CHAPTER III - Emotional Turmoil

11 0 0
                                    

(Nasa school)

"OK class, please go to your groupings", sabi ng propesor.

"Huy beh, ka-grupo ko si Jush, baka naman mag-selos ka?", sabi ni Carmie.

"Huh? Hindi no, ano ka ba, OK lang", sagot ni Emil.

Pumunta na sa kanilang grupo ang mga section A para sa isang group project. Nagu-usap na ang mga grupo para sa kanilang reporting na magsisimula next week. Habang nag-uusap sila Emil at ang ka-grupo niya, napansin niya na ang saya ng grupo nina Carmie at Jush. Nakaramdam ng selos si Emil at kaya di nalang sila pinansin.

Matapos ang usapan, bumalik na sa kaniyang upuan ang mga section A. Nag-aasaran sila Carmie at Jush tungkol sa reporting nila at biglang nanahimik si Emil. Tinanong ni Carmie kung OK lang ba si Emil.

"Huy beh, OK ka lang? Bigla ka ata nanahimik? May initan ba sa grupo niyo?", tanong ni Carmie.

"Ah wala, ano lang, kinakabahan lang ako sa reporting next week", sagot ni Emil.

"Anyways, pupunta kami bukas sa bahay ni Jush para gumawa ng report at pag-usapan ang gagawin namin next week", sabi ni Carmie.

" Ha? Sa bahay ni Jush? Pwede ba ako sumama? Wala rin kasi ako gagawin bukas, and tamang tama wala pasok bukas, maybe I can crash in?", sabi naman ni Emil kay Carmie.

"Wait hindi ko lang alam kasi di naman kami tatambay dun, gagawa kami ng report. Tanungin mo nalang si Jush", sabi ni Carmie.

"OK, sige", sabi ni Emil.

Lumapit si Emil kay Jush para tanungin siya kung pwede ba si Emil pumunta sa bahay ni Jush.

"Hi Jush, so I heard na may ganap sa bahay niyo tomorrow? Pwede ba ako sumama? Don't worry hindi ako manggugulo", sabi ni Emil.

"Ah, sige OK lang, pero wala ba kayong gagawin ng grupo niyo para sa report next week?", sagot naman ni Jush kay Emil.

"Well, since pahuli naman kami, saka na namin gagawin. So ano, OK lang ba?", sabi ni Emil.

"Yeah, sure...OK lang", sagot ni Jush.

Matapos ang usapan nina Jush at Emil, bumalik si Emil sa upuan niya at tinanong ni Carmie kung pumayag si Jush. Sa magandang palad, pumayag si Jush at pupunta sila bukas sa bahay ni Jush bukas para sa report planning nila as their project.

Matapos ang klase, umuwi na ang section A at ibinaba ni Emil si Carmie sa kanto ng Saint Claire. Binasbasan ni Carmie si Emil na mag-ingat.

"Huy, ingat ka ha. See you tomorrow sa bahay ni Jush", sabi ni Carmie.

"Sige, send mo nalang sakin yung location para magdrive na ako dun bukas", sagot naman ni Emil.

"Oo sige, isesend palang naman ni Jush ang location samin sa group chat, forward ko nalang sa'yo", sabi ni Carmie.

At pagkatapos, deretsong umuwi si Emil sa bahay niya para maligo, mag-ayos, kumain, at matulog.

Kinabukasan ay gumising si Emil at tinignan ang phone niya. Walang masyadong notification at walang message kay Carmie tungkol sa lokasyon ng bahay ni Jush. Daliang minessage ni Emil si Carmie, ngunit hindi nagre-reply si Carmie. Kaya naman daliang minessage din ni Emil si Jush para sa lokasyon. Walang isa sa kanila ang nagre-reply kaya naman tinawagan ni Emil si Shirly. Fortunately, online si Shirly, sinagot ang tawag at nakipag-usap kay Emil.

"Shirly, hi...tanong ko nga pala kung saan banda ang bahay ni Jush? Pupunta kasi kami sa kanya for a school project", sabi ni Emil.

"Hi Emil, bale sa Saint Claire, deretso ka lang papunta sa Silver Street, tas pagpasok mo sa Silver, may makikita kang guard, sasabihin niya sayo, basta sabihin mo bahay ni Jush, kilala siya dun", sagot naman ni Shirly.

The Interpersonal Aspect of My LifeWhere stories live. Discover now