CHAPTER II - Misunderstanding

10 0 0
                                    

Bagong umaga nanaman at sumabak si Emil sa panibagong araw ng klase. Pumasok si Emil sa loob ng silid-aralan at umupo sa tabi ni Carmie.

"Beh sorry, di na kita naihatid, nagmamadali kasi ako. Bigla ba naman may pa quiz", sabi ni Emil kay Carmie.

"Ok lang yun, hinatid naman ako ni Angelo", sagot ni Carmie.

Kinuha ni Emil ang kaniyang reviewer para mag-aral sa darating na quiz na in-announce sa kanila kagabi. Habang nagrereview, pumasok si Jush at biglang tinabihan si Emil. Tinanong ni Jush kung nakapag-aral ba si Emil sa quiz at tugon ni Emil na hindi pa daw siya nakakapag-aral.

"Tara sabay na tayo mag-aral", sabi ni Jush.

"Ah, ok...ummm-sige", sagot naman ni Emil.

Dalian inilabas din ni Jush ang kaniyang reviewer para sabay sila ni Emil makapag-review.

"Siya nga pala, dito na din ako uupo, tabi tayo mag quiz", sabi ni Jush.

"Ah ok lang, walang problema", tugon ni Emil.

Tumingin si Carmie kila Emil at Jush na para bang nagtataka kung ano ang ganap sa kanila. Napansin din ni Emil ang pagtingin ni Carmie. Ngumiti si Emil na para bang kinikilig at pagkatapos ay nag-aral na sila para sa quiz. Matapos ang ilang minuto, dumating ang propesor nila at sinabing itago na ang mga phones at reviewers dahil magsisimula na ang quiz. Lahat ng estudyante sa section A ay inayos ang kanilang upuan ng one-seat apart. Ibinigay ng propesor ang test papers at ipinasa ito sa harap mula sa likod.

"OK, get one and pass", sabi ng propesor.

Nakuha na ni Emil ang kaniyang test paper at nagsimula na siya sumagot ng quiz. Habang sumasagot, di napigilan ni Emil na tumingin kay Jush na para bang ina-admire niya siya. Hindi namalayan ni Emil na ang tagal niya tumitingin kay Jush, kaya sa masamang palad ay nahuli ng propesor si Emil at Jush at pinagkamalan na nangongopya. Sinita ng propesor sina Emil at Jush, daliang kinuha ang test paper nila at pinunit. Dismayado si Jush at Emil sa nangyari. Pagkatapos ng quiz, pina-dismiss na ang section A at maghintay sa susunod nilang klase. Naka-alis na ng silid-aralan ang section A, at daliang umalis si Jush. Hinabol siya ni Emil at naghingi ng paumanhin.

"Jush, i'm sorry, di ko akalain na mahuhuli tayo", sabi ni Emil.

" Tayo? Eh ikaw 'tong tumitingin sakin. I was minding my own business tapos nakatingin ka sakin? Alam mo Emil naiilang ako sayo", tugon ni Jush kay Emil.

"What?! No! Hindi! Hindi ako tumitingin sayo, I mean oo pero nagiisip lang ako", sagot ni Emil.

"Nag-iisip? Alam ko Emil na may gusto ka sa akin pero ang awkward lang talaga", sagot naman ni Jush.

" Jush, I am sorry, hin-", sabi ni Emil.

"Sorry? Pinaka-unang quiz natin di ko nakuha dahil sa mga pantasya mo sakin", sagot ni Jush kay Emil.

" Pantasya? Ano ba kala mo sakin obsessed sayo? Ang feeling mo naman", sagot ni Emil.

"Bakit? Sino ba sa atin ang nakatingin? Diba ikaw? Huling-huli ka ni ma'am", rebut ni Jush.

" Nadamay lang ako sayo, I'm sorry Emil pero, naiilang na ako sayo", dagdag ni Jush.

Biglang umalis si Jush at iniwan si Emil na nakatunganga at dismayado sa sarili. Habang paalis si Jush, saka pumasok si Shirly. Nakita niya na para bang galit si Jush kaya tinanong niya ito kay Emil.

"Hi, Emil. Ako nga pala si Shirly, girlfriend ni Jush. Wait, ano nangyari? Bakit parang nagka-initan kayo ni Jush?", sabi ni Shirly.

"Hi Shirly, ummm....wala, misunderstanding lang", sagot ni Emil kay Shirly.

The Interpersonal Aspect of My LifeWhere stories live. Discover now