng lahat yon. Nagbanta lang ang tao na yon na wag sabihin, palibhasa president ng student council.

"Eh? Nakakainis naman. Minsan nalang--" di ko na sya
pinansin.

"Hoy tara na, magttime na malalate na tayo"

"Kakainis naman talaga kala mo pagmamay ari ako. Ano yon? Sa kanya lang ako? Ha! Asa, mas lalo ko syang di magugustuhan! Napaka-selfish--" tinakpan ko na agad ang bibig nya.

"Unang una, oo di kita pagmamay ari. Pangalawa, oo pa rin dahil sakin ka lang. Pangatlo, kung di mo ko magugustuhan gagawan ko ng paraan. Pangapat, selfish na kung selfish. At panglima, ako yung nagtatapon ng mga sulat kasi naiinis ako. Okay na? Tara na malalate na tayo." sabi ko sabay hila sa kanya. Habang siya ay nakatulala lang at 'di alam ang sasabihin.

Crush na crush kita. Manhid ka nga lang.

Whispers of the HeartWhere stories live. Discover now