Her POV:
"Ano ba yarn?" reklamo ko sa katabi ko.
"Ano?" iritado niyang tanong. Napasungit mo naman po.
"Ang pangit teh, mas maganda 'to oh." sabi ko sabay turo saking ginagawa. Naggagawa kami ng puppet, bored kasi kami. Kagagaling lang din namin ng trabaho.
"Hindi teh, mas maganda akin" may pa-accent pa ang gago. Natawa ako sa kanya.
"Tara na tulog, inaantok na 'ko" ngumuso ako sa kanya.
"Okay, babe" sabi niya sabay pisil saking pisngi. Gigil ka? Iisa lang din higaan namin.
•••
Kagagaling lang namin ng trabaho, parehas pagod at walang ganang magluto.
"Grab nalang tayo" inaantok niyang sabi.
"Okay, ano want mo?"
"Yung dati pa rin, wala namang nagbabago" sabi niya tas bigla niya kong ninakawan ng halik. Gago 'to ah.
"Ah, so wala paring nagbabago yung ex mo pa rin ang gusto mo, ganon?" nakataas ang kilay ko habang nagtatanong.
"Hahaha, sino ba first girlfriend ko?" pinanliitan niya ko ng mata. Uh- Ako.
"Grab na, dali" pagiiba niya ng usapan habang nakangisi.
"Makautos ah"
"Ay sige wag na" tinarayan ko nalang sya.
•••
Nasa kwarto kami ngayon, nanonood lang kami ng Netflix.
"Babe paabot" inabot niya sakin yung vcut pero pa-paa, lakas ng trip mo ah.
"Kainis ka" tumawa lang siya at nagpatuloy sa panonood. Nasa part na may intense. Biglang uminit ang paligid kahit may aircon. Tanginames.
"U-uh--"
"Shut up" putol niya sakin. Tiningnan nya lang ako nang malalim, nagulat pa 'ko ng sugurin nya ko ng halik.
"Tanginamo" minura ko siya pagkatapos niya kong nakawan ng halik.
"I" hinalikan niya ko sa noo.
"Love" sa baba naman.
"You" at sa labi. Tumingin ako sa kaniya nang mapungay pungay ang mga mata.
"I love you more." dinala niya ko sa balcony. Sumayaw kami at tumawa roon. Naulan na rin kaya nabasa kami, langya kasi nito.
"I love you, more than anything." nanggigigil niyang saad.
"Paano pag nagsawa ka sakin?" nasa kama na kami ngayon, sarado mga bintana, patay na ang tv, nakaaircon at nakatitig lang sa isa't isa.
"Kailan pa 'ko nagsawa sayo? Sa walong taong magkaibigan, sa sampung taong magkasama sa iisang bubong, kailan ako nanawa sayo?"
"What if nga diba. Dami mong sinabi."
"Di nako hahanap ng bago"
"Bakit?"
"Ang hirap"
"Mahirap because?" natawa siya sa boses ko.
"Mahirap kasi parang cycle lang yan, sisimulan ko ng una. Syempre dapat kilala muna namin isa't isa, sasabihin ko mga problema ko, sasabihin ko ang break up natin, uungkatin ko ang nakaraan, ibabalik ko ang mga problemang dapat kinakalimutan na, tapos ganon lang uli ang mangyayari? Iiwan ko sya o iiwan nya ko? Wag nalang."
"Malay mo sya na talaga?"
"Bakit? Malay mo rin ikaw na? Atsaka ano ba yan? Sabihin mo lang kung nawawalan ka na ng interes sakin."
"Tanga, 'di naman sa ganon. Mahal kaya kita. Yieee" natawa siya sakin.
"Atsaka paano kita ipagpapalit? 'Di ka rare." sinamaan ko siya ng tingin. 'Di pala ako rare ha?!
"Hahaha, legend ka kasi. Pinaka mataas yon, diba? Sa sobrang legend mo, dami nang nagkakagusto sayo." tumawa lang siya habang dinedepensahan ang sarili, hinahampas ko kasi siya.
"Pero seryoso, sa ganiyang kabait na tao? Sa ganiyang ka-understanding na tao, ipagpapalit ko? Tanga ba ko?"
"Oo tanga ka" nagulat sya sa sinabi ko. "Nakita ko cellphone mo, may nagnotif sino si Amber?" naluluha kong sabi.
"Pft-" nakakatawa?! Sinamaan ko lalo siya ng tingin.
"Ang bebe ko, nagseselos" ngumuso pa siya at pinisil ang pisngi ko.
"Sino nga yon?! Sinabihan ka pa ng 'love na love kita, baby ko'! Kaiyamot!"
"Pinsan ko lang yun, tangek haha" ay- malay ko ba. Hinampas ko siya ng unan habang tawang tawa siya.
"Tara na matulog" Niyakap niya ko ng mahigpit. Antok na antok na rin ako. Atsaka kung sino ka mang pinsan ka, sorry.
His POV:
Kagagaling lang namin ng park, nag-chill chill lang ganon. At pagkauwi namin ng mga 7 ay bigla nalang umulan. Hinila kaagad ako ni Elsher sa labas.
"Tara na" sabi niya habang natawa, nahahawa talaga ako sa tawa niya.
"Ganda mo"
"Tangina mo"
"Hey" ngumuso ako sa kaniya. Natawa lang siya at inilagay ang kamay niya saking leeg, nilagay ko rin ang kamay ko sa bewang niya.
Kasabay ng mga pagpatak ng ulan, isinayaw namin ang isa't isa.
"Sana ganito tayo araw-araw" saad niya.
"Sana may ulan araw-araw 'no?" pangaasar ko sa kaniya. Hinampas niya ko at bigla siyang tumakbo.
"Habulin mo 'ko" bigla niyang sabi. Pag nadapa ka tatawanan lang kita tamo. Nahabol ko kaagad siya sa bagal niyang tumakbo.
"Hey, ano ba HAHAHA" bigla ko syang binuhat at hinalikan sa leeg.
"Sige teh, kainin mo leeg ko" sabi niya nang natatawa.
"Mahal na mahal kita, sobra" titig ko sa kanya. Anong gayuma ba ang nilagay mo sakin at adik na adik ako sayo? Tanga nalang ang magpapalit sayo.
"Mahal na mahal kitaa"
"Paulit-ulit?" natatawa niyang sabi. Oo, 'di kakasawa.
"I love you more, my Vixten" she said. You're so perfect, mi amor. I love you in every languages.
YOU ARE READING
Whispers of the Heart
RandomDifferent short stories. Different plots. Different characters. Same thoughts. Author- A woman with many goals in life, an open mind, and an overall feeling of exhaustion who finds comfort in creating short stories to express her thoughts. Compil...