Kinabukasan pagkatapos ng kaarawan ni Jush ay nagising si Emil. Sobrang hilo niya kaya sinubukan niyang bumaba at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Ngunit bago siya makababa ay nakita siya ni Carmie at tinulungan siya.
"Emil! OMG, OK ka lang ba? Sobrang lasing ka!", sabi ni Carmie.
"At anong ginagawa mo dito sa bahay ko? Paano ka nakapasok? P***ng i*a pati ba naman ako ini-istalk mo? What the f**k Carmie? Una si Jush na may girlfriend tapos ako naman kakalantariin mo na gay? Wala ka na bang pinipiling kakalantariin?", sagot ni Emil.
"Emil kumalma ka. Ako na nga naghatid sayo sa bahay mo, ako na 'tong nagpakabuting tao para sayo yet ginaganyan mo pa rin ako?", sabi naman ni Carmie.
"Carmie please, umalis ka nalang and wag ka na magpapakita sakin, kasi baka makaladkad lang kita palabas ng bahay ko", binantaan ni Emil si Carmie.
"Emil alam mo ba yung pinag-gagawa mo sa buhay mo? Hinalikan mo Jush kagabi and you were so touchy sa kanya...alam mo ba yun?", sabi ni Carmie.
"Hinalikan? Touchy? What the f**k Carmie huwag mo binabato sakin mga kadumihan mo sa buhay. Hindi ako katulad mong freak and higad!", sagot naman ni Emil.
"Emil for the last time, FRIENDS lang kami ni Jush and do you even consider the fact na nililigawan ako ni Angelo? Wala ka bang respeto kay Angelo at kung anong pinagsasabi mo? Ako na ang nagmagandang loob for you, ano ba gusto mo gawin ko to convince you na wala akong ginagawang masama? If you want Jush then angkinin mo siya kay Shirly", sabi ni Carmie.
(Katahimikan ang naganap for a couple of seconds)
"I just want someone to love me the way I like to love them back. Si Jush may Shirly and ikaw may Angelo, I just want to have a partner just like the way you guys have", sabi ni Emil.
"You don't need a partner, nandito kami, we're your friends. Hindi mo kailangan ng someone, akala ko ba independent b**ch ka? Why are you so greedy for love?", sabi naman ni Carmie.
"I don't know, maybe nagseselos lang ako in a way na meron kayong jowa and ako wala, it's just so out-of-place na ako lagi nagiging third party sa inyo, or if not nagiging fifth party, you know...kayo ni Angelo tapos sila Jush and Shirly", sagot ni Emil.
"And do you think na kailangan mo kaming tapatan? Just because we have our significant other ibig sabihin dapat meron ka din? That's not how life works Emil. You don't need to compete with someone and always make a way of things for your benefit that can go towards what that someone has. Your being jealous Emil, you are driven by emotions and feelings. Alam mo ba yung Inside Out na movie? Sabi nila they don't get to choose who Riley is, kasi dapat si Riley ang magdedesisyon for her, and that goes the same to you too", sagot naman ni Carmie kay Emil.
"I am sorry Carmie...wait...did I just apologize to you?", sabi ni Emil.
"Yes, and it's good na you are coming back on your senses...ibig sabihin you are getting to know the essence of what you are doing. You're being accountable for what you have done, and accountability is something you don't want but something you must posses to be responsible for the mistakes you have done. And by apologizing, you are being accountable Emil", sabi ni Carmie.
Biglang umiyak si Emil at gayundin si Carmie, kaya nung nag-iyakan sila, nagyakapan sila at mas lalo pang lumakas ang pag-iyak nila. Ang mga yakap nila ay sobrang higpit na mababalian na sila, ngunit isa iyon sa mga magandang bagay dahil nagbalik na sila as best friends. Sa mga ginawa at nagawa ni Emil, nagkakaroon siya ng pagsisisi sa lahat ng iyon at gustong mag make-up kay Carmie, Jush, at Shirly dahil sa mga pinag-gagawa niya.
YOU ARE READING
The Interpersonal Aspect of My Life
Teen FictionJoin Emil as he goes on an adventure to academics, love, and hardworks that college people do to achieve success and beyond. Join his dramatic and breath-taking experiences in this short story.