CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

Tahimik ang buong kagubatan maging huni ng mga ibon ay hindi ko naririnig. Malapit ng magtakip-silim kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad hawak ko ang isang basket na puno ng mga halamang gamot. Saglit akong napatigil sa paglalakad ng makita ko ang paglubog ng araw napangiti ako habang pinagmamasdan ang magandang kulay ng kalangitan.





Laban-dalawang taon na ang nakalipas nung kumalat sa buong Riverside Valley ang pangyayare na pinaniniwalaan nila na mga halimaw ang may kagagawan. Karamirahan sa mga taong naninirahan sa Riverside Valley ay mas piniling umalis nalang at manirahan sa ibang lugar. Marami din sa mga establishment ang isinara dahil nalugi ang kanilang mga nesgosyo. Ang pamilya naman ni Christine ay naninirahan sa ibang bansa pero taon-taon ay umuuwe si Christine. Bumalik na ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay namin, sinalubong naman ako ni Ayla na 12-y/o.







" Ate buti at nakabalik kana.." lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ang kanyang buhok. " Ate katatapos ko lang ayusin ang buhok ko." nakanguso niyang sabi kaya naman napangiti ako.






" Nasaan sina mama at papa? " tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga halamang gamot na nasa loob ng basket.






" Ang sabi ni mama at pupunta sila sa Lake Valley para maghanap ng mabibilhan ng gulay." sagot sakin ni Ayla ng lumingon ako sa kanya ay nakita kong binabasa niya ang librong iniregalo sa kanya ni Christine.








Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at ng bumalik ako sa Salas ay dumaritso naman ako sa kusina para magluto ng hapunan.









" Ate sa tingin mo totoo yung sinasabi nilang mga halimaw ang pumatay sa pamilya ni Mang Tom? " napatigil akp sa ginagawa ko dahil sa tanong ni Ayla. Ang pamilya ni Mang Tom ang nagmamay-ari ng maliit na market sa syudad ilang buwan palang ang nakakalipas simula nung ipatayo nila ang market ay nakita nalang sila na mga wala ng buhay. Masyadong brutal ang naging pagkamatay ng kanilang pamilya.









" Walang nakakaalam kahit ang mga pulis ay hindi masabi kong ano at sino ang pumatay sa kanila." sagot ko naman at ipinagpatuloy ang ginagawa sa kusina.








11pm na pero hindi parin bumabalik sina mama at papa natutulog na si Ayla habang ako naman ay nakaupo sa sofa at hinihintay na bumalik sina mama. Sumilip ako sa bintana at napansin ko ang unti-unting pagpatak ng ulan kaya naman mas lalo akong nagalala. Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan pero parehong patay ang mga cellphone nila.









" Nasaan na ba kayo? " sumandal ako sa sofa at hindi ko napansin na nakatulog na ako. Naalimpungatan nalang ako ng makarinig ng malalakas na katok mula sa pintuan.









Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako ng makita sina mama at papa. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil dari-daritso silang pumasok at may kinuha mula sa ilalim ng lamesa.










" Mama anong nangyayare? 3am na bakit ngayon lang kayo nakauwe, saka pwede bang magbihis muna kayo." sabi ko sa kanila dahil basang-basa silang pareho sabay silang tumigil sa kanilang mga ginagawa kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok nang puso ko.









Nang lumingon sila sa akin ay napaatras ako dahil naging pula ang kanilang mga mata at may tumutulong dugo. Ang lakas ng dagundong ng dibdib ko sa sobrang kaba ibang-iba sila sa mga magulang ko na nakasama ko ng ilang taon.









" M-Mama a-an--" hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako sinugod ni papa at sinubukan akong kagatin pero pinilit kong silang ilayo sa akin.








Pilit ko silang itinutulak pero nanlalambot ang tuhod ko dahil sa takot at kaba. Nagbaksakan na din ang mga gamit sa lamesa mayamaya pa ay nakita kong lumabas ng kwarto si Ayla.










" Ate anong nangyayare? " inosenteng tanong ni Ayla habang nagpupunas ng mga mata.









"A-Ayla bummalik..ka sa kwarto mo! Huwag kang lalabas!!! " utos ko sa kanya at kahit naguguluhan ay tumango siya. Sinubukan siyang sundan ni mama kaya naman kaagad kong pinigilan siya habang hawak ang kanyang buhok.








".. Mama ano bang nangyayare! Please tumigil na kayo!.. " umiiyak kong sabi sa kanila pero wala lamang iyon sa kanila. Naramdaman ko ang kamay ni papa sa leeg ko mabuti nalang at naitulak ko sila saka ako umakyat pero nahawakan nila ang mga paa ko.








Pakiramdam ko ay katapusan ko na dahil unti-unting lumalapit sa akin si papa. Mayamaya pa ay may dumagasa sa may pintuan at gulat na nakatingin sa amin nakasuot siya ng jacket at may hawak na mga shopping bags.








" Tita! Tito anong ginaga--" napatigil siya ng lumingon sa kanya si papa at napaatras siya. " T-Tito..."










Itinulak ko si mama ng subukang kagatin ni papa si Christine kinuha ko ang vase na gaya sa porcelain at inihampas iyon sa ulo ni papa. Napahiga siya sa sahig lalapitan ko sana si Christine ng bigla nalang akong kagatin ni mama sa balikat kaya naman napaupo ako sa sahig at hinawakan ang balikat ko.









" Christine si Ayla ilayo mo dito bilis! Ako na ang bahala..dito! " nagpailing-iling si Christine sa akin habang umiiyak.









" N-No hindi kita iiwan.." humahagulgul niyang sabi pero tumingin ako sa kanya.








" Si.. Ayla please." nakikiusap kong sabi sa kanya tumakbo siya paakyat para puntahan si Ayla. Habang ako naman ay namimilipit sa sakit dahil sa kagat ni mama tumingin ako sa direksyon nila. Tumayo silang pareho na parang wala lang at dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin.









" Patayin.. Patayin "








Paulit-ulit nilang sinasabi ang katagang iyon tumingin ako sa itaas at hawak na ni Christine si Ayla. Pareho silang umiiyak habang nakatingin sa akin.











" Ate! " tatakbo sana siya sa akin ng pigilan siya ni Christine." Ate anong nangyayare b-bakit may sugat ka at sina papa.." naguguluhan niyang tanong napayuko nalang ako at saka napaluha.












" M-May maliit na pintuan sa likod ng bahay umalis na kayo dito! I-Ikaw na ang bahala sa kapatid ko.." Paulit-ulit na umiling si Christine habang umiiyak at ganon din si Ayla.












" Hindi ka namin iiwan umalis na tayo dito dadalhin kita sa hospital please Samira. " umiling ako sa kanya papalpit na sa akin sina at papa at mama siguro nga hanggang dito nalang ako.













" Umalis na kayo bilis!!!! " hinila na ni Christine si Ayla palabas ng bahay habang ako naman ay naiwan sa loob. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang mangyayare sa akin.












Nandilim ang buong paligid kasabay nang pagkawala ko ng malay. Siguro nga hanggang dito nalang ako ang masakit lang sariling magulang ko ang may kagagawan.










Authors Note..

End of Chapter One

Flames Of MistWhere stories live. Discover now