Tahimik akong nakaupo sa isang upuan habang pinapanood ang mga taong nagsasayaw sa isang festival. Taon-taon ay ginaganap nang mga tao sa Riverside Valley ang isang fest na kung tawagin ay Dancing Festival. Nakasuot nang makukulay na damit ang mga babae't lalaki habang sumasayaw at merong masayang tugtugin. Nakakaaliw silang panoorin hindi sila magkakakilala pero kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata.
Gusto ko ding maranasan ang ganitong kasiyahan. Pitong taon palang ako at nasisiguro kong mararanasan ko din iyon pagtanda ko at syempre kasama ang mga magulang ko at si Ayla.
" Gusto mo bang makisayaw sa kanila Samira? " tanong ni mama habang pinapatas ang mga prutas. Tumango ako bilang sagot at saka muling ibinalik sa mga nagsasayaw ang paningin.
" Samira! " pareho kaming napalingon ni mama at nakita namin si Christine nakasuot siya nang magandang blusa habang tumatakbo papalapit sa amin.
" Christine may kailangan ka ba. Sasali kaba sa ka--" napatigil ako sa pagsasalita nang iabot niya ang isang bag sa kamay ko. Nagkatinginan kami ni mama at sinilip ang laman nang bay na kanyang ibinigay.
Pareho kaming nagulat ni mama nang makita ang isang pulang blusa meron itong disenyong bulaklak. Anak nang may-aring patahian si Christine Sandiego kaya naman lahat ng kanyang mga isinusuot ay mismong gawa nang kanyang Ina.
WALANG pagsilhan ang saya naminf dalawa ni Christine habang nakikisayaw sa mga tao. Magkaibigan ang mga magulang namin ni Christine at ganon din kaming dalawa simula pagsilang namin ay nakatakda na kaming maging magkaibigan. Napatingin ako sa mga magulang ko at nakita ko na masaya sila habang nakatingin sa aming dalawa ni Christine kaya naman kumaway ako. Buhat-buhat ni mama ang pitong-buwang gulang na si Ayla.
Napakasimple nang pamumuhay namin dito sa Riverside Valley pero kahit ganon ay masaya kaming namumuhay dito. Hindi matutmbasan nang kahit anong halaga ang saya..nang matapos ang sayawan ay meron namang mga nagtitinda nang mga pagkain sa gilid. Meron ding mga nagtitinda nang ibat-ibang klase nang palamuti at iyon ang pinuntahan namin ni Christine.
" Subukan natin itong kwintas. Sa palagay ko ay babagay sa ating dalawa ang mga palamuti! " kaagad naming sinubukan ang ibat-ibang klase nang mga kwintas.
" Mga Ija bakit hindi nyo subukan ang porcelain na ito. Alam nyo na may magandang kwento sa likod nang porcelain na ito. " nakangiting wika nang isang tindera nagkatinginan naman kaming dalawa ni Christine.
" Talaga po pwede po bang kwentuhan nyo kami. " interesadong sagot naman ni Christine.
" Ang porcelain na ito ay hinulma nang dalawang magkaibigan noong taong 1579. Paniniwala nila na ang porcelain ay hango sa salitang 'pagkakaibigan' kaya naman ginawa nila ang porcelain na ito para tumibay ang samahan nila bilang magkaibigan. Maraming mga magkakaibigan ang bumibili nang ganitong kwintas dahil gusto nilang tumagal ang kanilang pagkakaibigan. Nagustuhan nyo ba? " sabay kaming tumango ni Christine.
Pinili namin ang puting porcelain na kwintas at merong kakaibang disenyo sa loob nun. Sabay naming isinuot iyon at saka binayaran ang tindera, masaya kaming naglalakad sa kaparangan.
" Sana nga totoo ang sinabi nang tindera tungkol sa kwintas na ito. Kasi gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda natin." ngumiti ako sa kanya.
" Walang makakapaghiwalay sa ating dalawa Christi--" napatigil ako sa pagsasalita nang makita namin ang kumpulan ng mga tao sa isang ilog.
" Grabe nakapa-brutal naman ang nangyare sa kanya. " lumapit kami dun at nakisiksik sa mga taong nakapalibot dun.
Halos masuka kami nang makita ang kung anong meron. Isang tao ang nakahandusay at wala na siyang ulo at halos buto nalang din ang nakikita sa kanya. Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin ngayon.
" UMALIS NA KAYO DITO NANDITO NA SILA!!!! " napatingin kaming lahat sa sumigaw at nakita naman namin ang isang lalaki na tumatakbo sa direkyon namin at duguan ang buong katawan. " N-NANDITO NA SILA ANG MGA HALIMAW! "
END OF PROLOUGE
YOU ARE READING
Flames Of Mist
FantasyWelcome to hell! As the seventh human to ever arrive here, You are now an official member of the SEVEN DEADLY GROUPS.