Sa gabi ng kaarawan ni Jush, nagsisiyahan ang lahat para sa isang milestone ni Jush. Lahat ng tao ay nagsasaya at ang iba ay nagkakantahan, nagchichismisan at kung ano pa ang ginagawa nila. Sa circle ni Jush, nagtataka ang mga tao kung bakit nandoon si Emil.
"OMG, bakit nandito yung scandalosa? Baka mamaya kung ano nanaman gawin niya, tulad nung prelim, he was so vile and napaka-kapal ng mukha", sabi ng isang kaibigan ni Jush.
"I feel like he just crashed into a party, alam ko naman di siya invited", sabi ng isa pang kaibigan nila Jush.
"Huy, ano ba kayo, OK lang na nandito si Emil, besides mukhang siya lang naman ang maiiwan kung di natin siya isasama", sabi ni Carmie.
"Wait, kung ganon bakit di mo siya ininvite? Sabi ni Jush invite mo daw circle mo pero di mo ininvite si Emil?", sabi ng isa sa circle ni Jush.
"Siguro alam niyo naman yung kalagayan namin ni Emil, he was so furious about me, and I don't have a way para imbitahan siya, siguro in-invite siya ni Shirly para sa kaarawan ni Jush. I feel like those two are going along well", sabi ni Carmie.
"Eh yun na nga, pati si Shirly di alam kung in-invite niya ba si Emil o hindi, pero for sure all of us forgot about him...he is such a drama king", sabi ng kaibigan nila.
"Girls, please? Let's just celebrate the birthday of Jush, and besides we are here to have fun, let's just ignore all negativities and have fun. Pwede ba yun?", sabi ni Carmie.
"Whatever, basta di ko papansinin yang Emil na yan, baka pati boyfriend ko maging obsessed din siya", sabi ng kaibigan ni Jush.
Habang nagsasaya ang lahat, si Emil ay nasa porch mag-isa. Nakatunganga si Emil at nakatingin sa taas at sa mga bitwin sa ere. Nakita ni Carmie si Emil at in-approach niya ito.
"Hi, Emil, OK ka lang? Parang ikaw lang ang naka simangot dito sa party", tanong ni Carmie.
"Ano bang pake mo? Pwede dun ka na? Umiinit ulo ko sayo", sagot ni Emil.
"Emil please lang, birthday ni Jush, baka mag-scandalo ka pa dito", sabi ni Carmie.
"What the actual f**k? Ako talaga mag ee-scandalo dito? Gaano ka na ba ka-hibang at naisipan mo na mag ee-scandalo ako dito? Bakit sino ka ba? Oh right, you're the two-faced b*tch who is seducing Jush!", sabi ni Emil na pagalit.
"Emil please! Naririnig mo ba sinasabi mo? You're accusing me of something na hindi totoo. Maybe hindi mo alam pero you are being driven by your jealousy kay Jush at sa akin. Ulitin ko, friends lang kami ni Jush and for all's sake, may girlfriend si Jush! Alam mo ba yun? O sadyang b*b* ka?", sagot ni Carmie.
"You b**ch wag mo ko bino-b*b* kasi you don't know what I have been through. Ilang linggo akong nagtiis na hindi kausapin ni Jush and ang hirap sa akin na makita kayong magkasama. Parang kayo na ang best-friends eh", sagot ni Emil kay Carmie.
"Emil, the three of us could have been friends if you weren't so scandalous and jealous. Bakit kasi di mo itabi yang pagkaka-gusto mo kay Jush and think na you are and will only be friends? Pinipilit mo kasi na parang sayo lang si Jush", sabi ni Carmie kay Emil.
"Wala kang pakealam Carmie. My love for Jush is just as strong as my hate for you. Ikaw kasi mahilig ka mang-angkin ng hindi sayo. You are such a wh**e!", sabi naman ni Emil.
"Alam mo Emil, you can't force love to go to you. Love is not something you seek but something you expect and wait for. Hindi ikaw ang maghahanap ng love, hayaan mo ang pagmamahal ang maghanap sayo and partner you with someone you deserve. Hindi yung pinipilit mo na kapag may gusto ka sa isang tao, yun na yun. Emil please, grow up and mature up your thinking!", sagot ni Carmie.
YOU ARE READING
The Interpersonal Aspect of My Life
Teen FictionJoin Emil as he goes on an adventure to academics, love, and hardworks that college people do to achieve success and beyond. Join his dramatic and breath-taking experiences in this short story.