Something's wrong. Something's coming. Something's-
"Boom!"
"Ay palaka kokak! Ano ba?!" Nagitla ako kay Hans. Bigla bigla nalang nasulpot eh.
"Nood ka kasi ng nood diyan" Natatawa siya habang sinasabi yon.
"Pakielam mo?"
"Taray ah hahaha" Katawa ron? Bigla niya 'kong binuhat at inikot ikot. Tawang tawa si tanga.
"Sayaw tayo?" Aya niya. Tumango lang ako nang nakangiti.
"Ang ganda mo naman po, may boyfriend na po ba kayo?" Biro niya.
"Ay kuya, taken na po ako eh." Sumama ang itsura nya. Natawa ako sa kaniya at babawiin na sana ang sinabi ng bigla nkya kong sinandal sa puntuan. Nasa kwarto ko sya, akyat bahay yan eh.
"So, sino po bf nyo? Di niyo naman po ako kilala" Taas kilay niyang tanong.
"De joke lang po, single pa po ako" Lalo siyang nagalit.
"So, ano ako sayo?" Wtf?
"Ano ba? Gulo mo kausap, sabi mo kanina 'di pa tayo magkakilala." Umalis ako sa bisig niya. Tumawa lang siya at tumabi sakin sa higaan.
"Ganda ganda naman ng bebe na yan." Pisil niya saking pisngi.
"Tigil tigilan mo 'ko, makakaramdam ka ng-"
"Ng ano?" Lalo pa siyang lumapit sakin, inches nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"Ng----"
"Gusto ko ron" Turo ko kay Hans sa dagat. Palubog na kasi ang araw, ang ganda.
"Dito nalang tayo, wag na muna tayong lumayo." Tumango nalang ako. Maganda rin naman dito may mga pink na puno. Tas sa likurang bahagi, may bundok.
"I love you. You're the best!" Sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko.
"Galing naman ng volleyball player ko. Ace na ace ah, pati puso ko na-ace na" Biniro pa 'ko, luko.
"At least pogi yung painterist ko" Pisil ko sa pisngi niya, ang cute sarap kagatin.
"Turuan kita, soon. Ano ba gusto mo ipaint?" Tanong sakin ni Hans.
"Mmm, want ko yung ito." Turo ko sa kapaligiran. Tumango tango lang siya.
"Nak, kain na." Ay puta. Nagulat ako sa katok ni nanay.
Playing Fairytale by Alexander Rybak
"I'm in love with a fairytale. Even though it hurts.
'Cause I don't care if I lose my minds. I'm already cursed.""Check-up mo na mamaya, Yana" pagdudugtong nya.
Namalayan ko nalang yung sarili kong nakangiti magisa. Nagpapaint din, dalawang taong nasa swing. Yung babae nakatingin sa dagat, yung lalaki nakatingin sa babae. Ang harapan nila ay dagat na may palubog na araw. Sa likuran ay may punong pink ang dahon. May nakaukit pa ron na "Y+H". Tas sa likuran nila ay may magandang bundok.
YOU ARE READING
Whispers of the Heart
RandomDifferent short stories. Different plots. Different characters. Same thoughts. Author- A woman with many goals in life, an open mind, and an overall feeling of exhaustion who finds comfort in creating short stories to express her thoughts. Compil...