Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na dumadaplis sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko..una kong napansin na nasa isang kwarto ako na minsan ay hindi ko pa napupuntahan. Napahawak ako sa ulo ng maramdaman kong kumirot iyon at saka naupo, hindi ko alam kung nananaginip ako dahil nakikita ko ang sarili ko sa isang salamin. Nakasuot ako ng mahaba at puting damit napahawak naman ako sa buhok ko ng mapansin na mas humaba iyon at nagkaroon ng bangs. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko at nakita ko ang balikat ko na merong bandage.
Tumayo ako at saka naglakad papalabas nang kwarto nakita ko ang isang hallway na gawa sa kahoy at merong mga tulips sa bawat gilid. Sa bawat hakbang ko ay naririnig ko ang huni ng mga ibon at iba pang insekto. Marami akong nadaraanan na mga kwarto, napatigil ako ng makita ko ang grupo ng mga tao na nakaluhod sa lupa. Napangiti ako at saka naglakad pababa ng hagdanan nang malapit na ako sa kanila ay nanlaki ang kanilang mga mata at napasigaw.
" Ahhhh! Sadako!!!! " sabay-sabay nilang sigaw kaya napatingin ako sa kanila. " S-Sadako.." ano bang mga sinasabi nila.
" Mabuti naman at gising kana. Maligayang pagdating sa aming lugar. Ako si Leandro ang namumuno sa Half-Blood Village." Half-blood Village?
" Half-blood Village anong klaseng lugar ito at saka paano ako nakarating dito? Sa pagkakaalam ko ay nasa bahay namin ako at... " napabuntong hininga ako at saka napatitig sa lalaking kaharap ko.
" Tatlong taon kang nakatulog at hindi ako makapaniwalang madali mong naalala ang mga nangyare. " t-tatlong taon?
" Anong ibig sabihin tatlong taon akong natutulog a-anong nangyare sa mga magulang ko? " sunod-sunod kong tanong sa lalaki ngayon ko lang napansin na may puting tela na nakatakip sa kanyang mga mata.
" Sa pagkakatanda ko ay nagiisa ka lang nang makita ka sa inyong tahanan. Walang bakas na meron kang kasama. " sagot niya kaya naman mas lalo akong binalot ng pagtataka.
" I-Impossible..sigurado ako na nandun ang mga magulang ko. Basta ang alam ko ay dumating sila sa bahay namin na..na parang wala sa kanilang mga sarili. " pilit kong inaalala ang mga nangyare nung gabing iyon pero wala akong maalala.
".. Ni'hindi ko maalala ko kung paano akp nagkaroon nang sugat sa balikat ko.. " nanlulumo kong dagdag.
" Clara ihatid mo muna siya sa kanyang silid para makapag-pahinga. Kung may gusto kang malaman handa kong sagutin iyon." inalalayan ako ng isang babae paakyat sa hagdanan. Nang muli akong tumingin sa lalaki ay nakita ko ang pagiiba ng kulay ng kanyang mga mata hindi ko alam kung namamalikmata lang ako.
Nang sumapit ang gabi ay tahimik na ang buong paligid. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at saka sumilip sa bintana maliwanag ang buong paligid at nangagaling iyon sa bilog na buwan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at saka naglakad ako sa labas malamig na hangin ang bumungad sa akin ng nakalabas ako ng kwarto.
" Hindi ko alam kung nasasaan ako ngayon at marami sa mga nakaraan ko ang hindi ko maalala. Napaka misteryoso.." bumuntong hininga ako at saka naupo sa upuan na gawa sa kahoy.
" Masyado nang malalim ang gabi para magpahangin ka sa labas nang kwarto mo. " napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng pulang lace dress at ang puti niya buhok ay sumasabay sa hangin.
" Sino ka? " walang gana kong tanong sa kanya. Pinagmasdan ko ang paligid at mayamaya pa ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
" Ako nga pala si Vanessa George myembro ako ng Seven Deadly Groups." nakangiti niyang pakilala sa akin Seven Deadly Groups?
".. Alam kong marami kang gustong itanong pero mas mabuti magpagaling ka muna. Dahil mas madami kang pagdaraan na paghihirap..Samira.." dumako ang tingin niya sa balikat ko at nawala ang ngiting nasa labi niya kani-kanina lamang.
Pinanood ko siyang maglakad papalayo sa akin. Hinawakan ko ang balikat ko at saka naglakad pabalik sa kwarto ko, kung totoo man na marami akong pagdaraan na hirap kailangan kong paghandaan iyon.
YOU ARE READING
Flames Of Mist
FantasyWelcome to hell! As the seventh human to ever arrive here, You are now an official member of the SEVEN DEADLY GROUPS.