CHAPTER VII - Love Got Me F***ed Up

12 0 0
                                    

Dumating na ang linggo ng finals exam at handa na ang lahat para sa paparating na huling pagdusa nila sa kolehiyo, at sa susunod na linggo ay mag-mamartsa na sila sa stage para i-recognize ang kanilang mga natagumpayan mula sa pagiging freshmen nila hanggang sa pagiging senior college students.

Habang nag-eexam, nakatingin si Emil kay Jush at nag-iisip kung paano siya makakapag-make up sa mga nagawa niya. Pero as a responsible student, inuna muna ni Emil ang exam. Pagkatapos ng unang araw ng exam, nilapitan ni Emil si Jush upang makipag-usap, ngunit hindi siya pinansin ni Jush at umiwas sa kanya. Nagtaka si Emil at pagkatapos ay nakasalubong niya si Shirly.

"Shirly! Naka-usap mo ba si Jush? Hindi kasi niya ako pinapansin at umiwas siya", sabi ni Emil.

"Emil! Yes naka-usap ko si Jush, pero hindi ko lang alam if gumaan na ang pakiramdam niya, pero hayaan mo, sooner or later magiging kalmado na siya and he'd be happy to work things out with you", sagot ni Shirly.

"I just feel like...I am the worst person sa buhay ni Jush. I feel like I am someone Jush is scared and disgusted of", sabi ni Emil.

"Of course not, all you need to do is wait and give him time, he will probably understand the situation and trust me, magkaka-ayos din kayo", sabi naman ni Shirly.

"Thank you Shirly, you're the best! I just hope magka-ayos kami before the graduation kasi ayoko na may grudge siya sakin in the most memorable event sa academic life natin", sabi ni Emil.

"Be positive, and be optimistic, I am sure everything will turn out just fine", Shirly empowered Emil.

Pagkatapos ng usapan nila, umuwi na sina Emil, Carmie, at Shirly. Sa oras na naka-uwi si Emil, nag-isip siya ng mga bagay na pwedeng gawin para mapatawad siya ni Jush. Inisip niya na makipag-kita kay Jush in a place like a cafe or somewhere relaxing to have a conversation. Kaya naman minessage niya si Jush if pwede siyang makipag-kita kay Emil tomorrow after day 2 ng exam. Ngunit, hindi nag-reply si Jush and naghintay si Emil just in case he'd reply. Kinabukasan sa day 2 ng exam, natapos na nila Emil ang unang subject...kaya naman naisipan ni Emil na lapitan si Jush sa break time, ngunit tinignan lang ni Jush si Emil ng masama at lumayo agad-agad. Nakaramdam si Emil ng bigat sa damdamin dahil ang crush niya and at the same time ang friend niya ay umiiwas sa kanya. Hindi na pinilit ni Emil na lapitan si Jush para kahit papano hindi ma-inis si Jush sa kanya.

Naisipan ni Emil na bumili ng pagkain para kay Jush na may note na nagsasabing "I am sorry, can we talk?" at iniwan sa lamesa ni Jush. Nagababa-sakali si Emil na baka pansinin siya ni Jush afterwards. Dumating na ang oras para sa ikalawang exam for the second day at napansin ni Jush ang iniwan ni Emil na pagkain. Nabasa niya ang note, tinanggal niya ang note at tinapon. Ngunit ipinamigay niya ang pagkain sa isa niyang kaibigan sa circle niya. Napansin ito ni Emil, kaya naman sobrang na-apekto siya at hindi na alam ang gagawin niya. Ngunit nagpakatatag si Emil at inisip muna ang exam. Matapos ang day 2 ng exam, umuwi si Emil para mag-review sa darating na ikatlong araw ng exam nila. Pero habang nagre-review, tinawagan siya ni Carmie at kinamusta.

"Emil, ano? Nakaka-usap mo na ba si Jush?", tanong ni Carmie.

"Hindi eh, I feel like hindi na niya ako mapapatawad pa, I guess I should just give up", sagot naman ni Emil.

"Ha? Bakit ka mag gi-give up? Gaya ng sabi ni Shirly, give him time and probably sooner or later, OK na siya. Wag mong pilitin if ayaw niya, kasi pag pinipilit mo, mas lalo lang siya maiinis and it will take out the chance of you and him being friends again", sabi ni Carmie.

"I don't know Carmie, I just think it is just a waste of time if ayaw niya makipag-usap sa akin. Pero sige, I will give him time and wala muna akong gagawin sa kanya, I think if he's ready, he'll approach me", sabi ni Emil.

The Interpersonal Aspect of My LifeWhere stories live. Discover now