Year 2024
Sa isang komunidad, napaparoon ang isang tao na nagngangalang Emil. Siya ay may pangarap sa buhay at may mahal sa kanyang pamilya at kaibigan.
Tumunog ang alarm clock ni Emil at siya ay gumising. Kinuha nya ang kaniyang twalya at dumeretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos niya maligo, nagbihis sya ng kaniyang susuotin sa paaralan. Sumunod ay bumaba siya sa hapag kainan upang kumain ng almusal. Kumuha siya ng baso at nagtimpla ng kape, nagtoast ng tinatapay, at hinintay matapos ang kaniyang toast. Habang naghihintay, kinuha ni Emil ang kaniyang phone, binuksan ito, at nakita ang sandamakmak na notifications sa kanyang phone.
"Ano 'to, ba't ang dami?", tanong ni Emil.
Nang buksan ni Emil ang phone, binura niya lahat ng notification na nakita niya. Pagkatapos ay binuksan nya ang messages nya at nakita ang group chat ng mga kaibigan niya. Sobrang tuwa nila na panibagong semester nanaman ang kanilang lalakbayin para matupad ang mga pangarap nila. Ngumiti si Emil at natuwa sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan nya, magrereply sana si Emil ngunit bago siya makapagreply, biglang tumawag ang kaniyang matalik na kaibigan na si Carmie. Sinagot ni Emil ang phone at nagusap sila.
"Huy, ano ready ka na ba? OMG kinakabahan ako, lumipat kasi tayo ng section. Sana mababait ang mga taga section A", sagot ni Emil kay Carmie.
"Ano ka ba ang OA mo, bat naman sila hindi mabait, ang judger mo", tugon ni Carmie.
"Luh, sinasabi ko lang baka kasi di tayo belong? Luh si OA...HAHAHAHA", tugon naman ni Emil.
"Anyways hintayin kita sa kanto ng Saint Claire, sabay na tayo", sabi ni Carmie.
"Ah ok sige paalis na din ako, hinatyin mo nalang ako dyan", sagot naman ni Emil.
"Sige go, byeee", sabi ni Carmie at binabaan ng phone.
Matapos ang usapan nina Emil at Carmie, tumunog ang toaster ni Emil at dalian kinuha ang tinapay at nilagyan sa bag.
"Male-late na ako, kainin ko nalang to sa classroom", sabi ni Emil.
Sumakay si Emil sa kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa kanto ng Saint Claire. Noong nandoon na siya, bumusina si Emil para malaman ni Carmie na nandoon na siya. Pumunta si Carmie sa kotse, binuksan, at isinarado.
"OMG buti may dala kang kotse, ang init kasi pag magcocommute", sabi ni Carmie.
"Of course lagi ko gagawin ang lahat para maging fresh always", sagot ni Emil.
Pumunta na ng paaralan sina Emil at Carmie. Naghanap ng parking si Emil para iparada ang kotse, nang makahanap, biglang may umagaw ng pwesto. Bumusina si Emil ng malakas at nainis.
"Huy girl, umagang-umaga naiinis ka nanaman", sabi ni Carmie.
"Eh inagawan ako ng pwesto eh, ako na nga sana dapat dun", tugon ni Emil.
"Hayaan mo na, madami pa naman atang paradahan sa kabila", sabi ni Carmie.
At umalis na sina Emil at Carmie para maghanap ng panibagong paradahan. At nang makakita, pumarada sila ng bilisan para hindi na maagaw pa. Pinatay ni Emil ang sasakyan at umalis na sila Emil at Carmie para pumunta sa kanilang silid-aralan. Pumasok na sila Emil at Carmie at kita na marami na ang nasa loob.
"OMG, kinakabahan ako, kilala ko naman sila pero di ko close", sabi ni Emil.
"Ako din teh, wag kang pabebe diyan", tugon ni Carmie.
YOU ARE READING
The Interpersonal Aspect of My Life
Teen FictionJoin Emil as he goes on an adventure to academics, love, and hardworks that college people do to achieve success and beyond. Join his dramatic and breath-taking experiences in this short story.