His POV:
Pumunta kaming mall para makapamasyal naman. After namin mabili ang mga kailangan namin, binili namin ang ibang gusto pa naming bilhin. Minsan libre ko, minsan libre nya. Ayaw niya magpatinag eh, gusto niya rin daw manlibre.
"Mountain oh!" turo niya. Parang bata talaga. My only baby.
"Anong mountain?" natatawa kong tanong, halatang natatawa rin siya sa sinabi niya.
"Ang ganda shuta, kawawa janitor dito." natawa ako sa sinabi nya.
"Hayaan mo na, di naman ikaw ang maglilinis." natawa rin sya.
"Ohhh, ang astig!" umiilaw kasi ng iba't ibang kulay habang nagiiba ang position ng tubig. Bigla nalang tumigil ang pagagos ng tubig at biglang tumalsik ng diretso ang tubig sa gitna.
Bigla kaming nagkatinginan, alam ko na ang nasa isip nito.
"HAHAHA napaka-green minded mo!" sabay hampas niya sakin.
"Ako pa? Ikaw dyan eh." pasimuno talaga siya ng ganyang kagaruhan since high school pa kami.
"Anong ako? Ikaw kaya." depensa niya sa sarili niya.
"Oh sige, green minded tayong dalawa." sabay dais ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Bigla nalang siya nakiliti at tumakbo palayo. Nak ng- iniwan sakin ang mga pinamili. Iniwan ko muna saglit doon yon at hinabol siya.
"Hoy yung pinamili natin- Ah HAHAHA" sabi nya sabay tili, bigla ko nalang kasi siyang kiniliti, napaka-ligalig. Malakas talaga ang kiliti nito dati pa. Tipong hindi pa nalapat ang daliri mo sa leeg niya ay iilag agad siya.
Bumalik naman kaagad kami sa pwesto namin kanina at pinanood ang fountain. Pahapon na rin kaya uuwi na kami maya maya.
"Ang ganda no?" sabi niya sabay turo roon sa fountain nang magka-dolphin shape yon.
Her POV:
"Super" sabay hawi niya sa hibla ng buhok ko. Ano ba yan! Nasa public tayo ha.
"Bat ka nagbblush? HAHAHA" asar na naman niya. Talaga naman oh, kailan kaya 'to seseryoso?!
"Kapal mo, tara na nga. Nagugutom na 'ko baka di 'ko na matiis at makain ko na rito ang mga pinamili natin." magmo-movie marathon kasi kami sa apartment kaya dinamihan na namin ang pagkaing binili.
"Pwede naman, ako nalang kainin mo mamaya." sabay kindat nya.
"Kapal mo!" hampas ko sa kanya sabay alis. Bigat bigat ng bitbit ko eh tapos babanat ka ng ganyan. Tumawa lang sya, yung ibang mga pinamili ay nasa kanya. Mostly, mga mabibigat.
Ikaw lang ang aking minahal, mahal, at mamahalin.
YOU ARE READING
Whispers of the Heart
RandomDifferent short stories. Different plots. Different characters. Same thoughts. Author- A woman with many goals in life, an open mind, and an overall feeling of exhaustion who finds comfort in creating short stories to express her thoughts. Compil...