CHAPTER FIVE

5 0 0
                                    

Focus! Focus! Limang araw ko ng ginagawa ang training na ito. Wala akong naririnig sa paligid..pitong oras na akong nakapikit at wala na namang kakaiba sa paligid ko. Kanina ko pang naririnig ang tunog ng tiyan ko gutom na gutom na ako. Imulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang liwanag na tumatama sa pader.









" Kamusta na kaya si Ayla at Christine tatlong taon na akong namamalagi dito ng hindi ko manlang nalalaman. Sigurado naman ako na hindi pababayaan ni Christine si Ayla, sana makita kona sila." bulong ko sa hangin. Hindi ko maiwasang maging emosyonal kapag naaalala ko ang bonding naming pamilya.










Napahawak ako sa balikat ko at nagtaka ako dahil wala na akong maramdamang sakit. Inalis kona ang bandage at saka hinawakan ang balikat ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa zabuton at saka lumabas ng silid...nagunat ako ng katawan at nakita ko mga estudyante ni captain na porsigido na nagr-ensayo.









" Hi! " napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng medieval corset dress mahaba at tuwid ang itim niyang buhok.









" Hello.."










" I'm Solaine. Ilang araw ko nang napapansin na palagi kang pumapasok sa training area ni captain Vanessa? " training area?









" Nagt-training lang. I'm Samira Valencia.." pagpapakilala ko sa kanya inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sana pero nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.











" Mauna na ako. Good luck.. " ngumiti lang ako sa kanya at pinaood siyang maglakad papalayo sa akin. Napagpasyahan kong bumalik na sa facility pero agad akong napatigil ng makita sa kalayuan si captain Vanessa prente siyang nakatitig sa akin at walang emosyon ang mga mata.











Nakarinig ako ng mga sigawan sa facility kaya naman napatingin ako dun nakita ko ang ibang mga tao na tumatakbo. Nang lumingon ako sa kinatatayuan ni captain ay hindi ko na siya nakita sa direksyon na iyon..ganon kabilis siyang nakaalis?










Kaagad akong tumakbo papalapit sa facility lumapit ako kay Solaine ng makita kong nakaupo lang siya sa isang upuan. Nakatingin lang siya sa mga taong nagkakagulo.










" Solaine anong nangyayare? " taka kong tanong sa kanya lumingon siya sa akin ng nakangiti.










" Hindi ko rin alam siguro gusto lang niyang magsaya.." laglag-panga ako dahil sa sagot niya, as usual nakangiti siya. Weird niya, palagi din siyang nakangiti.










Tumakbo ako papasok sa facility halos hindi ko makita ang nasa loob dahil nababalutan iyon ng itim na usok. Nagkandaubo-ubo ako habang naglalakad papasok..bubuksan ko sana ang isang pintuan ng bigla nalang may humawak sa braso ko.











" Huwag na huwag kang basta papasok kung alam mong mapanganib iyon." napatigil ako ng marinig ang boses ni captain sa likuran ko at unti-unti na ding nawawala ang itim na usok.











" C-Captain..."











".. Bago ka gumawa nang hakbang siguraduhin mong walang ibang mapapahamak..." naguguluhan akong napatingin sa kanya ano bang ibig niyang sabihin?  " Tapos na ang training pwede na kayong magpahinga." tumango ang lahat ako naman ay nakatitig lang sa papalayong si captain.











Wala sa sariling naglakad ako pabalik sa facility. Naghahalo na ang liwanag at ang dilim...nang makarating sa kwarto ay pagod akong nahiga sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako siguro ay dahil sa training na ginawa ko buong araw.

Flames Of MistWhere stories live. Discover now