2 of 7

2.7K 13 7
                                    

Kinabukasan ay mabilis na kumilos si Ina dahil ngayon ang 2nd Session ng pag pinpinta sakaniya ng Binata. Matamlay ang Dalaga dahil alam niya na ilang Araw na lamang ay matatapos na ang kabutihan sa kaniya ni Paolo.

Sabay daw Sila mag breakfast ni Paolo kaya naman hindi na Siya nag abala na magluto ng kaniyang makakain.

Pagdating niya sa Bahay ng Binata ay walang ibang Kotse sa Garage nito na pinagtaka ng Dalaga.

Himala? Wala ata si Jen. Sabi niya noong nakaraan babantayan niya si Paolo habang pinipinta ako eh.

Wika ni Ina sakaniyang isip pero hinayaan na lamang niya dahil baka may gagawin na iba si Jen.

Kahit na alam ni Ina ang Pustahan ay hindi niya magawang magalit kay Jen at Marlon. Dahil kahit papaano ay makikinabang pa rin ang Charity.

Pag pasok niya sa loob ng Bahay ni Paolo ay may kakaibang kaba ang bumundol sa kaniyang Puso pero hindi niya matuloy kung ano.

Napansin ng Dalaga ang Dining Table ng Binata na may Apat na Plato at naka ayos ito na ipinagtaka ni Ina.

"Good morning!" Bati sa kaniya ni Paolo habang nagluluto.

"Good morning." Simpleng bati ni Ina.

"Maupo ka na muna, patapos na ako dito." Ngiti ni Paolo.

Narinig ni Ina na may dumating na dalawang Kotse at napalingon ito sa pagbukas ng pinto.

Si Jen at Marlon!

"Good morning, Ina!" Bati ni Marlon ay niyakap si Ina.

"Good morning, Ina!" Bati ni Jen ngunit ang niyakap nito ay si Paolo habang nagluluto.

Tumango lamang si Ina at nilibang ang sarili sa pag ce-cellphone.

"Kain na tayo!" Wika ni Paolo.

Kumain na Sila ngunit walang kibo si Ina at nakikiramdam, nagulat pa siya ng biglang hawakan ni Paolo ang kaniyang kamay habang kumakain.

"Guy's, Girlfriend ko na si Ina."
Wika ni Paolo kay Jen at Marlon.

Nakita ni Ina kung paano ngumisi si Paolo ng mag angat ng tingin si Marlon at Jen.

"Ang bilis talaga ng Bestfriend ko!"
Halakhak ni Jen.

"Ina, sure ka?" Alanganing tanong sakaniya ni Marlon.

Tumango na lamang si Ina at hinanda niya ang inaral na pekeng ngiti upang hindi makahalata ang mga ito na may alam Siya sa kanilang Pustahan.

"Oo, kahapon lamang.". Wika ni Ina.

"Congratulations!" Bati ni Jen na parang nang-aasar.

Si Marlon naman ay hindi inaalisan ng tingin si Ina dahil nakokonsensya ito.

Kaya pala inaya akong mag breakfast! Ang galing mo Paolo!

Piping bulong ni Ina sa kaniyang isip habang tinitingnan si Paolo.

Naiiyak na ang Dalaga ngunit pinipigilan niya ito dahil ayaw niyang mapahiya sa mga ito.

"Excuse me, C.r lamang ako."
Ngiti ni Ina.

Tiningnan ni Ina ang kaniyang Sarili sa harap ng Salamin at may luhang pumatak sa Kanan ng kaniyang Mata. Pinunasab niya ito at lumabas na ng c.r.

Mas lalong nasaktan si Ina ng malaman niya hahayaan ni Paolo na ipinta Siya nito sa harap ni Marlon!

"Aalis na lamang ako, Pao. Ayaw kong makita ang hubad na Katawan ni Ina dahil magkaibigan kami."
Seryosong saad ni Marlon.

"Why? Wala namang malisya, diba Ina?" Ngisi ni Jen.

"No! I respect her. Ina I'm going."
Wika ni Marlon at niyakap si Ina.

"Yeah, Jen is right. Wala namang malisya at para naman sa Charity ito."
Double meaning na wika ni Ina.

"No! Aalis na ako." Tugon ni Marlon.

Umalis si Marlon ngunit naiiyak na naman si Ina.

POSSESIVE WILD SERIES #8 ; THE PAINTER by INA and PAOLOWhere stories live. Discover now