Sa mga nakalipas na araw naging malimit ang pananakit nang balikat ko sa hindi ko maintindihang dahilan. Hinubad ko ang suot kong robe habang nakaharap sa wide length mirror kinapa ko ang balikat ko at sinubukang tingnan ang sugat na naroon.
" Ano ito? " naguguluhan kong tanong sa sarili ko habang nakatingin sa tatlong dots ang nasa balikat ko. Sinubukan kong buruhin iyon pero parang nakadikit na sa balat ko.
Inayos kona ang robe ko at saka nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at iniisip kung kamusta na si Ayla ang dami kong katanungan sa isipan ko. Tahimik na ang buong training ground tanging mga kulisap nalang ang maririnig, agad akong tumayo at saka nagpalit ng leather pants at white top shirt.
Lumabas ako nang facility at saka naglakad papunta sa training ground una kong napansin ang mga katana na maayos na nakapatas sa isang tabi. Kinuha ko ang isa nun at saka tumingin sa isang kahoy na nababalutan ng puting tela. Gaya nang ginagawa ng iba at sinubukan kong gamitin ang katana. Bawat hampas sa kahoy ay sumasabay ang ihip nang malamig na hangin. Maya-maya pa ay nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akib pero binalewala ko iyon at nagpatuloy sa pageensayo.
Kinabukasan maaga akong gumising para muling magensayo pero agad akong pinigilan ni Melo ng makita niya akong palabas ng facility.
" Samira gusto kang makausap ni captain Vanessa sa kanyang opisina. Naghihintay siya sayo." walang emosyon na sabi ni Melo at agad ding naglakad papalayo. Inayos ko ang pagkakalagay ng bandage sa kamay ko bago nagpunta sa opisina ni captain.
Nakarating ako sa opisina ni captain kumatok muna ako bago buksan ang pintuan na gawa sa bubog at may disensyong ibon. Bumungad sakin ang madilim na opisina hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana, napansin ko kaagad ang puti at mahaba niyang buhok at kahit madilim ay alam kong nakasuot siya ng pulang lace dress.
" Good morning captain." bati ko sa kanya bigla nalang bumukas ang lampara sa buong opisina.
" It's been a while since I saw you Samira. You looked more matured for the past two months." napangiti ako dahil sa sinabi ni captian. Naupo akp sa isang upuan. " Today you will start your mission." mission?
" Mission..? " hindi makapaniwalang sabi ko tumango naman siya at may kinuhang folder sa ilalim ng kanyang table at iniabot sa akin.
" That will be you're first mission and it'll will be dangerous but I know you can finish before this week end. Be ready tomorrow," pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang namatay ang mga lampara lumabas na ako ng opisina niya.
Bumalik na ako sa facility para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa unang misyon ko. Mula sa training ground ay nakita ko ang mga kasamahan ko na nageensayo maging si Solaine na busy din sa paghawak ng katana. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko, inilabas ko ang isang bag na nasa ilalim ng kama. Inilagay kong lahat ang mga dapat kong dadalhin at karamihan dun ay mga pagkain. Handa na akong lumabas ng kwarto ko pero nagtaka ako ng makita ang isang box sa pintuan ng kwarto.
" Ano naman ito? " pinulot ko iyon at saka binuksan halos mapugto ang hininga ko ng makita ang laman ng kahon. " K-Kunai..." luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang ibang tao.
Inilagay ko sa bag ko ang kahon at saka naglakad papalabas ng training ground. Hawak ko ang folder na ibinigay ni captain kanina lang at habang naglalakad ay binabasa ko iyon.
" First mission kill the dangerous boars in secret forest of Half-Blood Village." napanganga ako sa nabasa ko.
YOU ARE READING
Flames Of Mist
FantasyWelcome to hell! As the seventh human to ever arrive here, You are now an official member of the SEVEN DEADLY GROUPS.