Jeep

8 3 0
                                    

Her POV:

"Kasya pa trenta oh! Sakay na sakay na, para makaalis na oh!" sabi ni kuyang katulong ata ng driver. Fuck this shit talaga! Hindi ako maalam mag-jeep mag-isa! I didn't even know how to say "para po"!

"Kasya pa sabi trenta rito oh!! Aarangkada na!" What the fuck is trenta??

"Seryoso ka ba, kuya? Kasya pa talaga trenta diyan?" parang natatawang sabi nung lalaki. Oh shocks, ka-uniform ko. Ibig sabihin, ka-school mate ko 'to! Nice one, my angel! Hindi mo talaga ako pinapabayaan.

"Kasya pa nga! Pasok na! Malate pa kayo, bahala kayo." parang nang-guilt trip pa si kuya.

"Eto na, sasakay na. Tatampo ka agad." nagtawanan sila. Madami pala siyang kasama.

"Uy, parne dine! Dine tayo pumwesto." nagmamadaling sabi nung lalaki kanina.

"Oo na, ingay mo!" kinaltukan naman siya nung tropa niya. I think, lima sila? Kung 'di ako naduling, lima sila. Five ang nabilang ko eh.

"Tanungin mo na nga kasi!"
"Kulit mo par ah, pag ako nagtanong diyan"
"Tatanungin mo lang naman kasi, gar"
"Pre, pasapak ako. Naiinis ako sa katorpe-han mo eh."

Why are they so loud? Hindi ba nila alam kung paano manahimik?

"Tatanungin ko na, teka naman!" depensa ng lalaki. Parang pinagkakaisahan pa siya. I just scrolled down in my phone. Wala rin kasi akong load kaya hindi ako makapaglaro.

Pero wait, paano pala ako magpapara at magbabayad? I don't know how?! Hindi man lang ako tinuturo nila ate!

"Miss, ano raw name mo sabi nitong katabi ko." one of the guys asked me.

"Qrezel, why po?" I genuinely asked them.

"Ay wala ho, pinapatanong lang ni Phoenix, 'yang katabi niyo. Nahihiya kasi sayo e HAHAHA" uh? okay?

"Uy, 'di ah!" he exclaimed.

"Sus, wag na tumanggi, par." nagtawanan ang mga kaibigan niya habang siya ay nakasimangot. He's familiar to me. SSG ata siya.

His POV:

Pagkatapos akong lokohin ng mga tropa ko ay pinatahimik ko sila. Baka kasi maging uncomfy crush ko.

I saw her scrolling down in her facebook. Hindi ko naman sinasadyang tingnan din kung sino yung nagchat sa kaniya.

"Pfft-" napalingon tuloy si Qrezel sakin.

Shit! Nakita ba ako na nakatingin sa phone niya? Wag naman sana, ayoko pa matapos ang lovelife ko here!

"Nakabayad na ba kayo?" tinanong ko ang mga tropa ko. Malapit na rin kasi kami sa school.

"Oo, kanina pa. Busy ka kasi tumitig kay ano, tunaw na yan mamaya." nagtawanan pa ang mga tanga.

Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Hi, nakabayad ka na ba?" I asked her.

"Ah, hindi pa." mukha pa siyang nahihiyang magsabi.

"Libre na kita." saka ako nagbayad. "Bayad po, dalawang estudyante."

"Thank you?" nagtataka pa siyang nagpasalamat.

"Welcome" basta ikaw.

"Pucha, nanglilibre ka pala?"
"Sana pala hindi muna tayo nagbayad, ano?" nagtawanan pa sila.

Bahala kayo diyan. Hindi kasi maalam magbayad crush ko. Hindi rin maalam pumara. Cute.

Ako na ang pumara para sa amin. Akmang tatayo na sana ang mga ugok ay pinigilan ko sila. Nagtataka naman silang bumaling sakin.

"Una ka na." I smiled to her.

"Thanks" bumaba na siya at sumunod na ako. Hinawakan ko pa ang ulo niya para hindi mauntog.

"Gentleman ni gago" dinig na dinig ko naman ang mga gago sa likod.

"Ay Qrezel 'di ba? Ano pala strand mo?" tanong pa ng mga ugok.

"STEM, kayo ba?" fuck. Ang cute niya magsalita. Ang mangmang, parang 2 years old lang.

"ABM kami, sinisilayan ka nga lagi ni Phoenix sa room niyo" kaagad ko naman silang binatukan. Sulsulan pa sila.

"Alam mo ba, Ate? Bagay na bagay daw ang STEM at ABM."
"Ay oo par, may pinabasa sakin girlfriend ko, yung 'Hold You Endlessly' ata yon?"
"Tanga, anong Hold You Endlessly? May ganon ba?"
"Mukha ba niyang matatandaan yon? Birthday nga natin hindi niya matandaan eh"

Ang lala na pala nila. Pang-mental na talaga isip.

"Wag mo na sila pansinin, ingat ka." Binaling ko ang atensyon ko kay Qrezel na nagtataka sa pinaguusap ng mga tropa ko.

"Ahh okay, see you around the campus, Phoenix." She said. "Thank you ulit." tangina. She smiled at me. She fucking smiled.

Everyday nalang pala ako magco-commute.

•••

Feel ko, Phoerel ang name ng magiging anak nila.

Whispers of the HeartWhere stories live. Discover now