Isang buwan na ang nakalipas at maayos naman ang training ko, unti-unti na akong nasasanay na makibagay sa mga taong nakakasama ko. Tahimik akong naglalakad sa kakahuyan makulimlim ang kalangitan ibig sabihin lang na maaring umulan buong gabi. Mula sa kalayuan ay may narinig akong nagtatawanan dali-dali akong tumakbo papunta at nang makarating ako dun ay wala ni'isang tao akong nakita. Bumalik sa pagiging tahimik ang paligid at tanging hampas lang ng alon ang naririnig ko.
" Bakit biglang nawala? " hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili napagpasyahan kong bumalik na sa training ground. Hindi pa man ako nakakarating sa training ground ay muli ko na namang narinig ang tawanan pero sa pagkakataong ito ay mas malapit na iyon.
Parang umiikot ang buong paligid at nagkukulay pula ang nakikita ko, sinubukan kong pumikit pero ganon parin. Dahan-dahan akong napaluhod sa damuhan kasabay nun ay ang pagkasakit ng balikat ko, nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan na pare-parehong may mga hawak na espada marami ding nagkalat na bangkay sa paligid at may mga umaagos na dugo sa lupa.
" AHHH!!!!! " malakas kong sigaw nang mas nararamdaman kong parang may kung anong kumakalat sa buong katawan ko. Napahiga ako sa damuhan habang namimilipit sa sakit hanggang sa unti-unting nanlabo ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sunod na nangyare.
Nagising ako ng maramdaman kong may malamig na bagay ang dumadampi sa katawan ko. Napatingin ako sa nakatalikod na babae at sa harapan niya ang mga puting bimpo at maliit na palanggana at saka ang mga halamang gamot.
" Mabuti naman at gising kana. Nakita ko ni captain Vanessa sa kakahuyan na walang malay kaya dinala ka kaagad niya sa bahay ko.." nakangiting sabi ng babae at saka pinunasan ng basang bimpo ang braso ko.
" A-Anong nangyare." tanong ko sa kanya saglit siyang tumalikod lara muling basain at bimpo at saka humarap sa akin.
" Wala akong nakikitang sakit sayo pero nakakapagtaka lang dahil ng nakita kita kanina ay sobrang putla ng katawan mo, meron ka bang nakalaban sa kakahuyan? " intetrsado niyang tanong sa akin pero sunod-sunod naman akong umiling.
" Hindi ko din maintindihan pero may naririnig akong nagtatawanan pero wala naman akong nakikita. Tapos bigla ko nalang nakita sa balintataw ko ang mga kalalakihan na may hawak na espada at sa paligid ay maraming nagkalat na bankay..hindi lang iisa kundi marami!!! " pasigaw kong paliwanag sa kanya napatitig naman siya sa akin.
" Totoo ba iyang sinasabi mo? Anong nakita mo sa paligid.. " tanong niya sa akin napapikit naman ako at inalala ang mga nakita ko.
" Merong malaking arko at may disenyong bulakla---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang tumakbo palabas ng bahay ang babae.
HERA POV
" Sinabi niya sa akin na nakita niya ang isang arko na may disenyong bulaklak. Possible bang sa Flower Village ang nakita niya? " napabuntong hininga si captain Vanessa at saka may kinuhang maliit na papel sa kanyang kabinet.
" Ihatid mo ang balita sa HeritageVille kailangan nilang malaman ang maaring mangyare sa Flower Village. Ipatawag ang lahat ng ninjas!!! " tumango na ako at saka mabilis na umalis sa training ground.
YOU ARE READING
Flames Of Mist
FantasyWelcome to hell! As the seventh human to ever arrive here, You are now an official member of the SEVEN DEADLY GROUPS.