Tahimik kaming naglalakad ni Vanessa nasa likuran lamang niya ako. Wala akong ideya kung saan kamu pupunta, nasa kagubatan kami at malayo na sa Half-Blood Village. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang gate na gawa sa kahoy, binuksan niya iyon ay pumasok kami sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong nageensayo pare-pareho silang may hawak na katana na gawa sa kahoy. Maraming mga ibat-ibang halaman sa kapaligiran at meron ding maliit na pavilion at sa tabihan nun ay ang maliit na fish ponds.
" Good morning Captain." bungad sa amin nang isang lalaki ng tumingin ako kay Vanessa ay dari-daritso siyang naupo sa loob ng pavilion. Inabutan siya ng lalaki ng wine na nasa highball glass.
" Welcome to my training ground. I trained all this people's and you..will be my student." gulat akong napatingin sa kanya muli akong luminga sa paligid at ang lahat ng mga taong nageensayo ay napaka determinado.
" I'm Melo George. I'm captain's brother and personal assistant. I'll show you're room.. " nang tumingin ako kay Vanessa ay nakatitig na siya sa mga nageensayo.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Melo may isang gate na gawa din sa kahoy pumasok kami dun at nakita ko ang isang facility home.
" Dito tumutuloy ang mga estudyante ni Captain at dahil bago ka niyang estudyante ay kailangan mong dumaan sa pageensayo. This room is available." pumasok ako sa bakanteng kwarto.
Merong kama, dalawang bintana at maliit na lamesa sa tabihan nang kama meron ding lampshade. May mini kitchen sa loob nun at kumpleto sa kagamitan, nasa loob din ang banyo at kumpleto sa toiletries. Kung titingnan ay maliit lamang pero pinalawak naman ang loob.
" Bukas magsisimula ang training mo merong mga damit na dapat mong suotin habang nandito ka sa loob ng training ground." pagkasabi niya nun ay umalis na siya ng walang paalam, pumasok ako sa kwarto at nahiga sa malambot na kama.
Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog nang bell na nanggaling sa labas ng facility. Kaagad akong tumayo at sumilip sa labas ng kwarto..mabilis ang kilos ng mga tao ang mga lalaki ay nagbibihis habang naglalakad palabas ng facility. Nang makarating sa lugar kung gaganapin ang pageensayo ay nakita kong nakatayo sa harapan si Vanessa at sa tabihan naman niya ay si Melo.
YOU ARE READING
Flames Of Mist
FantasyWelcome to hell! As the seventh human to ever arrive here, You are now an official member of the SEVEN DEADLY GROUPS.