CHAPTER FOUR

1 0 0
                                    

Nakatingin lang sa amin si Captain Vanessa ng lumingon ako sa mga kasamahan ko ay nakita ko na pare-pareho silang may kawak na katana na gawa sa kahoy. Nakikipag sparing sila sa kanilang mga kasama kinuha ko ang natitirang katana at saka pinakatitigan iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-training...gusto ko lang naman malaman kung nasasaan ang mga magulang ko.











Kahit ilang araw na akong namamalagi dito ay hindi ko parin alam kung paano pakikisamahan ang mga taong nandito. Napahawak ako sa balikat ko nang maramdaman kong sumakit iyon, hindi ko parin alam kung saan ko nakuha ang sugat na nasa balikat ko.











" Mukhang malalim ang iniisip mo kaya't hindi ka makasabay sa mga kasamahan mo." nagulat ako ng magsalita si Captain Vanessa sa likuran ko.











" Hindi ko mainditihan ang nangyayare. Nagising nalang ako na nandito na sa hindi pamilyar na lugar..at bakit kailangan kong mag-training?  " napabuntong hininga si Captain at saka sinenysan ako na sumunod sa kanya. Naupo kami sa isang upuan na gawa sa marmon.












" Ang mga taong nakikita mo ngayon lahat sila ay gustong makapasok para maging ninja. Lahat sila ay may dahilan kung kaya't kumuha sila ng exam para makapasok." paliwanag ni captain Vanessa. " Bago ako maging captain ng Half-Blood Village ay marami din akong pinagdaan. Si master Leandro siya ang dahilan kung kaya't nabubuhay pa ako ngayon. Kagaya mo takot din akong pakisamahan ang mga taong naririto at nakikita ko."











" Marami akong gustong malaman. Gusto kong malaman kung nasaan ang mga magulang ko..hindi ko maalala ang nakaraan ko ang natatandaan ko lang ay nung gabing nagiba ang kilos ng mga magulang ko at..at si Christine at Ay...la." gulat akong napatingin kay captain Vanessa.










" Nung gabing matagpuan ka namin sa bahay ng mga magulang mo ay nagiisa ka lamang. Wala kaming nakita na kasama mo, pero.. " saglit siyang may kinuha sa likuran niya at iniiabot sa akin ang isang pamilyar na bagay.










" Porcelain necklace..." napaluha ako habang isinusuot ang kwintas na alaala ko kay Christine.











" Come with me. " tumango ako sa kanya at sumunod kung saan kami  iyon ang hindi ko alam. May isang lalaki na nakasuot ng leather jacket at pants pinagbuksan niya kami ng pintuan at pumasok na kami sa loob.











Sobrang dilim at maya-maya pa ay nagulat ako ng ikumpas ni captain ang kanyang kamay sa ere at biglang sumindi ang mga lampara na nasa paligid.











" P-Paanong nagawa mo yun!? Huwag mong sabihin na d-diwata ka.." kinakabahan kong sabi sa kanya pero natawa lang siya at saka lumingon sa akin.  Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.











Ilang saglit pa ay tumigil siya sa paglalakad, napatingin ako sa dulo ng silid. Habang naglalakad kami ay nagkakaliwanag ang bawat tabihan nang marating namin ay nakita ko ang dalawang zabuton at napapaligiran iyon ng mga kandila naupo kaming dalawa ni captain.












" Hindi ganyan ang tamang pagupo sa zabuton Samira." biglang sabi ni captain tiningnan ko kung paano siya nakaupo. Naka indian-sit kaming dalawa.











"... Kontrolin mo ang kakayahan mo Samira. Mageensayo ka nang tatlong buwan at kapag nagawa mo ng kontrolin ang enerhiya na nasa katawan mo dun mo lang malalaman kung sino ka talaga.." napataas ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya pero kahit ganon ay ginawa ko parin.










Ipinikit ko ang aking mga mata, sobrang tahimik ng kapaligiran. Wala akong nararamdamang kakaiba, iminulat ko ang aking mga mata at nagulat ako dahil sobrang dilim nakapatay ang lahat ng lampara.











" C-Captain..andyan ka pa ba? " kinakabahan kong tanong pero walang sumagot sa akin tatayo sana ako ng may humawak sa kamay ko at bumulong.











" Huwag kang matakot sa dilim. Mag-focus ka lang wag mong hayaan na lamunin ng takot ang sarili mo, tanggapin mo ang presensya. " nabuntong hininga ako at saka bumalik sa pagkapikit.











Hindi ko alam kung gaano katagal kaming namamalagi sa madilim na silid na ito. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos hindi kalayuan...ramdam ko na may taong nakabantay sa amin naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Pero kagaya ng sinabi ni captain huwag kong hayaan na lamunin ako ng takot kaya naman nagfocus ako sa pagpikit.











" Tapos na ang unang araw nang training mo bumalik kana sa kwarto mo at magpahinga." iminulat ko ang mga mata ko dahil sa sinabi ni captain.











Maliwanag na ang buong silid dahil sa sikat nang araw na nanggagaling sa isang bintana. Tumakbo ako papalapit sa kanya at nawala na sa isipan ko ang mga naramdaman ko kanina. A

Flames Of MistWhere stories live. Discover now